Chapter 6: Three Years Ago

153 5 5
                                    

YVES

The ringing of my phone woke me up.

I opened my eyes, and the bright light of the sun peeping on my curtain was the one that I first saw. I closed my eyes once again and ignored my phone.

Nakadapa ako sa malambot na kama habang nakadantay ang aking kaliwang binti sa malambot na unan.

The cold wind from the air conditioner made me feel goosebumps, so I pulled up my sheets and embraced the warmth that it gave me.

I missed this feeling.

Pakiramdam ko ay ngayon lang ulit ako nagkaroon ng masarap at mahimbing na tulog. Kung sabagay, ilang araw nga pala akong halos walang tulog kababantay sa chapel.

Na-miss ko na rin talaga ang matulog at gumising sa malambot na kama.

Teka... Malambot na kama?!

Agad akong napamulat at napabangon nang maalala kong nakatulog ako kagabi sa opisina ni Ezail kaiiyak sa voice recordings niya.

Gusto ko sanang magtaka kung paano ako napunta sa kama, pero parang mas gusto kong magtaka kung bakit ako nandito ngayon sa kuwartong ito.

White and gold color scheme, white curtains, marble floor, and a spacious room.

Ito ang kuwarto ko sa bahay ng mga magulang ko!

What the heck am I doing here?!

Napalingon ako sa bedside table kung saan nakapatong ang dalawa kong cell phone at sabay pang nagri-ring ang dalawang iyon.

Parehas ko silang kinuha at tiningnan kung sino ba ang tumatawag sa akin.

Sa isang cellphone ko ay tumatawag ang aking secretary, samantalang sa isang cellphone ko naman ay tumatawag sa akin si Hansen.

Si Hansen?!

Why the heck is he calling me?!

Higit dalawang taon na akong walang contact o balita sa buwisit na 'to tapos tatawagan niya ako ngayon?!

Pinatay ko ang cellphone kung saan tumatawag sa akin ang aking secretary at sinagot ko ang tawag ng buwisit na si Hansen.

"Hey, Hansen! What the heck?!" inis kong bulyaw sa kanya pagkasagot na pagkasagot ko pa lamang sa kanyang tawag.

Mamaya na ako magtatanong at magtataka kung bakit ako natutulog sa kuwarto kong iniwan ko na three years ago, dahil mas nakapagtataka kung bakit ako tinatawagan ng buwisit na lalaking 'to.

"Anong what the heck?! What the heck ka rin, Samara! Sira ulo ka ba! Kanina pa ko nandito!" Bakas ang inis at pagkayamot sa kanyang boses. "Nasaan ka na ba?!"

Nangunot ang aking noo sa kanyang sinabi.

Anong nasaan na ako?!

"Tarantado ka ba?! Anong nasaan na ako?!" gigil kong sambit. "Ikaw ang nasaan na?! Sira ulo ka talaga! After more than two years saka mo ako naisipang tawagan!"

Sandali siyang natahimik mula sa kabilang linya. Siguro ay nakokonsensya na siya ngayon o pinag-iisipan niya ang mga dapat niyang sabihin.

"Kailangan mong magpaliwanag sa akin. Matapos ng ilang taon nating pinagsamahan bigla mo na lang akong pinutol sa buhay mo," mapait akong tumawa. "Akala ko ba best friends forever tayo, ha?"

"What the heck is wrong with you, Samara?" Wala na ang inis sa kanyang boses at napalitan na ito ng pagkalito. "Nauntog mo ba 'yang ulo mo? O baka naman nakainom ka na naman? Sabing okay lang uminom 'wag lang sobra. Drink in moderation nga ika nila, sira ulo ka talaga."

Every FridayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon