YVES
December 15, 2023, Friday.
Masakit. Sobrang sakit mawalan ng kaibigan na itinuring ko na ring kapatid.
Masakit din kasi biglaan lang, at nasasaktan din ako para sa kanya dahil namatay siyang hindi natutupad ang mga pangarap niya. Bakit kasi kailangan pang may mawala?
"Handa kong isakripisyo ang sarili ko kung ang pagiging masaya n'yo sa panghabangbuhay ang magiging kapalit."
Bakit parang noon pa man ay alam niya nang mamamatay siya? Bakit kasi sinabi niya sa akin ang mga 'yon?!
Napahinto ako sa aking pag-iyak nang may makita akong isang puting panyo sa aking harapan.
Pag-angat ko ng aking tingin ay nanlaki ang aking mga mata nang makita ko si Hansen.
Nakangiti siya at maaliwalas ang kanyang mukha habang nakasuot siya ng kulay puting turtle neck shirt, black pants, at black trench coat.
"Tahan na, Sam. Kung makaiyak ka naman parang katapusan na ng mundo," natatawa niyang wika.
Naupo siya sa bench na kinauupuan ko at nakangiting tiningnan ang kulay asul na kalangitan.
"Hindi pa katapusan ng mundo, Sam." Hindi ako nakaimik nang tumingin siya sa akin. "Umiikot pa rin naman ang mundo kaya dapat magpatuloy ka lang din sa buhay mo."
Napatitig na lamang ako sa kanya habang nanatiling tikom ang aking bibig. Hindi ko naman napigilan ang muling pagpatak ng aking mga luha.
"Kapag ba may nawalang tao sa mundo titigil na rin sa pag-ikot ang mundo? Hindi naman 'di ba? Kaya dapat ganoon din dapat ang buhay mo."
Tanging paghikbi na lamang ang aking naging tugon sa kanya.
Umihip ang malamig at malakas na hangin at nagulo ang aking buhok.
Hinawi naman niya ang mga buhok na nakaharang sa aking mukha at iniipit ang mga iyon sa likod ng aking tainga.
"Your life must go on, okay?" He gently caressed my hair. "Live happily with Spencer and Elizer."
Napakagat ako sa aking labi nang maramdaman ko ang panginginig nito.
Bahagya siyang tumawa. "Tama ba? Elizer ba ang pangalan niya?"
Tumango naman ako bilang pagtugon sa kanya.
Hindi ko alam kung papaano niya pa nagagawang ngumiti ngayon gayong nawala siya nang hindi natutupad ang mga pangarap niya.
"Stop crying, Sam. I've lived a very happy life." He smiled at me.
How can he say that? Iniwan niya ang mga pangarap niya sa mundo. Paano niya nagagawang maging masaya ngayon? Hindi ko siya maintindihan.
"Sam, make my sacrifice worth it, okay?" His voice broke, but his smile remained.
Nasasaktan ako dahil hanggang ngayon ay pinipilit niya pa ring ipakita sa akin na ayos lang siya, na hindi siya nasasaktan kahit na alam ko namang deep inside ay mas nadudurog siya kaysa sa akin o sa kung sino mang naiwan niya.
"Ayos lang talaga ako. Mas ikadudurog ko kapag nakita kitang malungkot." A tear escaped his eye. "Please tell my family that I love them so much."
Hindi ko na napigilan pa ang paglakas ng aking mga hikbi.
Bakit? Bakit kailangan niya pang mawala? Bakit kailangan pang may magsakripisyo? Hindi ba tayo puwedeng maging masaya na lang sa buhay natin nang walang nagiging kapalit?
Bakit ba nagkaganito ang lahat?
Gusto kong sisihin ang sarili ko sa lahat.
Masyado ba akong nag-focus sa pagligtas kay Ezail na nakalimutan ko na ang kaibigan ko? Nakalimutan ko nga ba talagang balansehin ang lahat?
Ayokong mawala sa akin si Ezail, at ayoko rin namang mawala sa akin si Hansen. Kapatid na ang turing ko sa kanya kaya parang nawalan na rin ako ng kapamilya.
Bakit ba kasi kailangang umabot sa ganito?
"It would make my heart happy to see the both of you happy. Make my sacrifice worth it." He placed his cold hand on my face and wiped my tears. "Go on. Go on with your life without me."
And after that, everything went black.
≫ ──── ≪•◦ ❈ ◦•≫ ──── ≪
"Yves?" wika ng isang malumanay na boses.
Unti-unti ko namang iminulat ang aking mga mata at bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Ezail.
"You're crying on your sleep." Marahan niyang hinaplos ang aking mukha upang punasan ang aking mga luha.
Kumurap-kurap pa ako at naramdaman ko ang pagbigat ng aking mgat talukap. Mukhang umiyak nga ako.
"Napanaginipan ko siya,." I whispered.
Nangunot ang noo niya. "Sino?"
"Si Hansen."
"Anong sabi niya sa 'yo?"
Hindi ko napigilan ang pagkawala ng aking mga hikbi kasabay ng pag-agos ng aking mga luha. "He wants me to go on with my life, and he wants us to be happy." I bit my lower lip. "But it's so hard, and it hurts so bad, Ezail. He's like a brother to me, that's why losing him felt like losing a family member."
Tumango-tango si Ezail at patuloy niyang pinunasan ang aking mga luha.
"I know," he whispered. "Take your time to heal the wound."
Nagpatuloy ako sa pag-iyak at paghikbi habang tinutulungan akong bumangon ni Ezail.
Nang makabangon na ako ay isinandal niya ako sa headboard ng kama at kinuha niya ang dala niyang tray na may lamang isang mangkok na soup.
"I know it's hard for you, pero sigurado akong hindi gugustuhin ni Hansen na makita kang pinapabayaan ang sarili mo." Kinuha niya ang kutsara at sumandok sa mangkok. Inihipan niya muna ang laman ng kutsara bago niya iyon itinapat sa aking bibig. "Kumain ka muna kahit kaunti, please?"
Napahikbi at napatingin ako sa aking suot.
Nakasuot pa rin ako ng kulay itim na damit na suot ko kanina sa libing ni Hansen. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako na suot pa rin ito. Wala kasi talaga akong lakas kanina noong umuwi ako, kaya rin siguro ako nakatulog kaagad.
Ramdam ko na ang pagkalam ng aking sikmura, at kung hindi pa ito kumalam ay hindi ko maaalalang hindi pa pala ako kumakain simula kaninang umaga.
Nagugutom ako pero wala talaga akong ganang kumain ngayon.
"Kain ka na, please?" pagsusumamo ni Ezail at mas inilapit niya pa ang kutsara sa aking bibig.
Tama siya, sigurado akong magagalit sa akin si Hansen kapag nalaman niyang pinapabayaan ko ang sarili ko nang dahil sa kanya.
Ibinuka ko ang aking bibig at sinubo ang kutsara. Nakita ko naman ang pagngiti ni Ezail nang makita niyang nilunok ko ang pagkain.
Muli niya pa akong sinubuan at kinakain ko naman ang mga pagkaing ibinibigay niya sa akin kahit na patuloy pa rin akong umiiyak.
Mabigat pa rin ang puso ko at alam kong mahihirapan akong tanggapin ang biglaang pagkawala ni Hansen, pero kailangan kong humakbang kahit na paunti-unti, lalo na't alam kong gusto ni Hansen na magpatuloy at maging masaya ako sa aking buhay.
Moving forward will be a challenge for me, pero naniniwala akong makakaya at kakayanin ko lalo na't nandito si Ezail na tutulungan ako.
"Kapag ba may nawalang tao sa mundo titigil na rin sa pag-ikot ang mundo? Hindi naman 'di ba? Kaya dapat ganoon din dapat ang buhay mo."
Gumuho nga ang mundo ko sa biglaang pagkawala niya, pero hindi ibig sabihin nito na dapat na ring huminto sa pag-ikot ang mundo ko.
Iikot pa rin ang mundo kahit na wala na siya, at ganoon din dapat ang mundo ko.
"Go on. Go on with your life without me."
It will break Hansen's heart if he sees me being miserable because of his death.
Hansen wants me to go on, and so I will. I won't let his sacrifice turn into a waste.
=END OF CHAPTER 30=

BINABASA MO ANG
Every Friday
RomanceYves Samara Valencia was forced to marry Spencer Ezail Fulgencio, but that doesn't end with that. Their parents also forced them to spend time together every Friday night. That's why for Yves, Friday is a hell day. It seems like Friday is an unlucky...