Chapter 24: Rooftop restaurant

86 5 2
                                    

YVES

October 02, 2020

Friday na naman, at kung noon ay ayaw na ayaw ko sa araw na ito, ngayon naman ay gustong-gusto at inaabangan ko na ito. At kung dati rin ay ayaw na ayaw kong makipag-dinner kay Ezail, ngayon naman ay gustong-gusto at inaabangan ko na rin ito.

Weird man, pero pakiramdam ko ay kapag hindi ako nakipag-dinner sa kanya ay parang hindi na kumpleto ang Friday ko. Nakatatawa rin dahil kung ano man ang ayaw ko noon ay ang siya nang gustong-gusto ko ngayon. Sadyang pabago-bago nga naman talaga ang ihip ng hangin.

Pagkagising ko pa lang kanina ay iniisip ko na kung saan kaya kami magdi-dinner mamaya ni Ezail, o kung ano kaya ang pag-uusapan namin mamaya. Last Friday kasi ay mas naging malapit ako sa kanya dahil sa pagshe-share namin ng mga sikreto at bagay tungkol sa amin.

I know I shouldn't be like this, and I know that I should stay away from him, pero hindi ko na yata kayang lumayo pa sa kanya.

Lumipas ang buong araw na ang tanging iniisip ko lang ay ang magiging dinner namin pagdating ng gabi, at dumating na nga ang pinakahihintay kong oras.

7:23 PM nang dumating siya. Mabuti na lang at maaga akong naghanda kaya naman nang makita ko ang kotse niya sa labas ng aming bahay ay agad na akong lumabas at sinalubong siya.

Kabababa niya pa lamang sa kanyang sasakyan at bakas ang gulat sa kanyang mga mata nang makita niya ako

Saglit pa siyang napatulala sa akin kaya naman na-conscious ako kung may mali ba sa itsura o damit ko.

Nagsuot lang kasi ako ng isang simpleng knee-high spaghetti red dress. Kinabahan tuloy ako dahil baka hindi maging akma ang damit ko sa pupuntahan namin.

"M-may mali ba sa suot ko?" nahihiya kong tanong sa kanya.

Umiling naman siya at nag-iwas ng tingin sa akin. "No, you look very beautiful tonight, Yves."

Kinagat ko ang aking ibabang labi upang pigilan ang aking sarili sa pagngiti. Bakit naman kasi bigla siyang nagsasabi ng ganoon?

Ibinalik niya na ang tingin niya sa akin at tiningnan niya pa ako mula ulo hanggang paa bago muling tumigil ang kanyang mga mata sa aking mukha. "Araw-araw ka namang maganda."

Mas lalo kong diniinan ng pagkagat sa aking labi dahil alam kong kapag hindi ko 'yon ginawa ay tiyak na hindi ko na mapipigilan pa ang aking sarili na mapangiti.

Naglakad siya papunta sa akin at hindi ko alam kung bakit ba biglang bumilis ang tibok ng aking puso nang lumapit siya sa akin. Sa hindi malamang dahilan ay parang may hinintay akong gawin niya, ngunit nakaramdam ako ng bahagyang pagkadismaya nang makita kong bubuksan niya lang pala ang pinto ng passenger's seat para sa akin.

Ano ba kasi ang inaasahan kong gagawin niya? Nababaliw na yata ako.

Nakangiwi akong pumasok sa loob ng kanyang kotse. Pagkaupo ko sa passenger's seat ay laking gulat ko nang bigla siyang yumuko at hinatak niya ang seatbelt. Halos magwala ang puso ko hindi dahil sa kanyang ginawa kundi dahil sa pagiging sobrang lapit niya sa akin. Nakalimutan ko na rin yatang huminga nang umangat ang kanyang ulo at magtama ang aming mga mata.

Matamis siyang ngumiti sa akin bago siya lumayo at sinara ang pinto.

Nakaiinis! Ngumiti lang siya sa akin na para bang hindi niya alam kung ano ang ginawa niya sa akin. Pero bakit ba kasi nagiging ganoon ang pakiramdam ko sa tuwing lumalapit siya, lalo na sa tuwing ngumingiti siya sa akin at lumalabas ang dimples niya?

Nababaliw na yata talaga ako.

Saktong 8 PM nang makarating kami sa restaurant na kakainan namin ngayong gabi.

Every FridayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon