Halos bente piraso ng damit ang dala ko. Isa isa ko iyong ipinasok sa kotse. Nang tumawag sa akin si Madam Demi. Nag sabi ito na nasa studio ang lahat ng gagamitin pwera ang damit.
Wala pa naman si Deb. ruon kaya't may oras pa. Ngunit di ako nag sayang ng kaonting oras, dahil minsan ay magugulat na lang at naruon na iyon.
"Yes, Madam. Patungo na ako, I'll call when I'm close to the photo studio." Ani ko sa kabilang linya.
"Alright, pakibilisan mo lang at baka makarating ang inggrata na iyon agad." Si Madam.
Tiningnan ko ang oras sanakin phone. It's 9:30 am. May oras pa akong tumawag kay Nanny teresa.
Maaga akong umalis kanina. Hindi ko na nabutang gising si Shiloh, kaya't ibinilin ko na lang ito kay Teresa.
I miss her already.
Minando ko ang ford na sakay ko patungo sa photo studio.
Nang makarating ako ruon ay nakita ang buong team na inaayos ang buong lugar. Ang mga nag lalaking camera ay inihahanda na para sa shoot. Ang ibang make up artist naman ay inilalapag na sa LED mirror ang napakaraming makeup.
"Ayos na ang mga susuotin?" Si Madam na nakatingin sa akin. Habang pinag mamasdan ang buong paligid.
Muntik pa ako mabilaukan dahil sa gulat. Nang iharap niyang ang muka niya sa akin.
"N-naayos ko na Madam. Nakapili na rin kami ng damit para sa pinaka unang shoot." Ani ko.
Tumango lang sa akin si Madam. Kasabay nun ang pag dating ng manager kasama si Deb. Inayosan ko kaagad ang susuotin nito.
"Tingin ko ay tipo ni MR. Saldivar si Deb."
"Hindi iyon mag sasayang ng milyones para lang sa ilang shoot na aabutin ng isang buwan." Ang manager. Habang kinakausap si Madam Demi.
Puno ng paninigurado ang boses ni Kiara. Kaya kahit sino ay paniniwalaan ang sinabi niya.
"Pang international ang taste ni Sid, kung ganun." Si Madam.
Pinag patuloy ko lang ang aayos kay Deb. Habang tuwang tuwa ito sa mga naririnig.
"You hear that? Type yata ako ng binatang iyon." Pag mamalaki sa akin n Deborah.
Tumango lang ako at binigyan siya ng ngiti.
"Ano sa tingin mo ang mga tipo niya? Tingin mo ba pasok ako sa taste niya?" Tanong nito sa napakalaking salamin. Habang ang tingin ay nasa akin.
"Mahaba ang buhok ang tipo niya, hindi maikli." Ani ko. At pinag patuloy ang pag aayos sa ibabang laylayan ng suot nitong maroon dress.
"What? Ibig mong sabihin ay di niya ako type, dahil lang sa maikli ang buhok ko?" Puno pag dududa na tanong niya.
"H-hindi naman. Gusto ka niya I'm sure." Halos sapakin ko ang sarili kong bibig sa sinabi ko.
Dammit!!!
Nang matapos ang pag aayos sa dress na susuotin ni Deborah sa shoot. Kaagad rin itong lumabas upang masimulan na ang photoshoot niya.
Gumilid lang ako sa pinaka gilid upang matanaw ang pag pose at pakuha ng picture kay Deb. Habang bawat pose nito ay siya rin pag lapit ko ay pag aayos.
"One more!"
"That's great!"
"Fears!"
"Beautiful!"
Halos yun lang ang naririnig ko habang ang flash ng camera ay patuloy parin sa bawat galaw at bawat kakaibang pose na ginagawa ni Deb. Napaka propesyunal ni Deb. Kung pag masdan siya. Talaga naman kahit sino ay magugustuhan siya.
Kahit pa si Sid....
Pakiramdam ko ay biglang kumirot ang puso ko sa naisip kong iyon...
Hindi ako mag tataka kung may iba na itong gusto. Ilang beses ko na siyang tinaggihan nuon pa man. Kaya't di malayo nakahanap na ito ng ipapalit sa akin.
Sa akin.
Hinawakan ko ang aking dibdib. Pakiramdam ko ay nadudugo iyon. Sa tuwing maiisip ko ang bagay na iyon.
Bayolente lang ako napabuntong hininga at ipinag patuloy ang trabaho.
Nang matapos ang shoot ay kaagad kong niligpit ang mga damit na nagamit. Gusto kong makauwi ng maaga. Dahil maaga kong iniwan si Shiloh kanina.
Kaagad lumabas sa parking lot. Dala ang isang damukal na damit. Ngunit nalaglag ang panga kong nang maalalang kinuha ni Kiara ang susi nun, para dun sumakay at mag tungo sa club ngayon.
Gusto kong ibalibag ang lahat ng damit na hawak ko dahil sa pustrasyon. Napahawak na lang ako sa aking nuo.
"Wala kang sasakyan? I can drive you home, if you want." Ani Sid. na napatingin sa napakarami kong hawak.
His grey eyes. Halos manginig ang tuhod ko sa titig niya na iyon. Ngunit tinalikuran ko siya at mag kunwaring di ko narinig ang sinabi niya.
"Pretending not to hear me, huh?" Ngisi niya nang humakbang at tumayo sa direksyon kung saan ako humarap.
"No. thanks." Matigas kong sabi at bumaling muli sa kanya.
Ngunit hindi na ako nakapag protesta ng kunin niya ang mga damit na nasa braso ko.
"S-sid!" Alma ko ngunit tumalikod siya sa akin.
"I said I will help you. And you keep ignoring me." Anito. Tumunog ang Roll Royce nito nang makapalit kami.
"Just put me down nearby. Kaya ko nang mag lakad pauwi." Ani ko. Dahil kinakabahan ako na baka makita niya si Shiloh.
"Why? You don't want your husband to see you with another man?" Ani to.
Gusto kong kunin ang damit na inilagay niya sa kotse niya at layasan na lang siya. Pero huli na iyon ng inalalayan niya ang beywang upang makasakay sa kotse niya.
Pakiramdam ko libo-libong bultahe ng kuryente ang tumama sa akin. Halos mapasinghap ako sa simpleng pag hawak niya na iyon.
Hindi ako nag salita. Tahimik namin bignatas ang highway.
"You left me without a trace." Pag basag niya sa katahimikan.
Halos nag flashback ang lahat ng mga aalaala namin nang sabihin niya iyon.
Iniwas ko ang tingin ko at ibinaling sa bintana ng kotse ang mga matang nagigilid sa luha.
Ayokong tumitig sa mga mata niya. Pakiramdam ko nakikita ko si Shiloh sa kanya.
YOU ARE READING
The Cold Billionaire
Fanfiction"He died because of your negligence." "Seeing you suffer makes me feel better."