Chapter 7: Change

126 5 0
                                    

YVES

Napasigaw at napatalon ako sa lamig ng tubig na dumampi sa aking katawan.

"Sh*t!" sigaw ko at agad na pinatay ang shower.

Niyakap ko ang aking sarili gamit ang aking kaliwang braso, samantalang ang kanang kamay ko naman ang nagbukas ng heater ng aking shower.

F*ck, hindi nga ako nananaginip.

Pero totoo nga ba talagang bumalik ako sa nakaraan?

Hindi naman ako mukhang nananaginip at nagha-hallucinate. Kasi kung panaginip lang 'to nagising na sana ako kanina noong kinurot ko ang sarili ko, imposible rin namang hindi ako magising sa pagligo ng malamig na tubig.

"Mababaliw na yata ako." Sinamapal-sampal ko pa ang aking sarili bago ako nagpunas ng towel sa aking buong katawan.

Mabilis lamang ang pagligong ginawa ko dahil ayoko namang paghintayin ng matagal si Hansen. Baka mamaya kasi ay gumawa ng katarantaduhan ang lalaking 'yon habang wala ako. Madalas pa man din siyang gumawa ng mga nakalolokong mga bagay sa tuwing bored siya.

Pagkalabas ko sa shower ay tiningnan ko ang aking repleksyon sa salamin.

Long cherry brown hair.

Ito ang kulay na ipinakulay ko sa aking buhok three years ago.

My parents even got mad at me when they saw my hair dahil hindi raw maganda ang ganitong kulay ng buhok at dapat daw ay maging professional ako. Hindi ako nakinig sa mga sermon nila dahil wala naman nang magagawa 'yon dahil nakulayan ko na ang buhok ko. Isa pa, bagay naman kasi sa akin ang kulay kaya wala akong pake sa mga sasabihin nila.

Pinakulayan ko na lang ulit ang aking buhok ng natural color noong ipinagkasundo ako kay Ezail. Simula talaga noong ipinagkasundo kami ni Ezail ay bumaliktad na ang mundo ko at bigla akong nag-mature in a way na hindi ko inakalang magagawa ko.

Mabilis kong pinatuyo ang aking buhok gamit ang aking blower at matapos no'n ay pumunta na ako sa aking walk in closet.

Hinanap ko ang mga damit na isinusuot ko noon sa tuwing naglalaro kami ng tennis at sa pamimili ko sa susuotin ko ay nahagip ng aking mga mata ang sapphire blue tennis dress ko.

"Her sapphire blue dress complements her beauty. Wala na talaga akong masabi."

Napakagat ako sa aking labi kasabay ng paghablot ko sa damit na iyon.

"Isusuot ko lang 'to hindi dahil naalala kita at 'yong sinabi mo," bulong ko sa sarili habang isinusuot ang damit, "Isusuot ko 'to kasi sabi mo maganda ako sa ganitong kulay. Gusto ko lang maging maganda, hindi para sa'yo kundi para sa sarili ko."

Kung may makakakita sa akin ngayon ay baka isipin ng taong 'yon ay nababaliw na ako dahil kinakausap ko ngayon ang sarili ko.

Pero kasi naman! Kung nasaan man ngayon si Ezail ay ayokong mag-assume siya na kaya ko 'to sinusuot ngayon ay dahil naaalala ko siya or whatever. Ang sabi niya kasi maganda ako sa ganitong kulay kaya ganitong kulay ang isusuot ko ngayon.

"Oo nga pala, buhay pa siya ngayon kasi bumalik ako sa past," natatawa kong sabi sa aking sarili habang ipinupusod ang aking buhok sa isang mataas na ponytail.

Anyway, speaking of the color sapphire blue. Nang dahil sa voice recording ni Ezail ay naging malinaw sa akin kung bakit puro may bato ng sapphire ang mga alahas na ibinigay niya sa akin noon.

I'm not going to lie, but sapphire blue does complement my beauty.

Ezail has a good eye for colors.

Every FridayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon