YVES
Ilang beses akong napalunok habang nag-iisip ng puwede kong sabihin laban sa mga sinasabi niya, kaya nga lang ay wala na talaga akong maisip at mukhang nasa dead end na ako.
I cleared my throat as I looked straight into his eyes. "I won't marry you."
"And why?" he calmly asked. "Give me one good reason at hindi kita kukulitin kahit kailan."
Wow. Bumalik sa akin ang sinabi ko kanina.
Napakagat ako sa aking labi at saglit na napaisip. Ano nga ba?
"Hindi kita lubusang kilala at hindi mo rin ako lubusang kilala," seryoso kong sagot.
Umayos siya ng upo at binigyan akong isang matamis na ngiti. "Then let's have another date to get to know each other more."
Mariin akong napapikit sa inis.
Hindi talaga ako makapaniwalang si Ezail 'tong kaharap ko.
"Gusto mo nga ngayon na, eh. So what's your favorite color?" he enthusiastically asked. "Is it black?"
Napairap ako at sinamaan siya ng tingin. "Red," tipid kong sagot.
Red, dahil naiinis at nagagalit na ako sa'yo.
"Oh? Really? I like sapphire blue."
Sandali akong natigilan sa sinabi niya at sa hindi malamang dahilan ay nakaramdam ako ng kaunting kirot sa aking puso.
Sapphire blue.
"Her sapphire blue dress complements her beauty."
Napalunok ako nang maalala ko na naman ang sinabi niya sa voice recording.
So favorite color niya pala ang sapphire blue? Kaya niya ba ako nagustuhan dahil ang kulay ng damit ko ay favorite color niya?
Tsk! Nambobola pa sa mga salita niya, favorite color niya lang pala 'yon.
May sinasabi pa siyang ang ganda ko sa sapphire blue, tapos 'yon pala favorite color niya lang pala taaga 'yon.
Kaya pala pati wedding ring at mga alahas na binibigay niya sa akin ay puro may bato ng sapphire kasi favorite niya ang sapphire blue.
"Bakit mo favorite color 'yon?" wala sa sarili kong tanong sa kanya.
Nagkibit-balikat naman siya. "I don't know. Bigla ko na lang nagustuhan 'yon."
Biglang nagustuhan?
Don't tell me bigla na lang din niya akong nagustuhan noon dahil ang kulay ng damit ko ay favorite color niya?
Sira ulo talaga 'tong lalaking 'to.
"Ikaw? Bakit favorite color mo ang red?" Ibinalik niya sa akin ang tanong ko sa kanya. "Kaya ba medyo may hint ng kulay pula 'yang buhok mo dahil favorite color mo ang red?"
Napataas ang isa kong kilay kasabay ng pagtingin ko sa aking nakalugay at kulot na hanggang baywang na buhok.
Bakit ko nga ba favorite color ang red? Bakit nga ba ako nagpakulay ng ganitong kulay?
"Hindi ko alam. Nagandahan lang ako sa kulay red." Bahagya kong hinawakan ang dulo ng aking buhok. "Bet ko lang din 'yong ganitong kulay ng buhok, saka bumagay naman sa akin."
Ngumiti siya at nakita ko ang malalim niyang mga dimples.
May dimples pala siya? Ngayon ko lang napansin.
"Oo nga, bagay sa 'yo." Mas lalong lumaki ang ngiti sa kanyang labi at mas lalo ring nakita ang kanyang dalawang dimples sa magkabilaang pisnge. "Kahit ano naman yata ay bagay sa 'yo."
Hindi ko inasahan ang sinabi niya kaya naman bahagya akong nagulat.
Kung makapagsalita naman kasi siya ay parang nakita niya na ang lahat ng naging style ko at mga naging kulay ng buhok ko. Ngayon nga lang kami nagkita sa panahong 'to tapos kung makapagsalita siya parang ilang taon niya na akong nakikita.
Bolero din pala talaga siya?
"Anyway, ayoko pa rin sa 'yo." Agad akong nag-iwas ng tingin sa kanya.
"Bakit naman? I told you, we can work on getting to know each other. Tingnan mo, nalaman na natin ang favorite color ng isa't isa."
"Tingin mo sapat na 'yon?" Nanatili ang aking tingin sa steak na nasa aking pinggan. "That's not how getting to know each other works."
"So paano ba? Tell me the right way of doing it."
Bumalik ang tingin ko sa kanya.
Seryoso ba talaga siya? Hindi ba talaga niya nahahalatang ayoko nga sa kanya?
Malapit na talaga akong maubusan ng pasensya sa lalaking 'to.
"I don't want to marry you. End of conversation." Muli na akong kumain para naman matapos na 'to.
"Why not? Bagay naman sa pangalan mo ang apelyido ko, ah?" he said. "Yves Samara Valencia-Fulgencio. How about that? Bagay naman 'di ba?"
"Yves Samara Valencia-Fulgencio. Bagay 'di ba?"
Mariin akong napakagat sa aking labi nang muli kong maalala ang sinabi niya sa kanyang voice recording. Naramdaman ko rin ang pagkirot ng aking puso at bahagyang pag-iinit ng aking mga mata.
"Why? Ayaw mo ba sa apelyido ko? It suits your name. It sounds more expensive too."
Mas lalo pang dumiin ang pagkakakagat ko sa aking labi at sinamaan ko siya ng tingin.
Nilunok ko muna ang pagkaing nginunguya ko bago ako nagsimulang magsalita.
"It's not about your surname. It's about you," I firmly said. "Let me make this clear, Mr. Fulgencio. I. Do. Not. Like. You."
Naglaho ang ngiti sa kanyang labi. "May I know why?"
Sumeryoso na ang kanyang mukha at bahagyang lumamlam ang kanyang mga mata.
Muli akong napalunok upang tanggalin ang kung ano mang nararamdaman kong bumabara sa aking lalamunan.
"I just don't like you." Agad akong nag-iwas ng tingin matapos ko iyong sabihin. Hindi ko yata kayang tingnan ang nangungusap niyang mga mata. "That's it. Hindi lang kita gusto."
"May gusto ka na bang iba?"
Bahagya akong nagulat sa kaniyang tanong kaya agad na bumalik sa kanya ang aking paningin.
Walang halong pagbibiro ang kanyang mukha at maging ang kanyang mga mata ay naging seryoso na rin.
What if sabihin kong may nagugustuhan na ako?
Kapag ba sinabi kong may nagugustuhan na ako ay titigilan na niya ako? Pero what if tanungin niya rin kung sino? Saka isa pa, hindi ba parang ang landi ko namang tingnan kung may iba na akong gusto pero nakikipag-date pa rin ako sa ibang lalaki?
Ano ba 'yan! Para naman akong nalalagay sa hot seat nito!
Bahagya akong napayuko upang iwasan ang kanyang titig. "Wala."
"Then why don't you like me instead?"
Nangunot ang noo ko ngunit hindi ko na siya tiningnan at nanatili lamang ang aking tingin sa aking kamay na nakapatong sa lamesa at nakahawak sa tinidor.
"Ayoko nga sa 'yo. Paulit-ulit?" pabalang kong sagot.
"Bakit nga?" seryoso ngunit kalmado niyang tanong.
Bakit nga ba?
"Kasi hindi kita type?" pabulong at nag-aalangan kong sabi.
"What? I can't hear you." Bahagya niya pang inilapit ang kanyang sarili.
Bahala na nga! Puwede na sigurong rason 'yong sinabi ko!
"I said you're not my type," I seriously said as I looked at him.
Hindi ko inasahan ang naging reaksyon niya dahil imbes na mainis o magtaka ay ngumiti lamang siya at umayos ng upo.
"Then tell me what's your type." He smirked. "I can and I am willing to adjust to fit your standards."
=END OF CHAPTER 9=
BINABASA MO ANG
Every Friday
Любовные романыYves Samara Valencia was forced to marry Spencer Ezail Fulgencio, but that doesn't end with that. Their parents also forced them to spend time together every Friday night. That's why for Yves, Friday is a hell day. It seems like Friday is an unlucky...