Chapter 3: I regret it

297 9 1
                                        

YVES

I was busy doing some office work when my phone vibrated. Wala pa sana akong balak na tingnan kung ano na naman bang notification 'yon, kaya nga lang ay sunod-sunod ang pag-vibrate nito hanggang sa nakita ko ang pangalan ni Steffanie sa screen.

At bakit niya kaya ako tinatawagan ngayon?

"Steff?" bungad ko sa kanya nang sagutin ko ang tawag.

"You free on Thursday?" she asked and she seemed excited and who knows why. "I know naman na you're not free on Friday."

I rolled my eyes as I rested my back on my swivel chair.

"Yeah, I have to spend time with your Kuya every Friday, alam mo naman 'yon." I tried to sound as sweet as I could be, at hindi ko alam kung sweet ba talaga ang tono ko o sarcastic na.

"Let's go out on Thursday," excited niyang aya sa akin.

"Go out? Saan tayo pupunta?"

"Club," she immediately answered at hindi ko man siya nakikita ngayon ay alam kong nakangisi na siya.

Ano na naman kaya ang pumasok sa utak ng babae na 'to at nag-aaya siyang pumunta sa club?

"I'm a married woman, Steff. Baka nakalilimutan mong kasal na ako sa kapatid mo?" sarcastic kong sabi at bahagyang pinaikot-ikot ang kinauupuan ko.

"I know, I know. Ipagpapaalam pa kita kay Kuya kung gusto mo."

"At sa tingin mo papayag 'yon?" I chuckled. "Sinong matinong lalaki ang papayagan ang asawa niyang pumunta sa club?"

"Ayaw mong maniwalang papayagan ka niya? Mabait naman si Kuya, papayag naman 'yon. Alam ko rin namang may tiwala siya sa 'yo."

Napailing na lang ako. "This is ridiculous, Steff. Alam mo naman kung paano ako malasing 'di ba?"

"Sino ba namang nagsabing magpapakalasing tayo roon? Sige naman na, Sam. Please, oh? Ipagpapaalam kita kay Kuya at sisiguraduhin kong papayag siya! Sige na! It's been almost three years magmula noong hindi na tayo nakakapunta sa mga clubs!"

Yeah, it's been almost three years magmula noong natigil ako sa pagpunta sa mga ganoong lugar.

Labag man sa loob ko na magpakasal kay Ezail pero matino pa rin naman akong babae at tao kaya hindi ako pupunta sa ganoong klaseng lugar lalo na't kasal na ako ngayon.

"Stop being so crazy, Steff. Bakit ba ako ang bigla mong inaaya? How about your other bachelorette friends?" Napahilot ako sa aking sentido.

Yeah, I do miss going to those kinds of places pero mas dapat kong isipin ang image ko at ang image namin ni Ezail bilang mag-asawa.

I don't want to create an issue or a mess na makaaapekto or worse ay makasira sa aming dalawa.

I hate this marriage and I don't like it too, pero matino pa rin akong babae at asawa.

"They're all busy." Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya mula sa kabilang linya. "Broken hearted ako ngayon, at 'wag mo nang itanong kung bakit, kaya samahan mo na ako. Please?"

≫ ──── ≪•◦ ❈ ◦•≫ ──── ≪

I can't believe it! Pumayag nga talaga si Ezail na samahan ko si Steff sa club!

Ano kaya ang pumasok sa utak ng lalaking 'yon? Hindi kaya pumupunta rin siya sa mga ganitong lugar para maghanap ng mga babae tapos kaya niya ako pinayagan para maging fair?

Well, I don't care naman kung pumupunta siya sa mga lugar na ito at naghahanap ng mga babae. Wala rin akong pake kung ano ang ginagawa nila ng mga babaeng nahahanap niya sa mga ganitong klaseng lugar. Ang pake ko lang talaga ay kung ano ang sasabihin sa amin ng mga tao lalo na kapag nakita kami sa ganitong klaseng lugar.

Every FridayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon