Chapter 28: December 08

122 5 1
                                    

YVES

December 08, 2020, Tuesday.

Ito yata ang unang beses na inaya ako ni Ezail na kumain sa labas kahit na hindi Friday, pero alam ko naman ang dahilan.

"Bigla ka yatang nag-aya?" biro ko sa kanya matapos naming um-order.

Agad na nawala ang ngiti sa kanyang labi at ang kislap sa kanyang mga mata nang dahil sa aking sinabi.

"Nakalimutan mo na nga noon nakalimutan mo pa rin ngayon?" Mapait siyang tumawa. "Napakamapanakit mo naman, Yves."

Gusto ko pa sana siyang asarin kaya nga lang ay hindi ko na kayang makita siyang nasasaktan nang dahil sa akin.

Sobra-sobra na ang ginawa at pananakit ko sa kanya noon at ayoko nang ulitin pa 'yon ngayon. Babawi nga ako sa kanya ngayon 'di ba?

"Ito naman, joke lang." Binuksan ko ang aking handbag at kinuha mula roon ang isang maliit na ziplock bag na naglalaman ng couple ring na binili ko noong isang araw.

"Ano 'yan?" tanong niya.

Iniangat ko naman ang aking tingin at nakita kong kunot na kunot ang kanyang noo sa pagtataka kung ano ba itong bagay na kinuha ko mula sa aking bag.

Alam ko namang obvious sa kanya na singsing 'to, pero nagtataka siguro siya kung bakit wala sa box.

"Naka-box dapat 'to kaya lang hindi kasya sa bag ko 'yong box," natatawa kong sabi. Binuksan ko ang maliit na ziplock bag at kinuha ang singsing na para sa kanya.

"No, what I mean ay para saan?" naguguluhan at nagtataka niyang tanong. Kunot pa rin ang kanyang noo.

Matamis naman akong ngumiti sa kanya at hinawakan ang kanyang kaliwang kamay na nakapatong sa itaas ng lamesa.

"Happy anniversary, Ezail," I said as I gently wore the ring on his ring finger. "Hindi ko na nakalimutan."

Pagtingin ko naman sa kanya ay nakita ko ang pamumula ng kanyang tainga habang tulala siyang nakatingin sa singsing na nasa kanyang daliri.

Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti na rin nang dahil sa kanyang reaksyon.

"Wow," hindi niya makapaniwalang wika. "Weird way to propose, but yes."

Sabay kaming napatawa nang dahil sa kanyang sinabi.

"Matchy kaya tayo!" Akma ko na sanang isusuot sa aking daliri ang singsing na para sa akin nang bigla niya itong agawin sa akin at siya ang nagsuot nito sa aking daliri.

"Gusto mo na bang magpakasal?"

Nagkatitigan kaming dalawa nang itanong niya sa akin ang bagay na 'yon.

Saglit akong napaisip samantalang siya naman ay nanatiling nakatingin sa akin at nakangiti habang hinihintay ang aking magiging sagot.

Payak naman akong ngumiti. "Sarado na ang mga simbahan ngayon." Unti-unting lumawak ang aking ngiti. "But I would love to marry you, Ezail."

He gently caressed my ring finger with a smile. "Okay, I'll marry you when the time is right, Yves."

≫ ──── ≪•◦ ❈ ◦•≫ ──── ≪

Magkahawak-kamay kaming naglakad-lakad sa parke malapit sa kinainan naming restaurant. Walang ni isa sa amin ang nagsalita, ngunit sapat na ang magkahawak naming mga kamay para makipag-ugnayan sa isa't isa.

"Paano mo nga pala nalaman ang ring size ko?" Basag ni Ezail sa katahimikan. "Sakto kasi talaga sa akin 'yong singsing, nag-wonder tuloy ako kung paano mo nakuha 'yong ring size ko."

Every FridayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon