YVES
December 08, 2023, Friday.
Three years have passed, and we're still together.
I'm currently at his place, doing everything and making him sit down and do nothing all day long.
Alam kong kanina niya pa gustong kumilos pero hindi ko siya hinahayaan na gumawa ng kahit na ano, dahil natatakot ako na ang mga bagay na gagawin niya ay ikapapahamak niya.
Gusto niyang magluto kanina pero hindi ko siya hinayaan dahil baka mapaso siya, or worse, ay baka magkaroon ng sunog kapag siya ang nagluto. He's a good cook, but I won't let him cook today.
Ito ang araw na pinakakinatatakutan ko. Hindi ko nga alam kung sadyang hindi lang talaga takot mamatay si Ezail dahil mukha siyang unbothered sa araw na ito.
Habang nagluluto ng aming dinner sa kusina ay ramdaman ko ang pagpulupot ng kanyang mga bisig sa aking baywang.
Marahan niyang ipinatong ang kanyang ulo sa aking balikat dahilan upang maramdaman ko ang mainit niyang hininga sa aking batok na kaagad na ikinatayo ng aking mga balahibo.
"Gabi na pero hindi pa rin ako naliligo. Bawal ba talaga akong maligo ngayon?" malambing niyang tanong sa akin.
"Bawal," agad kong sagot at ipinagpatuloy ang pagluluto.
"Bakit? Hindi na nga ako halos kumikilos buong araw tapos bawal pa akong maligo?" Mas hinigpitan niya pa ang pagkakayakap sa akin.
"Baka kasi madulas ka sa banyo."
"Bakit hindi mo na lang ako samahan sa banyo para hindi ka na mag-alala sa akin?" Napahinto ako sa aking ginagawa nang maramdaman ko ang pagdampi ng kanyang labi sa aking leeg.
Mahina kong pinalo ang kanyang brasong nakayakap pa rin sa akin. "Baliw ka ba?! Bakit naman ako maliligo kasama ka?!"
Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. "Wala naman akong sinabi na maliligo tayo ng sabay." Muli kong naramdaman ang pagdampi ng kanyang labi sa aking leeg. "Pero puwede rin naman, hindi naman ako magrereklamo kung 'yon talaga ang gusto m0o."
Hindi ko inasahan ang mga sinabi niya kaya naman agad na nag-init ang aking buong mukha.
"Oh, bakit hindi ka makaimik?" nang-aasar niyang tanong. "Tara na, maligo na tayo."
Agad ko namang kinalas ang kanyang mga braso na nakapulupot sa akin. "A-ano ba! Tigilan mo nga ako!"
Muli kong narinig ang kanyang tawa kasabay ng paggulo niya sa aking buhok. "Biro lang, pero kung gusto mo game naman ak—"
"Tumigil ka nga!' Sinamaan ko siya ng tingin bago ako bumalik sa pagluluto.
"Joke lang, eh!" malambing niyang wika at muli akong niyakap mula sa aking likuran. "I love you."
Napakagat ako sa aking ibabang labi bago ako nakasagot sa kanya. "I love you too. Mahal na mahal pa rin kita kahit lagi mo akong iniinis."
At muling napuno ng tawanan ang kusina.
≫ ──── ≪•◦ ❈ ◦•≫ ──── ≪
Matapos naming kumain ng dinner ay nanood na kami ng movies sa kanyang kuwarto.
Pangatlong movie na ang pinapanood namin ngayon. Nagpapalipas oras lang talaga kami dahil gusto naming salubungin ang December 09, 2023 na magkasama.
Nagpa-alarm kami ng saktong 12 AM, at kanina ko pa talaga inaabangan ang pagtunog ng alarm na 'yon.
Totoo ngang mabagal ang oras kapag hinihintay mo ito.
"Hindi ka pa ba inaantok?" tanong niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Every Friday
RomanceYves Samara Valencia was forced to marry Spencer Ezail Fulgencio, but that doesn't end with that. Their parents also forced them to spend time together every Friday night. That's why for Yves, Friday is a hell day. It seems like Friday is an unlucky...