Chapter 5: Voice Recordings

182 5 6
                                    

YVES

I bit my lower lip as I continued to listen to Ezail's next voice recording.

I want to know more at ayaw rin namang gumalaw ng mga kamay ko para patigilin ang pag-play ng susunod niyang recording.

Bago ako tuluyang makonsensya ay dapat ko munang alamin kung worth it ba na makonsensya ako sa kanya, baka kasi mamaya ay may ginagawa rin siyang hindi maganda o baka deep inside ay hate niya rin pala talaga ako.

But above all, I'm curious about one thing.

I want to know why he liked me.

"September 11, 2020, Friday. That was the day when I met her with our families."

I closed my eyes for a few seconds as I recalled that day.

"I was so happy to see her, but then my happiness went away when I saw her sad and empty eyes."

Sino ba naman kasi ang matutuwa kung alam mong ang araw na 'yon ang tuluyang babago at sisira sa buhay mo?

"Her eyes looked so empty, and she didn't say a word. Our families ate dinner together, and she remained silent the whole time. Nanibago nga ako dahil nawala na ang ngiti sa labi niya na una kong nasilayan sa birthday party ni Steff. She also never dared to look at me, not even on my way."

Bakit naman kasi ako magiging masaya noong araw na 'yon? Isang araw ay nagising ako tapos sinabi ng mga magulang ko na gusto nila akong ipakasal sa isang taong hindi ko naman kilala. Sino ba namang matutuwa sa ganoon?!

"I thought na baka she's just having a bad day kaya mukhang wala siya sa mood. That's why I promised myself that I'd always make her happy every single day once na ikasal na kaming dalawa."

And sadly, he did not, dahil makita ko lang ang mukha niya ay kumukulo na kaagad ang dugo ko sa kanya.

Napilitan lang din talaga akong pakasalan siya dahil wala akong choice.

I made a huge mess, and my parents told me that the only way to fix it was to marry this guy. Well, it was fixed naman before I married Ezail, kaya lang ay galit talaga sa akin ang mga magulang ko dahil sa nagawa ko noon at ang tanging paraan lang daw para patawarin nila ako at 'wag nilang bawiin ang bagay na sa akin ay kapag pinakasalan ko ang lalaking hindi ko naman talaga kilala.

Naisip ko nga na what if ipakasal nila ako sa isang DOM. Pero kahit na ganoon ang naiisip ko ay pumayag pa rin ako dahil bukod sa gusto kong patawarin ako ng mga magulang ko ay ayaw ko rin namang bawiin nila sa akin ang bagay na naging akin.

His next recording played, and I continued to listen to it.

"I miss her. We're now planning our wedding, pero teka lang, masasabi ko nga bang 'we are' planning our wedding kung ako lang naman ang mag-isang nagpaplano ng lahat?" He took a deep breath. "I understand that she's busy kaya lang ay hindi ko maiwasang masaktan sa tuwing ipapadala niya sa akin ang secretary niya para sabihing hindi niya ako masasamahan sa pagpaplano ng kasal namin at ako na lang ang bahalang mamili ng lahat-lahat. Kahit nga wedding dress niya ay ako na lang din daw ang mamili dahil wala siyang time."

Napakagat ako sa aking kuko nang maramdaman ko ang lungkot sa kanyang boses.

Bumabalik na naman ang konsensya ko.

Totoong hindi ko siya sinamahan sa pagpaplano ng kasal namin dahil naisip kong sayang lang naman 'yon sa oras at hindi ko na dapat pang pag-aksayahan ng panahon ang pagsama sa kanya lalo na't sa paningin ko ay hindi naman talaga 'yon totoong kasal.

Totoo rin namang busy ako at isa 'yon sa rason kung bakit hindi ko siya nasasamahan sa pagpaplano.

I was so busy fixing the huge mess that I made.

Every FridayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon