Chapter 23: Late night drive

160 4 4
                                        

YVES

I texted Hansen and explained everything to him. Kung may isang bagay man ako na ayaw na mangyari, 'yon ay ang magkaroon kami ng misunderstandings na maaaring mauwi sa pagkakaroon ng lamat sa friendship namin, or worse, maulit ang dati.

Matalik kong kaibigan si Hansen, at ayaw ko nang maulit ang nangyari noon. Kahit din naman sa pagitan namin ni Steff ay ayaw na ayaw kong nagkakaroon kami ng mga hindi pagkakaunawaan.

Nawala ang lahat ng kaba at pangamba ko nang mag-reply na sa akin si Hansen.

'It's fine. I'm sorry nga rin pala kanina. I think I've overreacted.'

Nakahinga ako nang maluwag nang dahil sa kanyang sinabi.

Nag-text pa siya sa akin at ipinaliwanag niyang ang babaeng kasama niya kanina ay ang babaeng gustong ipakasal sa kanya ng kanyang pamilya. Napilitan lang naman din daw siyang siputin ang babae dahil pinipilit lang daw siya ng kanyang mga magulang.

"Ano ba kayo?" Napalingon ako kay Ezail nang magsalita siya.

Napansin ko rin na nakapako ang kanyang mga mata sa screen ng aking cellphone imbes na sa daan.

"Tumingin ka nga sa daan. Mamaya maaksidente pa tayo." Agad kong tinakpan ang aking cellphone. "Saka 'wag ka ngang chismoso!"

Ngumiwi naman siya at ibinalik na ang kanyang tingin sa daan. "Kung makapag-explain ka naman sa kanya para namang siya ang boyfriend mo."

"Nagpapaliwanag lang ako dahil ayokong magkaroon ng misunderstandings sa pagitan namin. Gagawin ko rin naman 'to kahit na si steff ang nakakita sa atin."

"You owe him no explanation, Yves." Natigilan ako sa kanyang sinabi. "Hindi ka na bata at hindi na rin siya bata. Alam n'yo na ang mga ginagawa n'yo sa buhay, hindi n'yo na kailangan pang magpaliwanag sa isa't isa. Isa pa, magkaibigan lang naman kayo 'di ba? Then, ano ang karapatan niyang magalit nang ganoon?"

Hindi pa rin ako makaimik sa kanyang sinabi.

I get his point. Oo nga naman, hindi naman namin kailangang magpaliwanag sa isa't isa dahil malalaki naman na kami at may mga sariling buhay, pero ayoko lang talagang magkaroon ng lamat ang friendship namin ni Hansen. Ngayon ko nga lang siya nakitang mag-react nang ganoon sa loob ng ilang taon naming pagkakaibigan.

Ayoko lang din talagang maulit ang nangyari dati lalo na't matalik kong kaibigan si Hansen. Masakit mawalan ng isang kaibigan na hindi mo alam ang rason kung bakit ba siya biglaang umalis sa buhay mo. Ang mas masakit pa sa nangyari noon ay umalis siya ng walang paalam at binura niya ako sa buhay niya na para bang wala lang 'yong ilang taon naming friendship.

Natatakot lang naman ako na maulit ang nangyari noon.

Hindi na kami nag-imikan ni Ezail hanggang sa makarating na kami sa tapat ng bahay na inuuwian ko. Ni hindi ko na nga rin binuksan pa ulit ang cellphone ko. Naguguluhan na nga rin ako sa sarili ko lalo na sa nararamdaman ko. Ayaw ko kasing magkaroon ng misunderstandings sa pagitan namin ni Hansen, pero bakit ba parang mas ayaw kong magkaroon ng misunderstandings sa pagitan namin ni Ezail? Ang gulo ko naman.

"T-thank you," mahina kong wika at akma ko na sanang tatanggalin ang aking seatbelt nang biglang lumapit sa akin si Ezail at siya na mismo ang nagtanggal ng seatbelt para sa akin.

Pigil na pigil ang paghinga ko habang ginagawa niya 'yon, at halos makuryente ako nang magtama ang aming balat.

Pag-angat niya ng kanyang ulo ay wala nang isang dangkal ang layo ng aming mukha mula sa isa't isa. Sa mga pagkakataong iyon ay nakalimutan ko na yata kung papaano huminga. Hindi ko na rin alam kung ano pa ba ang dapat kong sabihin o gawin dahil pati ang utak ko ay nakalimutan na yatang gumana at napuno na rin yata ito ng mga ulap.

Every FridayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon