YVES
November 28, 2020, Friday.
Nagliligpit na kami ng aming mga gamit nang bigla akong siniko sa tagiliran ni Steff.
Magkasama kami sa iisang kuwarto samantalang sina Hansen at Ezail naman ang magkasama. Nakapagtataka nga at bakit pumayag sila na mag-share sa iisang kuwarto gayong mukhang hindi naman talaga sila close. Si Hansen ang nag-insist na mag-share sila ng kuwarto ni Ezail, nagulat nga ako at pumayag naman si Ezail kahit na matalim ang tinginan nila sa isa't isa.
Pakiramdam ko talaga ay nakapag-usap na sila noon nang hindi ko alam.
"Lalim ng iniisip mo, ah?" pang-aasar sa akin ni Steff. Muli niya akong siniko sa tagiliran kaya naman sa pagkakataong ito ay gumanti ako. Siniko ko rin siya na kanyang ikinatawa.
"Kanina ka pa siko nang siko sa akin." Sa pagkakataong ito ay pabiro ko naman siyang kinurot sa kanyang tagiliran.
"Nag-aalala ka ba na baka gumagawa na ng bromance sina Kuya at Hansen?" natatawa niyang tanong sa akin na ikinakunot ng aking noo.
Bromance?
Kinuha ko ang isang unan sa aking kama at inihampas iyon sa kanya. "Bromance ka d'yan! Hindi mo ba napapansin na parang magkaaway sila?"
Hinimas niya ang kanyang baba gamit ang kanyang hinlalaki at hintuturo. "Pansin ko nga rin 'yon. Pero what if may LQ lang sila ni Kuya?"
Inirapan ko na lamang siya.
Hindi ko talaga alam kung saan nakukuha ni Steff ang mga pinagsasasabi niya. Nasobrahan na siguro siya kapapanood ng series at movies.
"Alam mo naging weird silang dalawa magmula noong nagkausap sila noon."
Agad akong natigilan sa sinabi niya.
So nagkausap na talaga sila noon.
"Kailan?" tanong ko. Patuloy akong nagligpit ng aking mga gamit habang hinihintay ang magiging sagot ni Steff.
"Noong May? Noong naglaro kayo ni Hansen tapos nakita mo ako."
Muli akong natigilan.
Noong May? Noong naglaro kami ni Hansen at nakita ko si Steff?
Tinigilan ko ang aking ginagawa at tiningnan si Steff. "Noong May 20?"
Nangunot ang kanyang noo at napaisip niya. "Hindi ko na matandaan basta May 'yon." Saglit pa siyang nag-isip. "Kasama ko si Kuya that time. Nauna nga siyang umalis sa akin. Sabi rin niya nakasalubong ka raw niya."
Nakasalubong ako ni Ezail noong araw na 'yon? So siya 'yong lalaking nabangga ko noong araw na 'yon?!
Nakalolokong ngumisi si Steff. "Hindi pa ba niya nasabi sa'yo? Na-love at first sight daw siya sa 'yo kaya binayaran niya ako para i-set up ka sa isang date kasama siya."
Hindi na ako nagulat sa sinabi ni Steff dahil halata at alam ko naman na gumawa talaga ng paraan si Ezail para mapapalapit sa akin, kaya lang ay may bumabagabag talaga sa akin tungkol sa pag-uusap nila ni Hansen.
"Anong pinag-usapan nila?" hindi ko na napigilan pa ang aking sarili na mapatanong.
Nagkibit-balikat si Steff. "Hindi ko alam, hindi ko naman narinig."
Magtatanong pa sana ako kay Steff nang may biglang kumatok sa aming pinto. Lumapit naman si Steff sa pinto at binuksan iyon.
"Guys, okay na ba kayo? Check out na ba tayo?" tanong sa amin ni Hansen pagkabukas ni Steff ng pinto.
BINABASA MO ANG
Every Friday
RomanceYves Samara Valencia was forced to marry Spencer Ezail Fulgencio, but that doesn't end with that. Their parents also forced them to spend time together every Friday night. That's why for Yves, Friday is a hell day. It seems like Friday is an unlucky...
