Kabanata 11

3K 29 0
                                    

Nanlalabo ang aking mata habang sinusundan ang kotse ni Dan. Kahit sobrang sakit ay pinilit kong kayanin ang lahat ng nakikita ko na ginagawa niya.

Silaw na silaw ang aking mata sa mga streets lights na nadadaanan ko. Wala akong ibang naiisip kundi ang lahat ng masasayang alaala naming dalawa. Kung paano niya ako alagaan nuon at kung paano siya mag aalala sa akin.

It's hard to explain this feeling. I feel so empty and hopeless. My heart aches, and a drowsy numbness pain.

did I not know him well?

Masyado ba akong naging mabilis sa desisyon mag pakasal sa kanya?

Patuloy kong minando ang sasakyan. Huminto ang car ni Dan sa isang Italian restaurant. Kasabay nun ang paglabas niya. At ang pag salubong niya sa babaeng nasa shotgun seat.

Kinuha ng balet ang key car nito ng pumasok sila sa resto. Ang balet ang nag park ng sasakyan niya sa parking lot ng resto.

Habang ang dalawa ay masayang pumasok sa loob.

Wala akong nagawa kundi ang titig silang dalawa. Ilang kilometro lang ang layo ni Dan sa akin. Pero sobrang hirap niyang abutin.

Titig na titig ako habang papasok silang dalawa. Hindi ako bumaba ng kotse. Hinintay ko silang lumabas muli.

Gusto kong makita lahat ng gagawin nila. Gusto ko pang mamanhid ng matindi. Gusto kong durugin ang puso. Hanggang sa mapagod na lang ito. at di na tumibok para sa kanya.

Umaagos ang mainit kong luha sa pisngi. Ang pahinga lang ng malalim ang nagawa ko ng mawala sila sa aking paningin.

Hinampas ko ng malakas ang manibela. At mapahilamos ako sa akin mukha. Ang hikbing mahina lang kanina ay unti-unting kumawala.

Walang sino man ang nakakarinig at walang sino man ang nakakaalam, kung gaano ako nasasaktan ngayon. Pinipilit kong kumbinsihin ang sarili ko na mamanhid na lang sa lahat ng ito.

Ngunit ang pag tarak ng punyal ng kalungkutan at pag tataksil ang patuloy pumapatay sa puso kong sugatan na sa laban.

Kaagad kong kinuha ang phone ko at hinanap ruon ang pangalan ni Dan.

Tinawagan ko ito. Umaasa akong sasagutin niya iyon. Gusto kong makausap siya at ipaliwanag niya sa akin ngayon kung sino ang babaeng kasama niya.

Kung sasabihin niya katrabaho lang niya ito. Baka sakaling patawarin ko pa siya. Pipilitin kong unawain ang lahat. Kukumbinsihin kong hindi totoo ang lahat ng nakikita ko ngayon.

Itanggi lang niyang wala siyang babae.

I had been brought up to believe that life is always a gift, but it certainly didn't feel like one. Pakiramdam ko ipinagkait na sakin ng mundo ang kasiyahan.

Ilan calls ang ginawa ko, ngunit hindi niya iyon sinagot.

Napakagat ako sa ibaba kong labi. Ni hindi ko alintana ng malasahan ko ang lasang kalawang.

Pumatak ang dugo sa suot ko white dress. Isang patak lang iyon. Kaagad kong pinunasan ang baba ko ng maramdaman ko ang sariwang dugo.

Ilan minuto rin ang lumipas. Nang tumingin ako sa orasan ay 9 : 40 PM na kasabay ng palabas muli ng sasakyan ni Dan kasama ang babae.

Sinundan kong muli ang sasakyan. Hanggang sa marating ito sa five star hotel. Halos gusto ko nang babain ang sasakyan upang makita ni Dan na nakikita ko ang mga pagtataksil niya.

Lumabas itong muli sa mercedes Benz niya. At binuksan ang kabilang pinto, upang makalabas ang babae.

Nang makalabas ang babae ay kaagad silang pumasok sa loob ng Hotel. Pinigilan ko ang sarili kong babain. Nag hintay muli ako.

Yes, pag hihintay lang ang aking nagawa sa lahat ng nakikita kong ito. Walang mababago kahit pa anong gawin ko. Nagawa na niyang akong pag kataksilan, at paghingi na lang niya ng tawad ang nais ko na marinig.

Tatanggapin ko siya kung hihingi siya nag tawad at sasabihin niyang mali ang iniisip ko sa mga nakita ko.

Handa ako maging bulag sa pag ibig niya.

Ilan minuto lang ay lumabas muli si Dan na nag iisa. Suot niyang ang black long sleeve niya na bakat na bakat ang magandang hubog ng katawan niya. Kaya't nasisiguro ko siya ang lumabas muli.

Kita ko ang pag tupi niya sa sleeve na suot. Habang nag lalakad patungo sa sasakya niya.

Sinundan kong muli ang kotse niya. Walang traffic ng gabi kaya may kabilisan ang takbo ng kotse ni Dan. Pero pinilit kong sundan iyon muli.

Hanggang sa nakarating ang kotse sa isang modern penthouse style na bahay.

Lumabas niyang muli ruon. At kaagad na pumasok sa loob.

This is Sid's penthouse.

Anong ginagawa niya rito?

Rito ba siya nag tutungo sa tuwing nalalate siya ng uwi?

Maraming katanungan sa isip ko. Lumabas ako sa kotse ng makita kong nakapasok ito sa loob.

Nag tungo ako sa main gate. Nag uugat ang mga paa kong nakatitig sa door bell. Walang gaanong ilaw ang loob. Ngunit matatanaw mo ang nag iisang ilaw na bukas sa living room.

Hindi ko pinindot ang door bell. Besides nag enter ako ng passcode sa door system.

Naging close kami ni Sid nuon. At ako pa mismo ang nag lagay ng code system sa bahay niya. Pero di ako umaasang iyon parin yun.

Dahil sa huli umamin siya sa akin, kasabay ng pag amin ko na ikakasal ako kay Dan.

Laking gulat ko ng mag bukas ang gate.

Nanlalamig akong nag tungo sa pintuan. Bukas ang pinto. Unti-unti ako pumasok sa loob.

Lamp shade lang ang nakabukas ruon. Habang ang bulto ng isang lalaking nakaupo sa sofa ay tahimik na naninigarilyo.

"What are you doing here?" He asked in a low rough voice.

The Cold Billionaire Where stories live. Discover now