Kabanata 42

3K 30 0
                                    

"Dan was sick, sinabi ko naman na bawal ang mag night swimming sa Mansion na ito Sid!" Bulyaw ni Mommy sa akin.

Napahilot siya ng sintido. Pinag masdan ko lang ang bawat galaw niya. At hindi binigyan ng kahit ano sagot ang mga tanong niya.

Inayos ni Mommy ang bowtie ko. Habang ako'y  kung paano mag papanggap na si Dan sa harapan ni Thalia.

Thalia and I are not close.  And I don't like her. Kung hindi lang nilagnat si Dan, ay mas pipiliin kong mag tungo sa Stallion at mangabayo kaysa makita ang mukha niya.

Hinablot ko kaagad kay Dan ang invitation sa 18 Roses ni Thalia, I can't believe she didn't include me in her18 special men in her life.

What's wrong with her?

"He doesn't like you, yun ang ibig sabihin niya." Si Dan na tuwang tuwa sa invitation na nakuha niya.

"What? Ano ang hindi niya gusto sa akin? We both have almost the same face." Singhal ko kay Dan.

Tamad itong tumingin sa akin at nag taas ng kilay. Kita ko ang pag irita niya sa sinabi ko, ngunit mas pinangunahan ito ng mas nakakalokong ngisi sa akin.

"She doesn't like you because of your attitude." Anito at iniwan ako sa veranda.

Naiwan akong laglag ang panga sa sinabi niyang iyon, she doesn't like because of that? Mapakla akong natawa. Well,  I don't like her too. Hindi siya ang mga tipo kong babae.

Nag tungo ako sa Debut niya. Kasama ko rin sina Blake at Aeri sa 18 Rose niya. Pink na pink ang buong bakuran nila ng mag tungo kami ruon. Marami rin ang kotse sa labas at loob.

"You sure? Rito na lang natin ipapark to sa gilid?" Si Aeri na minamando ang sasakyan.

"Alanga naman sa gitna ng nag dadaos ng debut natin idala yan?" Pasaring na segunda ni Blake.

"I'm not talking to you asshole.  I'm talking to Sid." maarteng segunda ni Aeri kay Blake.

Inayos kong muli ang bowtie na medyo nagulo. Inayos ko rin ang tux na suot ko pati na rin ang medyo nagulong hawi ng aking buhok.

"You two shut up. Huwag niyo ako tawagin Sid! Baka malaman ni Thalia na ako ang nag punta at di si Dan." Ani ko ay kumabas ng BMW.

Humagalpak ng tawa ng dalawa habang pinag mamasdan akong inaayos kong muli ang buhok ko. Kita ko ang asong ngisi nila sa akin.

"I thought you didn't want to come here?" Tanong ni Aeri.

"Do you think I really want to go here?"

"Hell f*cking no." Pag tanggi ko. Dahil totoong na pilitan lang ako. Bakit naman ako mag tutungo ng debut kung walang invitation.

Nag tutungo siya ng Mansion tuwing sabado upang mag papansin kay Dan. Ni hindi ko siya tinatapunan ng tingin. Kahit madalas siyang mag kamali kung sino sa amin ang Dan.

She's annoying.

Nag simula ang 18 Roses niya. Isa-isa siyang isinayaw ng mga kalalakihan na kasali sa 18 roses. Umupo sa akin tabi si Blake at napangisi sa akin matapos niyang isayaw si Thalia. Siya ang pang seventeen. At ako naman ang pinakahuling lalaki mag sasayaw sa kanya.

"You know what?! Sobrang ganda niya. Actually maganda naman talaga siya nuon pa. Pero bruuuhh! Iba ngayon ibang iba." Manghang sabi ni Blake sa akin.

Tinapunan ko lang ito ng tingin at muling tumayo. Kaagad nag dim ang ilaw ng mag simula akong malakad sa direksyon niya.

Nag palakpakan ang lahat ng makarating ako sa harapan niya upang kunin ang malambot niyang palad.

She's wearing color champagne ball gown. Ang buhok at kulot na nakabagsak. Para siyang isang angel dahil sa magagadang bulaklak na naka design sa kanyang buhok. Idagdag pa ang maliit niyang muka at matangos na ilong.

The Cold Billionaire Where stories live. Discover now