YVES
July 10, 2020, Friday. 7:58 PM.
Ibinaba ko ang aking cellphone at napahilot ako sa aking sentido matapos kong makita ang petsa at oras.
Napapikit at napasandal na rin ako sa aking kinauupuan at nagpakawala ng mga buntong hininga.
Ngayon lang ako makakauwi sa amin nang maaga.
Halos isang buwan na ang nakalipas matapos ang huli naming pagkikita ni Ezail. Hindi na rin siya muling nagparamdam matapos niya akong bigyan ng gamot, sapatos, at isang letter.
Busy siguro siya.
Hindi naman ako nagrereklamo na wala na siya sa paningin ko dahil 'yon nga ang hinihiling ko, 'di ba?
Busy na rin ako dahil magmula noong gumaling ako sa aking sakit at makabalik sa pagtatrabaho ay mas dumoble pa ang aking mga ginagawa.
Halos lahat nga yata ng mga tao sa paligid ko ay busy.
Si Hansen, busy sa pagta-training. Sasali raw kasi siya sa Olympics next year.
Ako, busy rin sa trabaho.
Si Steff naman, busy sa pakikipaglandian.
Sa sobrang busy naming magkakaibigan ay ang huling pagkikita rin namin noong pinuntahan nila ako sa bahay noong may sakit ako.
"Nandito na po tayo, ma'am."
Napamulat ako nang marinig kong magsalita ang aking personal driver.
Napatingin ako sa bintana at nakita kong nakahinto na nga kami sa main door ng bahay.
Bumaba ang aking driver at pinagbuksan ako ng pinto.
"Thank you po," magalang kong sambit pagkalabas ko sa aking kotse.
Nakangiti naman siyang tumango sa akin at isinarado ang pinto sa backseat.
Naglakad na ako papasok sa bahay at habang naglalakad ako ay napatingin ako sa suot kong relo.
8:10 PM.
"You're ten minutes late."
"F*ck." Mariin akong napapikit nang maalala ko ang sinabi ni Ezail noong late akong dumating sa aming dinner.
Lagi kaming kumakain ng dinner every Friday ng saktong 8 PM, kaya sigurado akong 8:10 PM na ako nakarating noong sinabihan niya akong ten minutes late raw ako sa aming dinner.
Pero bakit ko pa ba 'yon iniisip?
Marahas akong napailing at naglakad papunta sa dining room. Sigurado akong kasalukuyang kumakain ng dinner ang mga magulang ko. Sasaluhan ko na lang sila, tutal matagal na rin magmula noong kumain kami nang magkakasama.
Pagkapasok ko sa dining room ay hindi nga ako nagkamali, kasalukuyan pa nga lang silang kumakain ng hapunan ngayon.
"Good evening, Dad," masaya kong wika at lumapit kay Dad saka ako nag-beso.
"Oh? You're here? Ang aga mo naman yatang nakauwi?" hindi niya makapaniwalang wika.
"Natapos ko po nang maaga ang mga gawain, eh," nakangiti kong sagot sa kanya.
Nilapitan ko naman si Mom at nag-beso rin sa kanya. "Good evening, Mom."
"I'm glad naman at nandito ka na! You should join us for dinner!" masayang wika ni Mom. "Yaya! Place another plate on the table!"
Napangiti naman ako nang makita ko ang masaya nilang itsura.
Naupo ako sa upuang katapat ng kay Mom at pinagmasdan ang paglapag ng mga kubyertos at pinggan sa aking harapan.
BINABASA MO ANG
Every Friday
RomanceYves Samara Valencia was forced to marry Spencer Ezail Fulgencio, but that doesn't end with that. Their parents also forced them to spend time together every Friday night. That's why for Yves, Friday is a hell day. It seems like Friday is an unlucky...