Chapter 26: Wish

71 4 0
                                    

YVES

"Are you sleepy?" Ezail asked as he kissed the top of my head.

We're currently cuddling on his bed while watching a movie on the television inside his room.

Nakatatawa lang dahil parang wala lang nangyari matapos ang iyakan session namin kanina. Natatawa rin ako dahil gumagana naman pala ang TV dito sa kuwarto niya pero gusto niyang sa laptop pa kami manood kanina. Pero kung hindi naman nabuksan ang laptop niya ay hindi ko malalaman ang tinatago niyang sikreto.

Everything happens for a reason talaga.

Marupok nga talaga siguro ako dahil noong niyakap niya ako kanina ay nanlambot kaagad ako at unti-unti ring nawala ang aking takot at pangamba. Yakap lang din pala ni Ezail ang kailangan ko para kumalma.

Heto tuloy kami ngayon, payapang nanonood ng movie na parang wala lang ang nangyari kanina. Payapa lang din kaming nag-usap kanina at habang pinapakalma niya ako ay binibigyan niya ako ng sangkaterbang assurance na hindi na raw siya mawawala kahit na kailan.

Mahal ko siya at hindi ko siya kayang itulak papalayo, at dahil nga mahal ko siya ay mas hindi ko kakayanin kapag nawala pa siya sa akin kagaya ng nangyari noon.

We both decided to face everything together and that we would do everything to change fate.

Naniniwala naman akong makakaya naming baguhin kung ano man ang dapat na mangyari. Nagawa ngang baguhin ni Ezail ang lahat tungkol sa amin, kaya nagtitiwala ako sa kanya na mababago namin ang tadhana lalo na kung magtutulungan kami at hawak-kamay naming haharapin at babaguhin ang nais naming baguhin.

"Yves?"

"Hmm?" Inayos ko ang pagkakayakap ko sa kanyang baywang pati na rin ang pagkakasandal ng aking ulo sa kanyang dibdib.

"Akala ko tulog ka na." Marahan niyang pinadaan ang kanyang kamay sa aking buhok. "Hindi ka na kasi sumasagot. Is the movie boring?"

Marahan akong umiling. "No."

Kasalukuyan kaming nanonood ng isang romance movie. Ang movie ay patungkol sa isang couple na nagkahiwalay noon at muling nagkabalikan. Cliché man pero naaaliw naman ako sa flow ng story, lalo na sa dialogues ng mga character.

Nang mabanggit sa movie ang tungkol sa mga ex-girlfriend ay may isang tanong na sumagi sa aking isipan.

Iniangat ko ang aking ulo upang tingnan siya. "Have you had any girlfriends before?"

Napatingin naman siya sa akin at bakas ang pagtataka sa kanyang mga mata. Hindi niya siguro inasahan ang tanong ko. "Why?"

Napaiwas ako ng tingin at mas ibinaon ang aking ulo sa kanyang dibdib. "Feeling ko kasi marami kang naging ex."

Muli niyang hinimas ang aking buhok. "I had a few. Why?"

He had a few? So mayroong iba bago ako?

Napanguso ako nang dahil sa kanyang sagot. Akala ko pa naman ako ang una niya. "Wala lang. You're the type of guy that every girl wants, eh."

I heard him chuckle. "So you want me?" He teased me.

Saglit naman akong natigilan upang iproseso ang kanyang sinabi at naging ekspresyon. Agad na uminit ang aking buong mukha nang mapagtanto ko kung ano ang ibig niyang sabihin.

"That's not what I mean!" I exclaimed as I looked at him.

He laughed as he pinched my cheek. "I'm only teasing you."

Nakangiwi ko namang tinabig ang kanyang kamay. "So sino ang pinakaminahal mo sa kanilang lahat?" seryoso kong tanong.

Nagpakawala naman siya ng isang buntong-hiniga bago niya ibinalik ang kanyang paningin sa TV.

Every FridayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon