Chapter 20: Happy Birthday

84 4 2
                                    

YVES

"Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday, happy birthday! Happy birthday to you!"

'Yan agad ang bumungad sa akin pagkalabas na pagkalabas ko pa lamang sa kuwartong aking tinutuluyan dito sa bahay nina Kuya Leigh.

Pumapalakpak at kumakanta sila ng happy birthday habang hawak-hawak ni Kuya Leigh ang birthday cake na may nakatusok na mga kandilang 3 at 0.

Simple lamang ang cake, hindi iyon magarbo, at alam kong sa simpleng paraan lang din naming ice-celebrate ang aking birthday. Pero hindi na 'yon mahalaga. Dahil ang pinakamahalaga sa akin ay kasama ko na sila ngayon at buo kami bilang isang pamilya.

Gusto kong umiyak. Alam kong maiiyak talaga ako maya-maya. Naiiyak ako hindi dahil nalulungkot o nasasaktan ako. Naiiyak ako dahil sa sobrang saya. Hindi ko akalain na mangyayari pa ang ganitong bagay. Na makakasama ko silang lahat sa birthday ko. Na magkikita-kita at magbo-bonding ulit kami kagaya ng dati.

Gusto ko ring umiyak dahil lubos akong nagpapasalamat na nagkaroon ako ng pamilyang katulad nila. Na naging parte ako ng pamilya nila. Na pinatawad agad ako nina Kuya kahit na inaway at tinarayan ko sila noon dahil sa pagtatampo ko.

Ang suwerte ko talaga sa kanila. Hindi ko talaga inakalang mangyayari pa ito. Mabuti na lang at inayos ko na unti-unti ang lahat sa pagkakataong ito.

"Make a wish na!" atat na sabi ni Kuya Leigh kasabay ng paglapit niya sa akin at pagtapat ng cake sa aking mukha. "Natulala ka pa. Na-touch ka naman yata nang sobra."

Bahagya naman akong natawa at tila ba umatras ang mga luha kong nagbabadyang pumatak. Na-touch naman talaga ako sa kanila. "Ilang wish ba ang puwede?"

Hindi ko talaga akalain na magwi-wish pa ako sa cake at iihipan ang kandilang nakatusok doon.

Pero ayos lang, alam ko naman kung ano ang mga gusto kong hilingin.

Napangiwi si Kuya Leigh. "Bahala ka. Basta 'wag naman thirty wishes ang gawin mo at baka maubos na 'tong kandila bago ka matapos."

Muli akong natawa sa kanyang sinabi. Ipinikit ko na ang aking mga mata at sinimulang ibulong mula sa aking isipan ang aking mga hiling.

Sana ay maging masaya kami at maulit pa ang mga ganito.

Sana ay makasama ko pa ang pamilya ko sa loob ng mahabang panahon.

Sana ay humaba pa ang buhay ko.

Sana ay humaba pa ang buhay niya.

Sana ay maging masaya siya sa pagkakataong ito.

Sana ay 'wag maulit ang nangyari noon.

At sana... Sana ay makita ko na ulit siya.

Hindi ko na alam kung saan ba nanggaling ang huli kong kahilingan. Pero bahala na, totoong wish ko naman talaga 'yon.

Iminulat ko na ang aking mga mata at inihipan ang mga kandila.

Nagpalakpakan at nagtawanan kaming lahat pagkatapos mamatay ng sindi ng kandila, at kumain na rin kami ng mga handang iniluto nila habang natutulog pa ako kanina.

Hindi ko talaga inasahan na ito ang bubungad sa umaga ko.

Ang saya pala ng ganito. Pero kahit na nagkakatuwaan na kami ay may kakaiba pa ring bagay na nawawala sa puso ko. Para bang may kulang pa rin at hindi ko mawari kung ano iyon.

≫ ──── ≪•◦ ❈ ◦•≫ ──── ≪

Square-neck spaghetti sapphire blue dress. Below the knee but has a high slit on the right.

Every FridayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon