Nag kakagulo ang buong press. Dahil sa mga reporter na gusto makuha ang buong komento ko at ang aking kuwento sa kanila.
I was so scared. Pakiramdam ko wala ako kakampe sa dagat ng mga taong kaharap ko. Kita ko ang pag dating pa ng ibang mga reporter na nag tatanong.
Sa ilang minuto. Kaagad rin nag simula ang press conference at ang mga tanong na di ko alam ang isasagot.
"Is it just a publicity stunt that you are facing now in this interview?" Ani ng babaeng reporter.
"H-hindi... Ito isang palabas lang. I want to clarify the all accusations about my Dad." Buong tapang sabi ko.
"Totoo bang may kinalaman ang Ama mo, sa pag kamatay ng namayapa mong asawa na si Dan Aaron Saldivar?" Ang lalaking reporter.
"I can't give you that information because it's confidential." Hindi ko pag sagot.
Nalaro ko ang mga daliri ko upang maibsan ang pag katakot at pag kabalisa.
"Classiest Clothing is under investigation. At si Sid ang kapatid ni Dan ang may kapangyarihan na makagawa nun. Ano sa tingin mo ang pakay niya sa pamilya mo?" Ano ng isa pang reporter.
"I can't give you that information" hindi ako muli nakasagot. Ramdam na ramdam ko ang mga gigil sa akin ng media na mag labas na kahit maliit ng impormation sa lahat ng ito.
"According to the autopsy. Cause of death was considered to be brain laceration due to gunshot." At sinasabing baril na gamit iyon ng ama mo?"
"Totoo ba ang lahat ng bintang sa iyong ama?
"Totoong bang mamatay tao siya?" Sunod sunod na tanong iyon.
Tinago ko ang mga luhang gustong kumawa sa suot kong shades na itim at facemask. Nadudurog ako sa mga akusang walang katotohanan.
Dahil sa totoo lang. Hindi ko na alam ang kakampihan ko at di ko na alam kung sino ang kakampi at kalaban. Pagod na ako. Pagod na pagod.
"H-hindi."
"Mrs. Saldivar, nag panggap si Sid na asawa mo. Ibig bang sabihin ay ginusto mo ang lahat ng iyon, para makalimot sa kapatid nito na si Dan?" Ani ng nasa likod na report.
"No, kahit kaylan ay hindi ko gagawin ang gumamit ng ibang tao. para lang makalimot." Direkta kong sagot.
"Your Daddy was accused of Fraud. Ano ang masasabi mo tungkol sa pag transfer niya ng pera sa buong Classiest Clothing?" Ang isa pang reporter.
"H-hindi magagawa ni Daddy ang mag nakaw!" Tumaas na boses na sabi ko. Dahil sobra na ang pag bingtangan si Daddy.
"But he is under arrest. that's just proof that he thief." Ang mga reporter.
"A-ano alam niyo tungkol sa pamilya ko?! Paano niyo nasasabi ang mga bagay na iyan!" Halos umiyak kong sabi.
"According to legitimate source. Ang lahat ng branches mo out of country ay wala na. Ano sa tingin mo ang mangyayari sa CC company?" Tanong muli.
"The Glamours filed a lawsuit. And other Collab brands. What do you think you can do Mrs Saldivar?" Walang tigil na tanong sa akin.
Natulala na lang ako sa lahat ng tanong. Kaagad akong kinuha ni Sandra, nang wala na akong maisagot.
Wala akong naging pahinga. Nang matapos ang press conference ay kaagad akong nag tungo sa police station kung saan naka detained pa ruon si Daddy.
"Pag katapos ng unang hearing sa case ng Daddy mo puwede kana mag tungo sa Las Vegas." Si Sandra na minamando ang sasakyan.
"P-pakiramdam ko di ko kayang iwan sila rito." Nakatulalang sabi ko habang tinitingnan ang kalsada.
"It's for your own protection, Eris." Si Sandra.
"Nag dudusa ang pamilya ko. Hindi ko kayang maiwan sila at takasan lang ang lahat ng ito." Ako.
"Do you think the Saldivars won't find you? Galit na galit si Sid sa pamilya mo. Ang lahat ng pag bagsak na nangyari sainyo ay siya ang may pakana." Pinilit na pinapaunawa sa akin ni Sandra.
"P-paano.. ako makakaalis rito kung kahit libingan ng asawa ko ay di ko nakikita?!" Naiiyak na sabi ko.
Alam kong oras na lang ang hinahabol namin. Hindi namin ang alam ang susunod na hakbang na gagawin ng pamilya ni Sid. Ngunit pag tataksil kay Dan ang umalis ako ng di ko nasisilayan kahit na libingan niya.
Kita ko ang medyo pagbigla ni Sandra sa sinabi ko.
"Malabo mong makita iyon. Hindi papayag ang pamilya niya." Si Sandra.
"Magulo ang buong media ngayon mainit ang mata nila sa Daddy mo. Masyado silang uhaw sa statement ng mga Saldivar. Hindi nila maisip ibaling sayo ang buong atensyon nila." Si Sandra.
Hindi ako umimik. Pinag iisipan ko ang lahat. Gusto kong hindi mag kamali sa magiging desisyon ko.
Kinuha ko ang cellphone ko. At kaagad bumungad sa akin ang isang briefings. Kung saan ang laman ng article ay ang pababa ni Sid bilang CEO ng Petroleum & Chemical Corp.
21 December 2020 – The Saldivar Petroleum & Chemical Corp for Assigned Names and Numbers (SPCC) announces that the Board of Directors has accepted Sid Ares Saldivar's resignation as President and Chief Executive Officer (CEO). Sid's departure is effective immediately.
YOU ARE READING
The Cold Billionaire
Fanfiction"He died because of your negligence." "Seeing you suffer makes me feel better."