Chapter 17: Sapphire blue dress

72 3 0
                                    

YVES

Lumabas muna ako sa aking kuwarto at sinagot ang tawag ni Steff.

"Hello, Steff?" matamlay at wala sa sarili kong bungad sa kanyang tawag.

Sa totoo lang ay hinihiling ko talaga sa mga pagkakataon na ito na tumatawag siya hindi dahil sa Kuya niya. Baka mabaliw na talaga ako kapag pati ba naman ang tawag na ito ay tungkol pa kay Ezail.

"Let's go shopping tomorrow," agad niyang sagot mula sa kabilang linya.

Bahagyan napataas ang aking kilay kasabay ng pagluwag ng aking paghinga.

Finally, hindi na tungkol kay Ezail.

"What time?" I asked her.

"Ano oras ka ba free?" malungkot at walang gana niyang tanong mula sa kabilang linya.

I don't know kung anong mayroon, pero feeling ko ay may problema rin 'tong si Steff. Sa tuwing nag-aaya kasi siya mag-shopping ay tinatanong niya muna kung free ba ako o kung busy ba ako, pero ngayon kasi ay hindi niya na ako tinanong at basta na lang niya akong inaya kaagad.

Tuwing inaaya niya rin ako mag-shopping ay lagi siyang masaya, kaya sigurado talaga akong maski si Steff ngayon ay problemado rin.

Problemado gang yata kaming magkakaibigan.

"Wala naman akong meetings tomorrow."

Saglit siyang napatahimik sa kabilang linya bago siya sumagot. "How about mag-lunch tayo by twelve, then let's go shopping after that?"

"Sure, I would love that." Agad akong sumang-ayon sa gusto niya. "Saan tayo magkikita?"

"I'll send you the location na lang."

"Okay," tipid kong sagot.

Hinintay ko pa siyang magsalita ngunit natahimik na talaga siya. Napababa tuloy ako sa aking cellphone at napakunot ang aking noo nang makita kong hindi niya pa binababa ang tawag.

"Steff." Muli kong ibinalik ang cellphone sa tapat ng aking tainga. "May problema ba?"

Ilang segundo pa ang lumipas bago siya nakasagot. "Bukas na lang natin pag-usapan. Good night."

Hindi na ako nakapagsalita pa dahil ibinaba niya na kaagad ang tawag matapos siyang mag-good night sa akin.

Sabay-sabay naman yata kaming nagkaroon ng problema ngayon?

Napabuntong-hininga na lamang ako bago ako muling pumasok sa aking kuwarto.

Pagkapasok ko ay naabutan ko si Hansen na tutok na tutok pa rin sa panonood ng movie na pinapanood namin kanina.

Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa kanya at naupo sa kanyang tabi.

Hinintay ko siyang magsalita o magtanong pero wala. Masyado yata siyang naka-focus sa movie para kausapin o tanungin ako.

Mabuti na rin 'to, ayoko naman na pag-usapan ang tungkol kay Ezail.

Kinuha ko ang cup noodles sa aking tabi at muling kumain at nanood ng movie.

"So ano na? Do you like him ba? Did you accept the proposal?" sunod-sunod niyang tanong dahilan upang halos mabulunan ako sa kinakain ko.

Hindi ko inasahan ang biglaan niyang pagtatanong sa akin at pakiramdam ko nga ay muntik pang lumabas sa ilong ko ang noodles na kinakain ko.

"Oh, tubig," natatawa niyang sabi at iniabot sa akin ang isang bukas na bottled water.

Kinuha ko naman iyon at uminom muna bago ako nag-react sa mga tanong niya.

Every FridayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon