YVES
February 02, 2024, Friday.
Life indeed goes on.
I thought that moving forward about Hansen's death would be the most challenging thing in my entire life, but it seems like I got it all wrong.
Oo, nasaktan at nagluksa ako sa pagkawala niya, pero para bang tinulungan niya rin ako na bumangon at 'wag malugmok sa pagkawala niya.
Nakatulong din sa akin si Ezail na palaging nasa tabi ko.
"Hansen, we got married last Friday." Inilapag ko ang isang basket ng puting bulaklak sa tapat ng puntod niya.
Nagtagal kami sa kanyang puntod ng higit tatlumpung minuto. Ikinuwento namin sa kanya ni Ezail ang lahat ng mga nangyari sa loob ng higit isang buwan.
Ezail and I got married last January 26, 2024. It was a simple church wedding with our family and close friends.
We wanted to get married as soon as we could dahil gusto na naming unti-unting asikasuhin ang pag-ampon kay Elizer.
Ilang buwan pa naman ang hihintayin namin bago namin siya tuluyang makuha, pero gusto na rin naming maayos ang mga bagay-bagay bago siya maging opisyal na parte ng aming pamilya.
"We'll go now, Hansen," nakangiting wika ni Ezail. "Don't worry aalagaan ko nang maiigi si Yves pati na rin si Elizer."
Inakbayan ako ni Ezail at nakangiti kaming nagkatinginan bago namin tuluyang nilisan ang puntod ni Hansen.
Kung nasaan ka man ngayon, Hansen, sana ay masaya at payapa ka. Patuloy ka naming aalalahanin, pasasalamatan, at ipagdarasal.
≫ ──── ≪•◦ ❈ ◦•≫ ──── ≪
February 29, 2024, Thursday.
"Happy birthday to you!"
Agad na pinaputok ni Steff ang party popper nang matapos naming surpresahin at kantahan ng happy birthday si Ezail.
Nanlaki ang kanyang mga mata sa gulat. Marahil ay hindi niya inasahan na susurpresahin namin siya pagkauwi niya sa bahay.
Ang sabi ko lang naman kasi sa kanya ay umuwi siya nang maaga dahil magluluto ako ng dinner para sa birthday niya, pero hindi ko sinabi sa kanya na papupuntahin ko ang kanyang pamilya. Maski ang mga magulang ko ay pinapunta ko na rin sa bahay namin para samahan kaming i-celebrate ang birthday ni Ezail.
"Happy birthday, Kuya!" Agad na niyakap ni Steff ang kanyang kapatid saka siya pabirong tumawa. "Ang tanda mo na, Kuya! Ilang taon ka na ba? 40?!"
Inis namang kinurot ni Ezail si Steff sa kanyang siko. "Grabe ka naman sa 40! Mukha na ba akong 40?!"
Napuno ng tawanan ang bahay at masasabi kong naging successful ang surprise namin kay Ezail. Pero hindi niya alam na may isa pa akong surpresa para sa kanya.
≫ ──── ≪•◦ ❈ ◦•≫ ──── ≪
Ganoon pa rin ang ayos ng kanyang kuwarto— or should I say kuwarto namin?
Ang pinagkaiba nga lang ng kuwartong ito ay imbes na malaking portrait ng wedding picture namin noon o 'di naman kaya isang malaking painting ang nakasabit sa pader ay bagong wedding picture na namin ang nakasabit doon.
Magkasama na kaming natutulog sa kuwartong na kanya lamang dati. Ang dating bahay niya rin na kinaiinisan kong puntahan ang aking naging bagong tahanan.
Marami na talaga ang nagbago.
Katatapos lang naming mag-ayos at magbihis. Pagkaupo niya sa kama ay agad ko siyang nilapitan at naupo sa tabi niya dala ang tatlong may kaliitang mga kahon. Iniabot ko sa kanya ang isa samantalang itinago ko naman sa aking likuran ang dalawa.

BINABASA MO ANG
Every Friday
RomantizmYves Samara Valencia was forced to marry Spencer Ezail Fulgencio, but that doesn't end with that. Their parents also forced them to spend time together every Friday night. That's why for Yves, Friday is a hell day. It seems like Friday is an unlucky...