Chapter 12: Slippers

114 5 0
                                    

YVES

I can smell his minty fresh breath and manly perfume.

I can feel his body's warmth and his warm breath touching my skin.

I can smell and feel everything about him right now.

Humahalo sa malamig na simoy ng hangin ang kanyang mabangong amoy, at mas nakikita ko ang bawat detalye ng kanyang mukha dahil sa liwanag ng araw na tumatapat dito.

Sa sobrang lapit niya sa akin ay naririnig ko na ang kanyang bawat paghinga, ganoon na rin ang malakas na tibok ng aming mga puso.

Napakagat ako sa aking ibabang labi at buong puwersa ko siyang itinulak palayo.

Napayuko ako matapos kong gawin 'yon dahil sa mga pagkakataong iyon ko lamang naramdaman ang pag-iinit ng aking mukha.

"Oh? Bakit mo ako tinulak papalayo?" inosente niyang tanong. "Bakit hindi mo pa sinasagot 'yong tanong ko? Hindi pa ba sapat ang closeness natin kanina?"

Bahagya kong itinaas ang aking paningin at nanlaki ang aking mga mata nang makita ko siyang naglalakad muli papunta sa akin.

"Hoy! D'yan ka lang!" sigaw ko na agad niyang ikinagulat at naging dahilan upang mapatigil din siya sa paglapit sa akin. "Nababaliw ka na ba?! Nasa orphanage tayo! Ang inappropriate ng ginawa mo kanina!"

Nag-iinit pa rin ang aking pisnge at nararamdaman ko na rin ang panghihina ng aking mga tuhod.

Hinigop niya yata lahat ng lakas ko kanina.

Bahagya naman siyang natawa. "At bakit naman inappropriate 'yon? Sabi mo dapat maging close muna tayo para sagutin ko ang tanong mo. Ginawa ko lang naman ang sinabi mo."

Muling uminit at nanlaki ang aking mga mata nang makita kong humakbang na naman siya papalapit sa akin.

"Trip ko lang!" agad kong sambit. "Trip ko lang tumulong dito. Happy?!"

Hindi ko alam kung saan ko ba nakuha ang mga sinabi ko dahil hindi ko lang naman talaga trip lang ang pagtulong sa orphanage na ito. May mas malalim akong dahilan at wala pang may alam no'n kahit sino.

Bakit ko rin naman sasabihin sa lalaking 'to? Sino siya para malaman niya ang totoo?

"Hindi ako naniniwala. Hindi ka naman 'yong klase ng tao na gagawa lang ng isang bagay dahil lang trip mo. Alam kong may rason ang lahat ng ginagawa mo." Naging seryoso na ang kanyang awra at muli niyang ibinulsa ang kanyang dalawang kamay sa magkabilang bulsa ng suot niyang pantalon.

Napataas ang isa kong kilay nang dahil sa sinabi niya. "Hindi mo ako lubusang kilala."

Hindi ko alam na mukha pala akong serious sa kanya dahil sa totoo lang ay may mga bagay naman talaga akong ginagawa dahil trip ko lang, maliban na nga lang sa pagtulong ko rito sa orphanage na ito.

"Then tell me the reason kung bakit ito ang napili mong tulungan," seryoso niyang wika.

"At bakit mo ba ako pinipilit na sabihin ang dahilan?" naiinis kong tanong sa kanya.

Nakita ko ang pag-angat ng isang sulok ng kanyang labi. "So may rason nga talaga? Ibig sabihin, hindi lang dahil trip mo."

Sandali akong napahinto at napagtanto kung ano ang nasabi ko.

Kainis! Nautakan niya ako!

"Puwede ba, tigilan mo na nga ang pamemeste sa akin?! Hindi na ako natutuwa sa 'yo." Pinanlakihan ko na siya ng mata. "Ayoko nang makita 'yang pagmumukha mo, ah? Please lang, nabubuwisit na ako sa 'yo."

Every FridayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon