Chapter 25: Flash drive

154 5 5
                                        

YVES

November 06. 2020, Friday.

More than a month had passed since we went out for dinner at that rooftop restaurant, and more than a month had passed since I kissed him on my own will.

Hindi ko talaga alam kung papaano ko ba sasabihin sa kanya ang nararamdaman ko kaya hinalikan ko na lang siya noong gabing iyon. Mukha namang nagkaintindihan kami sa pangyayaring 'yon, kaya naman magmula noong gabing iyon ay mas naging close kami sa isa't isa.

Palagi kaming nagkikita at nagdi-dinner tuwing Friday. Nasanay na nga ako sa ganoon dahil wala kaming pinalagpas na Friday nang hindi lumalabas at kumakain nang magkasama.

Sinisigurado kong free lagi ang Friday ko at ganoon din siya. Hindi ko na rin mapigilan ang sarili ko na ma-excite sa tuwing paparating na ang Friday.

Friday na naman ngayon at bahagya akong kinakabahan dahil baka hindi matuloy ang paglabas namin ngayon. Malakas kasi ang ulan at plano pa man din sana naming gumala sa isang park ngayon.

Lumukso ang aking puso nang tumunog ang aking cellphone at nakita kong siya pala ang tumatawag sa akin.

"Hello?" Hindi ko na naitago pa ang pananabik sa aking boses nang sagutin ko ang tawag niya.

"Yves," ang malungkot niyang boses ang bumungad sa akin kaya naman agad na naglaho ang aking ngiti at pananabik.

"Hindi ba tayo tuloy mamaya?' malungkot kong tanong. Naglakad ako papunta sa bintana ng aking kuwarto at sinilip kung malakas pa rin ba ang ulan. Mas lumakas pa yata.

Narinig ko ang malalim niyang buntong-hininga mula sa kabilang linya. "Hindi tayo makakalibot nang maayos sa park kapag umuulan," sandali siyang tumigil. "Plus, ayokong magkasakit ka nang dahil sa ulan."

Hindi ko naman napigilang mapangiti. Alam kong simpleng bagay at salita lamang iyon pero iba talaga kapag si Ezail ang nagsabi. Para bang lahat ng sabihin niya nakakikilig talaga.

"So paano na 'yan?" malungkot kong tanong sa kanya. Nawala na naman ang ngiti sa aking labi nang maalala ko ang sitwasyon namin ngayon.

Mukhang ito yata ang unang Friday na hindi kami magiging magkasama.

"Do you want to watch movies instead?" he asked with hesitation in his voice. "I mean, puwede naman akong pumunta d'yan, then we'll watch a movie instead."

Muling bumalik ang ngiti sa aking labi nang dahil sa kanyang sinabi. Akala ko ay wala nang pag-asa. Nakalimutan kong si Ezail nga pala 'to at palagi siyang maparaan.

"P-puwede namang ako na lang ang pumunta," wala sa sarili kong wika.

Hindi siya sumagot kaya naman napatingin ako sa aking cellphone at nagtataka ko iyong ibinalik sa tapat ng aking tainga nang makita kong hindi pa naman pala napuputol ang tawag.

Hindi kaya humina ang signal at hindi niya ako narinig?

"Hello? Ezail?"

"D-do you really want to go here?" nauutal niyang wika. "I-I mean, sa bahay ko?"

Sa bahay niya?

"Y-yeah."

"Okay. I'll pick you up later."

≫ ──── ≪•◦ ❈ ◦•≫ ──── ≪

Bahay niya.

Ito ang bahay na palagi kong pinupuntahan noon tuwing Friday nights para makipag-dinner kay Ezail.

Naaalala ko pa kung gaano ko kinamumunghian ang bahay na ito noon.

Every FridayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon