YVES
Black off-shoulder dress with a pair of my black stilettos and some diamond earrings and necklace to finish up my look.
I curled my hair and put on some light makeup. Tininuan ko talaga ang look ko ngayon para hindi ako mapahiya sa ka-date ko ngayon. Nakatatawa man, pero I want to impress him.
Yeah, first time kong nagpa-impress at sa lalaking hindi ko pa talaga alam kung sino.
Ngayon lang din talaga ako nagpakatino para sa isang date. I mean, this is not my first time going on a date with some random guy, pero ngayon lang talaga ako naging matino.
I never thought of being in a relationship with someone before dahil hindi ko lang gusto ang commitments. I just want to fool around and have some fun. At ngayon gets ko na kung bakit ako tinatawag na immature ng mga magulang ko noon.
Ang immature ko naman kasi talaga noon.
First time ko lang din naging maaga sa isang date. I'm like twenty minutes early, at never ko pa talagang ginawa 'to sa kahit na sinong naging ka-date ko before.
Naalala ko nga noon na may pinuntahan akong date, tapos two hours late na ako, kaya ang ending kadarating ko pa lang ay umalis na kaagad 'yong ka-date ko. Well, I would do the same, at hindi rin naman ako maghihintay ng ganoon katagal para lang sa isang taong hindi ko naman kilala, but I might do it right now.
Sabi naman ni Steff ay matino naman daw itong lalaking ito. Sabi ko kay Steff baka puwede niya akong bigyan ng hints kung sino ba ito at saan niya ba ito nahanap, pero sabi niya ay bawal daw at alamin ko na lang daw kapag nagkita na kami nitong ka-blind date ko.
Mukha naman talagang matino 'tong lalaking 'to dahil sa lahat ng mga naka-date ko before ay siya lang ang bukod tanging nakipag-date sa akin sa isang sikat at mamahaling five star restaurant.
Hindi naman sa sinasabi kong cheap ang mga naka-date ko before, pero I mean hindi lang talaga sila umabot sa ganitong level.
Sabi rin ni Steff ay itong guy raw ang nagpa-reserve sa restaurant na ito at siya rin ang namili rito.
Mukhang rich guy rin talaga 'tong makaka-date ko.
Sa pagkakakuwento ni Steff sa akin tungkol sa guy na ito ay mukhang close at magkakilala sila. I wonder talaga kung sino siya.
Siguro isa sa mga kaibigan ni Steff?
Anyway, it doesn't matter na. Mayaman, matino, ewan ko nga lang kung pogi, pero hayaan na natin ang looks, kailangan ko talaga ang lalaking 'to kahit hanggang sa end lang ng taon na 'to para hindi ako maipagkasundo kay Ezail.
Napatingin ako sa aking relo at nakita kong 7:59 PM na. 8 PM ang meeting time naming nitong ka-date ko, pero malapit na ang 8 PM at hanggang ngayon ay wala pa rin siya.
Medyo turn off, ah.
Pero okay lang, first time ko lang namang maghihintay at mukhang promising naman 'tong magiging ka-date ko ngayon.
Patuloy kong tiningnan ang aking suot na relo hanggang sa tumungtong ang mga kamay nito sa saktong 8 PM.
"Ms. Valencia?" malumanay na wika ng isang lalaki sa aking harapan.
Wow, on time!
Nakangiti kong inangat ang aking paningin sa lalaking nagsalita, ngunit agad na naglaho ang akin ngiti nang makita ko ang kanyang itsura.
What. The. F*ck?!
Tell me I'm just hallucinating!
"Good evening, Ms. Valencia. I'm Spencer Ezail Fulgencio. It's nice to meet you." Buong ngiti niyang inilahad ang kanyang kamay samantalang nakapako lamang ang aking nanlalaking mga mata sa kanyang mukha.
BINABASA MO ANG
Every Friday
RomantikYves Samara Valencia was forced to marry Spencer Ezail Fulgencio, but that doesn't end with that. Their parents also forced them to spend time together every Friday night. That's why for Yves, Friday is a hell day. It seems like Friday is an unlucky...