Kabanata 21

3.7K 40 0
                                    


"Mma, mmma!" Si Shiloh na pilit nag sasalita, habang inaayos ko ang mga gamit namin sa maleta.

Hinayaan ko siyang mahiga kama upang magawa ko ang mga dapat kong gawin. Ang unang maleta ay puno ng mga damit niya na gagamitin sa pag uwi namin.

Ang pangalawa ay sa akin. Medyo may karamihan ang dinala ko dahil sure daw na aabutin kami ng higit isang buwan.

"Anong oras ang dating ng Nanny na nakuha mo?" Si Auntie Borja. Nang maupo ito sa tabi ni Shiloh at nilaro laro nito ang kamay.

I hired someone from Elite Nanny's to take care of Shiloh. pinay rin iyon na nag tatarabaho rito sa Vegas. Naging madali rin sa akin na maiwu siya sa pinas dahil complete documents siya.

"Tingin ko Auntie mga 7 PM ay narito na siya." Ani ko at pinag patuloy ang pag aayos ng damit.

"Are you sure you're taking Shiloh in philippines with you?" Puno iyon ng paninigurado. Alam rin ni Auntie ang buong nangyari sa amin.

"Opo Auntie, hindi ko naman siya puwedeng iwan rito. Besides pupunta kayo ng Mongolia. Hindi ko puwede kunin ang oras mo para makapag relax kayo." Nakangiting sabi ko.

Ayokong kunin ang konting oras ni Auntie. She deserves to spend time with her family, especially her husband who is in Mongolia.

"Puwede mo sa akin iwan si Shiloh. Sinabi ko naman sayo nuon di ba?" Si Auntie.

"Nakakahiya na Auntie. Saka deserve mo ang mag spend ng time specially kay Tito Baste. Ani ko.

"Hey, little ganda. Let's take a bath na!" Masayan sabi ko habang dahan-dahang itong ikinakarga.

"Bath! B-bath!" Magiliw na sabi nito. Nakakatuwa lang na dati dati ay halos napakaliit langn ito. Ngayon ay nakakapag salita. Yun ata ang pinakamasayang bagay bilang ina. Ang makita mong lumalaki ang anak mo at nakikita ang bawat detalye na nagagawa niya.

Kinabukasan ay kaagad na kaming dumiretso sa Airport para makauwing pinas. Humiwalay ako sa mga katrabaho ko, dahil baka kung umiyak si Shiloh ay mainis ang iba. Kaya't sa ibang sakayan kami sumakay kasama ang Nanny ni Shiloh.

Under parin ng company ang ticket ko pauwi ng pinas. Ngunit ang kay shiloh at sa Nanny teresa niya ay sa akin na.

Inabot ng 15 hours ang naging biyahe pauwi ng pinas. Dalawang syudad ang hinintuan namin bago makarating sa Manila. Halos natulog at kumain lang yata ang ginawa namin ng anak ko sa boung biyahe.

Nang mag land ang ereplano pagbaba pa lang namin sa airport ay natanaw na namin si Mommy. At ang Tita Diana ko.

"Oh gosh! Ang laki laki mo na agad Shiloh!" Si Mommy na kaagad kinuha si Shiloh sa pag kakarga sa Nanny nito.

Kaagad akong nag beso kay Mommy at kay Tita. Kita ko ang pag aalala ni Tita dahil baka kalkalin na naman ng media buhay namin.

Gusto kong iwasan ang bagay na iyon. At maging maingat. Ayokong madamay ang walang muwang na anak ko sa mga nagyayari.

Ayoko rin pag initan siya ng media.

"La!" Munting sigaw ni Shilo habang nakasakay kami sa kotse. Patungo sa condo nankinuha ko bago pa ako umuwi.

Tuwang tuwa si Mommy. Halos di nga ata ako kinausap dahil sa tuwa kay Shiloh.

Sa tatlong taong kong di pag uwi. Wala naman nag bago normal parin ang lahat. Pero sa akin pakiramdam ko lahat ay nag bago mula ng dumating sa akin ang anak ko.

"Kamusta po si Daddy?" Tanong ko kay Mommy. Patuloy ang mata ko sa kalsada.

"Your Daddy is fine. hanggang ngayon ay galit parin siya kay Xicto. Wala na tayong magagawa sa bagay na iyon." Si Mommy na napabuntong hininga na lang.

"Ayaw niyang makita si Shiloh. Nabanggit ko na pauwi ka rito. Ngunit di siya nag salita." Segunda muli ni Mommy.

Hindi ko na pinilit si Daddy. Di niya matanggap na nag kaanak ako sa isang Saldivar. Hindi ko na pinilit. Ayokong mag karuon ng lamat ang sa amin ni Daddy. Ngunit pakiramdam ko ay matagal na iyong nag kalamat buhat ng iwan ko siya sa panahon na kinakailangan niya ako.

"Teresa take a good care of Shiloh." Ani ko habang unaayos ang suot black spaghetti straps na suot ko.

"Opo Mam." Aniya. Habang pinakain ito ng gerber cereal.

"Last one. Shiloh is not allowed to eat seafood.  She's allergic to it. Alright?" Ani ko.

"Yes po Mam. Tugon nito.

Habang ang buhok ko naman ay naka messy ponytail. Nag lagay rin ako ng kaonting blush on at kaonting red lipstick.

Nang matapos iyon ay kaagad rin akong nag tungo kay Madam Demi. Kaagad ko inilagay ang mga dress na susuotin ni Deborah sa conference meeting para sa contract.

"Mag tungo kana ruon sa company! Dapat ay nauna kana ruon. Wala pa ang isusuot ni Deborah!"

"Deborah and her manager are at Steel Company went first!" Si Madam Demi. Na tila nalilito na rin.

Di na ako sumagot at kaagad nang sumakay sa  van. Bakit ba kase lagi siyang nag papati una sa lahat ng bagay na di man lang sinasabi sa amin ang gagawin.

Kaagad kong kinuha ang sampung hanger ng damit at pumasok sa nakapalaging Steel Company. Pakiramdam ko malulula ako kung ako ang nasa itaas nun.

Ngunit winaksi ako ang pag iisip ng walang kabuluhang bagay at kaagad na pumasok.

Nang maibigay ko ang I.D ko ay kaagad ako dumiretso sa elevator upang makarating sa pinaka taas kung nasaan si Deborah.

Nang makapasok ako ay kita ko ang inis na mukha niya. Katulad ng inaasahan ko.

"You're late!" Sigaw nito sa akin.

Di ko iyon pinansin ay binihisan siya.

Kasama ang manager at ang iba pang team. Nag tungo ang lahat sa conference room.

"Where's Demi?" Tanong sa ani ni manager Kiara habang papasok sa loob.

"Wala pa po rito?" Gulantang na tanong ko.

"Kaya nga ako nag tanong di ba?!" Puno ng sarkasmo balik niya sa akin.

"Tatawag po ako Mam." Ani at kinuha ang cellphone. Ngunit kaagad ako hinila ni Manager Kiara sa loob.

Di na ako nakapag protesta. Nag simula na ang meeting tungkol sa gagawing contact about sa gustong mangyari ng CEO ng company na ito.

Bumukas muli ang pinto ng conference room. Kaagad nag datingan ang iba pang chairman at mga stockholders at kung sino sinong bigatin na tingin ko ay mataas ang posisyon.

Ngunit halos manlaki ang mata ko nang mapagtanto ko na si Sid ang huling pumasok sa pinto.

Nakasuot ito ng itim na tuxedo. Hanang inaayos ang necktie niya.

Halos mapigil ko ang aking pag hinga. He's Still the same as before. Ngunit mas naging malakas ang aura niya ngayon.

Gusto ko na lang lamunin ng lupa. Ang medyo gulo na buhot niyo at ang perpektong hubog ng katawan, mukha at makakapal na kilay na may magandang kulay ng pares ng mga mata.

Gusto kong hampasin ang aking tuhod. Dahil pakiramdam ko ay di ako makakatayo kung sakaling pilitin kong umalis sa kinakaupuan ko.

The Cold Billionaire Where stories live. Discover now