Chapter 19: Double Take

73 3 0
                                    

YVES

I woke up with a severe headache.

Nakapikit man ako ay ramdam na ramdam ko pa rin ang bigat at sakit ng aking ulo. Ni hindi ko nga maalala kung ano ba ang ginawa ko kagabi para maging ganito kasakit ang ulo ko.

Nasobrahan ba ako sa pagtatrabaho kagabi?

I didn't dare to open my eyes dahil alam kong oras na imulat ko ang mga iyon ay sigurado akong iikot kaagad ang paningin ko.

Tumagilid ako at iniayos ang aking kumot. Nagtaklob ako roon at mahigpit na niyakap ang aking unan.

Maaga pa naman siguro. 5 minutes more na lang promise.

Inis akong napatakip sa aking tainga nang marinig ko ang sunod-sunod na pagtunog ng aking cellphone na palagay ko ay nasa bedside table.

Akala ko ay titigil na 'yon sa pagtunog ngunit lumipas na ang halos isang minuto ay hindi pa rin 'yon tumitigil.

Ano bang klaseng notifications ang natatanggap ko ngayon?!

"Buwisit!" Inis akong napakamot sa aking ulo at tinanggal ang nakakulubong na kumot sa aking ulo.

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at tama nga ang naisip ko kanina. Umikot kaagad ang aking paningin at napakunot ang aking noo nang makaamoy ako ng alak.

Inamoy ko ang aking sarili at mas lalong nangunot ang aking noo nang mapagtanto kong sa akin mismo nanggagaling ang amoy ng alak.

Oo nga pala, uminom ako kagabi sa party ni Steff.

Tama! Pumunta nga pala ako sa birthday party ni Steff, uminom, sinubukang hanapin ang buwisit na Kuya ni Steff, at ang panghuli ay hindi ko na matandaan. Nag-blackout yata ako kagabi.

Yeah, mukhang nag-blackout nga talaga ako kagabi dahil hindi ko na matandaan kung paano ako nakauwi o kung bakit at paano ako nakabihis ng pajama ngayon.

Marahan akong bumangod at kinusot ang aking mata kasabay ng marahas kong paghablot sa aking cellphone na nakapatong sa bedside table.

Pagbukas ko ng aking cellphone ay halos umaykat lahat ng dugo sa aking katawan papunta sa aking ulo nang makita kong malapit na palang maggabi at lagpas 12 hours na ang tulog ko.

Magpa-panic na sana ako nang makita ko ang isang text mula sa aking secretary. 'Yon ang una kong binuksan at kaagad akong nakahinga ng maluwag nang sinabi niyang 'wag na raw akong mag-alala dahil nasabi na ni Steff na hindi ko kayang pumasok ngayon. Mas naging maluwag din ang aking dibdib nang sabihin niyang wala naman daw akong importanteng meetings ngayong araw.

Oo nga pala, kaya rin hindi ako nag-worry kagabi na baka masobrahan ako sa pag-inom at malasing ay dahil wala naman nga pala akong masyadong gagawin ngayong araw.

Mabuti na lang.

Sunod kong binuksan ang 99+ text messages sa akin ni Steff. Tinamad na akong basahin ang pinakauna niyang message kaya naman binasa ko na lang ang nasa pinakadulo.

'Call me kapag nagising ka na.'

Okay.

Dahil masunurin naman ako ay agad ko siyang tinawagan. Hindi ko naman inasahan na agad niyang sasagutin ang aking tawag.

"Hel–"

"Hoy babae! Bakit hindi mo man lang ako sinabihan na sa Greece ka pala magbi-birthday?! Bakit si Hansen sinabihan mo?! Bakit ako hindi?!"

Agad kong inilayo ang cellphone ko mula sa aking tainga dahil sigurado akong kapag tinapat ko ang cellphone sa tainga ko ay mabibingi kaagad ako.

"Wait, chill. Kagigising ko lang. Isa-isa lang naman muna, 'wag mo naman pagsabay-sabayin 'yang mga tanong mo," mahinahon kong wika. Napahilot ako sa aking sentido nang maramdaman ko ang pagsakit ng aking ulo. "Ikalma mo, Steff."

Every FridayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon