Chapter 22: Tell Me

96 5 0
                                    

YVES

A simple red floral dress matched with my red stilettos.

Simple lang din ang ayos ko dahil hindi naman 'to date. Simpleng dinner lamang 'to as a payment sa damit niyang narumihan ko.

Pero kahit na ilang beses kong kumbinsihin ang sarili ko na hindi 'to date at dinner lang 'to na walang meaning ay hindi ko pa rin maiwasang mapaisip kung counted nga ba 'to as a date lalo na't siya ang nag-aya.

I mean, siya 'yong lalaki, so 'di ba kapag nag-aya ng dinner ang lalaki then date na 'yon?

"Hindi 'to date, Yves!" Tinapik-tapik ko pa ang aking pisnge para naman magising ako sa katotohanan.

Kinuha ko ang cellphone kong nakapatong sa vanity table at muling binasa ang text ni Ezail. Oo, may number na niya ako dahil kinuha niya raw 'yon sa kapatid niya para ma-contact ako. Dapat nga matagal na niyang ginawa 'yon.

'See you later at 8 PM ; )'

'Yan ang sabi niya matapos niyang i-text sa akin ang location kung saan kami magdi-dinner.

He even insisted na he'll pick me up na lang daw, pero sabi ko 'wag na kaya naman he just texted me the location. Ang haba pa nga ng pagtatalo namin tungkol sa bagay na 'yon. Bakit ba kasi parang ayaw niyang magpatalo?

Saglit kong pinasadahan ng tingin ang aking sarili sa harap ng salamin at muling tinapik ang sarili. "This is not a date. This is just a payment."

≫ ──── ≪•◦ ❈ ◦•≫ ──── ≪

Hindi ko alam kung nananadya ba siya o ano, pero sa restaurant kung saan kami ipagkakasundo dapat nitong nakaraan niya ako dinala.

Ngayon ko nga lang din naalala na sa restaurant din nga palang ito kami ipinakilala sa isa't isa noon.

Bakit parang umuulit pa rin ang nakaraan?

Anyway, I'm curious pa rin talaga kung ano ba ang mga sinabi niya sa mga magulang namin na dahilan kung bakit ako biglang nag-walk out noong gabing iyon.

Pagpasok ko sa loob ng restaurant ay binanggit ko lang ang pangalan ni Ezail sa isang waiter at agad na niya akong dinala sa isang table na katabi ng glass window ng restaurant. Doon ko rin natagpuan si Ezail na nakaupo at naghihintay sa aking pagdating. Nakatingin lamang siya sa labas ng glass window ng restaurant at pinapanood ang mga taong dumaraan sa labas.

Bago ako tuluyang lumapit sa table ay tiningnan ko muna ang oras sa aking cellphone.

7:55 PM pa lang naman. Hindi pa naman ako late. Pero 8 PM kasi ang sinabi niyang oras sa akin. Ang aga naman niya yata dumating?

"Kanina ka pa rito?" bungad ko sa kanya at hinatak ang upuang nasa tapat niya.

Bahagya naman siyang nagulat sa presensya ko, at tatayo pa sana siya para hatakin ang upuan at paupuin ako, pero sinenyasan ko siya na 'wag na dahil kaya ko naman na.

"Ah, hindi pa naman." Umayos siya ng upo.

"Ang aga mo yata?" biro ko sa kanya.

He smiled at me, and there I saw his dimples. Ayan na naman 'yang dimples na 'yan!

"It's better to be early than late." He chuckled. "Plus, hindi rin naman maganda na pinaghihintay ang babae sa isang date."

Agad akong nakaramdam ng init sa aking mukha dulot ng pagkabigla ko sa mga sinabi niya.

Ano raw? Date?

"H-hoy! H-hindi 'to date!" nauutal-utal ko pang sabi. Sino ba naman ang hindi mauutal sa mga sinabi niya? "Bayad ko lang 'to roon sa damit mo."

Every FridayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon