YVES
"Magpahinga ka muna rito. Malapit naman na matapos ang event kaya paniguradong hindi ka na nila kailangan," nag-aalala niyang wika. "Bakit ba kasi ikaw ang halos nag-aasikaso sa lahat?"
"Kulang kami sa mga tao," walang gana kong sagot. "Kaya ko ang sarili ko." Tinabig ko ang kanyang kamay at akma na sana akong tatayo nang hawakan niya ako sa magkabilang balikat at muli akong pinaupo sa malambot na kama.
"No. Stay here. Baka mamaya mabinat ka pa niyan o ano," bakas pa rin ang pag-aalala sa kanyang tono. "Hindi mo ba nararamdaman na lalagnatin ka na?"
Marahas kong inalis ang kanyang mga kamay na nakapatong sa aking balikat at sinamaan ko siya ng tingin. "Kaya ko ang sarili ko. Ikaw na mismo ang nagsabi, malapit nang matapos ang event, kaya alam ko at sigurado akong kaya ko ang sarili ko hanggang sa matapos ang event."
Tumayo na ako at laking gulat ko nang hatakin niya ako mula sa aking palapulsuhan.
Nawalan ako ng balanse kaya naman agad akong natumba at napahiga sa kama. Hindi niya rin yata inaasahan ang aking pagkatumba kaya naman maski siya ay natumba rin at napadagan sa akin.
Sa sobrang pagkabigla ay agad na bumilis ang pagtibok ng aking puso at mas lalong nag-init ang aking buong katawan, lalo na nang maisip ko ang posisyon naming dalawa.
Nakadagan siya sa ibabaw ko, samantalang ang kanyang ulo naman ay nakapatong sa ibabaw ng aking balikat, kaya naman nararamdaman ko ang mainit niyang hininga na dumadampi sa aking leeg.
"H-Hoy! Umalis ka nga! Ang bigat mo!" natataranta at nanginginig kong wika at pilit ko siyang itinutulak papalayo sa akin, kaya nga lang ay sadyang napakabigat niya kaya hindi ko siya kaya.
Hindi siya umimik sa loob ng ilang segundo, ngunit rinig na rinig ko rin ang malakas na pagkalabog ng kanyang puso.
Hindi na ako gumagalaw sa aking posisyon at ganoon din siya. Halos hindi na nga rin ako huminga dahil sa hindi maintindihang damdamin na nararamdaman ko mula sa aking tiyan at dibdib.
What the heck am I feeling right now?
Nagulat nga lang ba ako sa nangyari? Eh bakit hanggang ngayon hindi ako makagalaw?
"E-Ezail, h-hindi na ako makahinga," halos pabulong kong wika.
Hindi ko alam kung saan pa ako nakakuha ng lakas para makapagsalita gayong halos hindi na nga ako makahinga at nanlalata na rin ang buo kong katawan.
Para yatang hinihigop niya ang lahat ng natitirang lakas sa katawan ko.
Ilang segundo pa ang lumipas at hindi pa rin siya kumikibo. Napapaisip na tuloy ako kung buhay pa ba siya at humihinga, o kung may malay pa ba siya.
"Ezail, please," nanghihina kong sambit. "Tumayo ka na."
"Nakatayo na," rinig kong bulong niya.
Halos tumayo ang lahat ng balahibo sa aking buong katawan nang maramdaman ko ang mainit niyang paghinga na siyang dumampi sa aking leeg at balikat.
"Hindi ka naman nakatayo. Tumayo ka na, please."
Naramdaman ako ang paggalaw niya. Akala ko naman ay tatayo na talaga siya ngunit yumakap lang pala siya sa akin.
Mas lalong nagdikit ang aming mga katawan kaya naman mas lalo pa tuloy akong nakaramdam ng pagdaloy ng init sa aking buong katawan. Para na rin akong kinukuryente sa bawat pagdampi sa aking balat ng kanyang mainit na paghinga.
"Ezail! Tumayo ka na sabi!" natataranta at naiinis kong sabi.
"Nakatayo na nga," pag-uulit niya pa.
Sandali akong napaisip sa kanyang sinabi at nanlaki ang aking mga mata nang mapagtanto ko kung ano ang nais niyang sabihin.
BINABASA MO ANG
Every Friday
RomanceYves Samara Valencia was forced to marry Spencer Ezail Fulgencio, but that doesn't end with that. Their parents also forced them to spend time together every Friday night. That's why for Yves, Friday is a hell day. It seems like Friday is an unlucky...
