YVES
Time flies so fast at Friday na naman.
I was putting my lipstick in front of the mirror when my phone rang.
I looked at my phone to know who on earth it was, and there I saw the name 'Fulgencio'.
"What?" bungad ko sa kanya pagkasagot ko ng tawag.
"It will be just a simple family dinner. Magkita na lang tayo sa bahay nina Dad."
Bahagyang napataas ang aking kilay sa sinabi niya. "Hindi ba tayo sabay na pupunta?"
"I still have some things to finish kaya mauna ka na lang do'n," he replied.
"Okay." Hindi ko na hinintay ang mga susunod niyang sasabihin at agad ko nang binaba ang tawag.
Tiningnan ko ang aking sarili sa harap ng salamin at inilagay sa likod ng aking tainga ang ilang strands ng buhok na nakaharang sa aking mukha.
I'm currently wearing a knee high off shoulder royal blue dress na ipinadala ni Ezail noong Wednesday. Pagbukas ko ng box ay may sulat na nakalagay na isuot ko raw ito sa birthday ng Dad niya. Masunurin naman ako kaya sinuot ko. Maganda rin naman kasi at masasabi kong marunong pumili at bumili ng damit si Ezail. Unless hindi siya ang pumili nito para sa akin. Well, I don't care naman, as long as bagay sa akin ang damit.
I'm also wearing my white pumps, and I matched my whole outfit with my white Hermes bag.
My outfit is already perfect, pero mukhang may kailangan pa akong idagdag para makumpleto ang whole look ko.
Kinuha ko ang aking jewelry box at kinuha roon ang isang kuwintas na may maliit na hugis bilog na sapphire stone sa gitna. Bigay rin ito sa akin noon ni Ezail, at perfect 'tong isuot ngayon lalo na't magpapanggap na naman kaming happily married couple.
Kinuha ko na rin ang katerno nitong sapphire earrings at isinuot na ito. Mabuti na lang at naisipan kong magsuot ng mga alahas, kung hindi ay makalilimutan ko ang wedding ring namin ni Ezail na may sapphire stone rin sa gitna.
Hindi ko alam kung ano ba ang mayroon sa sapphire stone at mukhang gustong-gusto 'yon ni Ezail.
Nang makuntento na ako sa aking ayos ay lumabas na ako sa aking hotel suite at naglakad palabas dala ang regalo ko para sa tatay ni Ezail.
Oo, sa hotel ako tumitira magmula noong ikinasal kami ni Ezail.
I don't want to live in his house, at ayoko rin namang bumalik sa bahay ng mga magulang ko dahil masisira ang lahat ng pag-arte namin.
The hotel is mine anyway, kaya wala akong dapat na ipangamba na kahit na ano lalo na't sinabihan ko na ang mga staff ko na 'wag na 'wag ipagsasabi sa kahit na sino na nandito ako at wala sa bahay ni Ezail.
≫ ──── ≪•◦ ❈ ◦•≫ ──── ≪
Pagkasakay ko sa aking kotse ay agad kong binuksan ang aking cellphone at pinalitan ang aking wallpaper. Alam kong simpleng bagay lang 'to na hindi naman mapapansin ng mga magulang ni Ezail pero mabuti na 'yong sigurado at handa.
Pinalitan ko ang wallpaper ng wedding picture namin. Ito lang ang tanging picture na mayroon kaming dalawa.
Habang nasa biyahe ay hindi ko maiwasang titigan ang picture namin.
I was wearing a ball gown type of wedding dress. It was just a simple garden wedding but our parents insisted na maging magara ang suot ko lalo na ang venue.
It was supposed to be a church wedding, but I refused. Ayokong manumpa ng mga kasinungalingan sa harap ng Diyos.
Hindi ko naman nga talaga gusto ng wedding ceremony. Ang sabi ko nga kung ipagkakasundo lang naman nila ako sa lalaking hindi ko naman kilala ay dapat pirmahan na lang ng kontrata at kung ano mang certificate at 'wag na magsayang ng oras at pera para sa isang wedding ceremony, kaya nga lang sadyang makulit ang mga magulang namin.
BINABASA MO ANG
Every Friday
RomansaYves Samara Valencia was forced to marry Spencer Ezail Fulgencio, but that doesn't end with that. Their parents also forced them to spend time together every Friday night. That's why for Yves, Friday is a hell day. It seems like Friday is an unlucky...