"Era Mariam Salvestre is undergoing surgery today because of the shoot out that happened 1 hour ago."
Kaagad kong nabitawan ang cellphone matapos ang narinig kong iyon. Naramdaman ko ang pag hawak sa akin ni Sid. Sa aking beywang. Kung wala siguro siya ay malamang sumalampak na ako sa pang hihina.
I thought I could be peacefully. Ngunit hindi patuloy dumating ang problema matapos ang isa.
"What's wrong?" Tanong sa akin ni Sid ng mag tama ang tingin namin. Ang mata ko ay nag babadya na sa pag init.
"Ka-kaylangan ako ni Mommy, Sid." Nanghihinang sabi ko.
"Anong nangyari kay Tita Era?" Halos mag makaawang tanong niya sa akin.
"May nangyari shoot out. Yuon lang nag sabi sa akin ng General hospital, kaylangan kong mag punta ngayon ruon. Mommy needs me more than anything." Ani ko. Pinulot ko ang sarili ko umambang umalis.
Pero nahigit ako kaagad ni Sid. Napatingin ako sa braso ko na mahigpit niyang hawak. Tila ba wala akong balak pakawalan.
"I will not leave you, I will go with you.. narito sina Mommy... they will take care of Shiloh."
"Hindi ka puwedeng mag isa." Seryosong tugon niya sa akin.
Kaagad siyang kumilos upang mag tungo kami sa Hospital. Walang naging tugon ang mga magulang niya tungkol ruon.
"Ipapasunod ko sina Nail sainyo, maingat kayo ni Thalia." Ani ni Tito Xicto. Habang kinuha nito ang kanyang cellphone sa bulsa.
Tumango lang si Sid at itinuon ang pansin sa akin. Kinuha niya ang kamay ko at lumabas kami patungo ng sasakyan niya.
Nang makasakay kami ay nakita kong isinuot nito ang earpiece niya. Ang mga guards na kaninang nakasunod sa amin ay tila nag iba ng direksyon na patutunguhan.
"We will go to the general hospital, stay alert. just follow where they go.." si Sid na nag sasalita.
Tahimik akong pinag lalaruan ang daliri ko. Pinakakalma ko ang sarili ko. Ngunit talagang kahit anong gawin ko ay di ko yata maikakalma ang nag hahagrumentadong puso ko. Natatakot ako paano kung may mangyari masama kay Mommy?
"Who planned the shoot out? Bakit nabaril si Mommy?" Pag tatanong ko kay Sid. Nang maramdaman kong wala na itong kausap.
"Police said no evidence of a shooting, and no victims were found."
"Roswell, he knows how to play it well." Anito. Kita ko ang gigil sa mga mata ni Sid.
"Mas maganda siguro kung may hiwalay tayo ng sasakyan Sid." Ani ko.
Dahil kung parehas kaming mag tutungo kay Mommy, tingin ko ay magugulo na naman niya ang plano.
"Thalia..." Si Sid. Ngitian ko siya. Alam kong gustong gusto na niyang mahuli ang totoong may kinalaman sa pag kawala ng kapatid niya. Hindi man niya sabihin ay talaga gusto na niya pag bayaran iyon ni Roswell. Sapat na ang mga nakalatag na ebidensya sa kanya. Ang aksyon na lang ni Roswell ang hinihintay niya mangyari.
Kung susunod pa siya sa akin. Ay baka malusutan na naman ni Roswell ito. Mas magiging delikado kung mananatiling walang sala ang lalaking iyon.
"Stop the Car Sid." Ani ko. Napatingin siya sa akin. Puno iyon ng pag aalala. Ngunit binaliwala ko iyon.
"I'm afraid... Hindi ko kakayanin kung may nangyayari pang masama sayo." Pag pigil niya sa pulso ng akmang baba na ako.
Hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa aking pulso. "Nothing bad will happen... Ito na ang huling pangakong babalik ako. Babalik ako sayo. Pangako." Halos mag bara ang lalamunan ko sa sinabi kong iyon. Gusto ko umiyak sa harap niya, ngunit kung gagawin ko iyon ay parehas lang kaming panghihinaan.
YOU ARE READING
The Cold Billionaire
Fanfic"He died because of your negligence." "Seeing you suffer makes me feel better."