YVES
I blankly stared at him as I thought of other reasons.
Iniisip ko na rin kung papaano ako makakaalis sa dinner na ito dahil baka mabaliw na ako kapag nagtagal pa ako rito.
I really can't believe na si Ezail itong kaharap ko ngayon.
He's much bolder and more vocal about his thoughts. Sobrang layo sa Ezail na nakilala at pinakasalan ko noon.
"So? What's your type?" He smiled as he waited for my answer.
"Definitely not someone like you," I firmly said. "You don't stand a chance on me, Mr. Fulgencio."
I tried to be as cold and firm as I could. Sinasabi ko na nga lang kung ano ang maisipan kong sabihin dahil sa totoo lang, hindi ko na talaga alam kung ano ang sasabihin at gagawin ko ngayon.
"I told you, kaya kong tapatan ang standards mo sa isang lalaki." Hindi pa rin siya nagpapatalo.
I bit my lower lip as I clenched both of my fists.
I can't, and I don't want to stay here any longer.
"My standards are so high, at kahit kailan ay hindi mo 'yon makakayang tapatan." Kinuha ko na ang aking handbag at tumayo na ako. Nakita ko ang pagkabilga at pagkaalerto sa kanyang mga mata dahil sa biglaan kong pagtayo. "I don't like you, and I don't want you. Tigilan mo ako, Mr. Fulgencio, dahil kahit anong gawin mo, hindi kita magugustuhan."
Tumalikod na ako sa kaniya at nakakailang hakbang pa lang ako nang bigla siyang magsalita.
"Keep your standards high. Keep them as high as you can," he calmly said, as if he were not bothered by my words. "I'll work hard to reach it."
Muli akong napakagat sa aking ibabang labi at nagsimula na akong maglakad papalayo.
I don't know kung bakit, pero hindi niya na ako hinabol pa. Hindi naman sa gusto kong habulin niya ako, nakapagtataka lang din kasi dahil hindi man lang niya ako pinigilang umalis.
Whatever, mas better nga 'to.
≫ ──── ≪•◦ ❈ ◦•≫ ──── ≪
"G*g aka, Steff!" bungad ko kay Steffanie nang sagutin niya ang aking tawag. "Nasisiraan ka na ba ng ulo?! Bakit naman kapatid moa ng naka-blind date ko?!"
Narinig ko ang mahina niyang pagtawa mula sa kabilang linya. "C'mon! Hindi mo ba siya type?! Mabait siya, gentleman, mayaman, matalino, plus guwapo pa! Ganda kaya ng lahi namin!"
"Sira ulo," inis kong bulalas.
Nilagay ko sa speaker mode ang aking cellphone at inilapag ko iyon sa aking vanity table.
"Tigilan mo ang pantatarantado mo sa akin, Steff." Kinuha ko ang towel na nakasabit sa aking balikat at ikinusot iyon sa aking buhok. "Hindi ako natutuwa sa ginawa mo, Steff."
"Bakit?!" rinig ko ang pagkagulat niya. "Nasa kapatid ko na ang lahat ng hanap mo! Bakit ayaw mo sa kanya? Saka akala ko ba as long as matino ang magiging ka-blind date mo ngayon ay jojowain mo na."
Mas napalakas at napariin ang pagpunas ko sa aking buhok nang marinig ko ang sinabi niya.
"Joke lang naman 'yon, hindi ka naman mabiro," inis kong wika.
"Maniwala? Mukhang seryoso ka sa sinabi mo, eh! Ayaw mo ba talagang jowain 'yong kapatid ko?" may bahid ng panunukso niyang sabi.
Bakit ba pakiramdam ko ay magkasabwat silang magkapatid sa blind date na 'yon?!
BINABASA MO ANG
Every Friday
RomanceYves Samara Valencia was forced to marry Spencer Ezail Fulgencio, but that doesn't end with that. Their parents also forced them to spend time together every Friday night. That's why for Yves, Friday is a hell day. It seems like Friday is an unlucky...
