YVES
August 21, 2020. Friday.
Nakatatawa dahil higit na yata isang buwan magmula noong huli kaming nagkita ni Ezail.
Akala ko talaga ay magkikita kami kaagad pero wala. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko na siya nakikita ngayong gusto ko siyang makita.
Maayos na si Hansen at ang pamilya niya, hindi na rin ako kinukulit ni Steff o ng mga magulang ko tungkol sa pagpapakasal ko kay Ezail, at higit sa lahat ay stable na rin ang lahat ng handle kong hotels. In short, maayos na ang lahat pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya nakikita.
Ni anino nga yata niya ay hindi ko na nakita. Hindi ko nga alam kung buhay pa ba siya o ano, pero sana naman buhay pa siya.
Nahihiya naman akong tanungin si Steff kung kumusta na ang kuya niya o kung nasaan na ba ang lintek niyang kuya. Steff never brought him up.
Nakakainis kasi wala na akong balita tungkol sa kanya.
Alam ko namang ito ang gusto ko at ito ang tama, pero bakit ko ba kasi siya hinahanap?
Oo nga, bakit nga ba?
Tsk! Ni sarili ko hindi ko na maintindihan.
Anyway, sigurado naman akong makikita ko siya mamaya sa birthday ni Steff.
"Bunso? Hello? Bunso? Samara?"
Parang nagising ang natutulog kong diwa nang marinig ko ang boses ng isang lalaki mula sa aking likod.
Muntik pa akong magulat nang makita ko ang sarili kong repleksyon sa salamin ng aking vanity table.
Napatingin ako sa aking likod at nakita ko ang laptop kong nakapatong sa aking kama. Nakatutok nga pala ang camera nito sa akin at kasalukuyan ko nga rin palang ka-video call si Kuya Leigh.
Muntik ko nang makalimutan na kausap ko nga pala siya at nasa call pa rin ako.
Bakit ba kasi puro si Ezail nasa utak ko ngayon?!
Inilapag ko ang hawak kong lipstick. "Yes, Kuya?" sagot ko at naglakad papalapit sa aking laptop. Naupo ako sa dulo ng aking kama at ipinatong ang laptop sa aking mga binti.
"Kanina pa kita tinatawag pero hindi ka naman sumasagot. Naka-freeze ka nga lang din sa harap ng salamin, kung hindi lang kita nakitang kumukurap iisipin ko talagang nag-lag ka na." Tumawa pa siya. Napakamasayahin talaga ni Kuya.
"Sorry, may iniisip lang." Napakamot ako sa aking ulo.
"Halata naman." Nakaloloko siyang ngumisi. "Lalaki 'yan 'no?"
Nanlaki ang aking mga mata at sa hindi malamang dahilan ay agad na bumilis ang tibok ng aking puso at uminit ang aking mukha.
"Hindi kaya!" agad kong pagtanggi.
Mas lalong lumawak ang kanyang nakalolokong ngisi. "Maniwala? Sa mukha mo pa lang ngayon halatang lalaki talaga ang nasa isip mo!"
Napakagat ako sa aking ibabang labi at agad akong umiling. "Hindi nga, Kuya! Kulit mo talaga! Hindi ko alam kung paano nakakayanan ng asawa mo 'yang kakulitan mo!
"Oh, Ba't naman napunta sa akin ang usapan?" Itinaas niya ang kanyang dalawang kamay. "Masyado ka namang denial. Mukha ngang may date ka ngayon."
Mas lalo pang uminit ang aking mukha. "Pupunta ako sa birthday ng kaibigan ko."
Ngumisi pa nang todo ang mokong kong Kuya.
Puwede na yatang magprito ng itlog sa mukha ko sa sobrang init nito.
BINABASA MO ANG
Every Friday
RomansaYves Samara Valencia was forced to marry Spencer Ezail Fulgencio, but that doesn't end with that. Their parents also forced them to spend time together every Friday night. That's why for Yves, Friday is a hell day. It seems like Friday is an unlucky...
