Chapter 11: Close

153 5 3
                                        

YVES

F*ck.

Pinagpawisan ako nang magtagpo ang aming mga mata at kinilabutan ako nang ako ay ngitian niya.

F*ck. Si Ezail nga 'yon.

Pilit akong ngumiti at lumingon kay Sister Ann. "Sister, mauna na po ako, may aasikasuhin pa po kasi ako." Nagmukha pa akong tanga sa pagtingin ko sa aking braso dahil wala naman nga pala akong titingnan doon kasi wala naman akong suot na relo.

Nice. Ngayon halatang ayoko na talaga rito kaya ako aalis ngayon.

Bakit ko pa naman kasi gugustuhing manatili rito gayong nandito ang taong iniiwasan ko? Ano ba kasi ang ginagawa niya rito?!

Sinuklian ako ng ngiti ni Sister bago siya tumingin sa pintong ayaw ko nang tingnan o lingunin man lang. "Bakit hindi ka muna mag-hello sa kaniya? Magandang maging magkaibigan kayong dalawa lalo na't marami kayong pagkakaparehas."

Marami kaming pagkakaparehas?

Parang gusto ko yatang matawa sa sinabi ni Sister. Imposibleng marami kaming pagkakaparehas ni Ezail lalo na't ang mga pagkakaiba namin ang dahilan kung bakit hindi kami magkasundo noon.

Ibinuka ko na ang aking bibig at akma na sana akong magsasalita nang biglang bumukas ang pintong nasa gilid ko at nagsilabasan ang bata mula rito.

Tarantang hinanap ng mga mata ko si Ezail at nanlaki ang aking mga mata nang makita kong nakangiti pa rin siya sa akin.

Tumayo na siya sa kanyang kinauupuan, bagay na mas ikinataranta ko pa.

Sh*t!

Agad kong kinuha ang cellphone ko sa aking bulsa at nagkunwaring may tumatawag mula roon. "Sister, mauna na po talaga ako, sa susunod na lang po ako maghe-hello sa kaniya. Babalik po ulit ako rito! Promise!" taranta at nagmamadali kong wika.

Hindi na mapakali ang aking mga mata dahil palipat-lipat iyon kay Sister at kay Ezail na ngayo'y naglalakad na papunta sa akin.

Sh*t! Sh*t! Sh*t!

"Sige, Samara. Mag-iingat ka, ah? Aasahan ko ang pagbalik mo," malumanay na wika ni Sister at tinapik niya ang aking balikat.

Mabilis naman akong tumango at saglit akong tumingin sa direksyon ni Ezail.

F*ck! Malapit na siya!

"Sige po. Bye po!"

Agad akong kumaripas ng takbo papalabas sa orphanage habang hinihiling na sana ay hindi ako maisipang sundan at kausapn ni Ezail.

Bakit ba kasi siya nakangiti sa akin?!

Hinihingal akong nakalabas sa orphanage at pagkalabas ko ay roon ko naalala na sinabi ko nga pala sa driver ko na sunduin na lang ako mamayang 6 PM.

"F*ck!" malakas akong napamura sa inis kasabay ng pagsuklay ko sa aking buhok.

Nakakainis talaga!

"Really, Yves? Cursing inside the orphanage?" I heard his playful chuckle. "Hindi mo man lang ba naisip na baka mamaya marinig ka ng mga bata at gayahin nila ang sinabi mo?"

Mariin akong napapikit at pilit na pinapakalma ang aking sarili.

Sh*t talaga!

"Saka isa pa, parang kanina lang kausap mo si Sister Ann tapos ngayon nagmumura ka na kaagad?" pang-aasar niya pa sa akin.

Yves, calm down.

Nagpipindot na lamang ako sa aking cellphone at tinawagan ang aking driver.

"Yves? Hello?"

Every FridayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon