Chapter 21: Necklace

147 5 3
                                        

YVES

September 04, 2020

Kanina pa ako hindi mapakali at panay ang tingin ko sa aking cellphone. Hinihintay ko ang pag-text ng isang taong alam kong imposibleng mag-text sa akin dahil alam kong wala siyang number ko.

Pero puwede naman niyang hingin kay Steff yong number ko 'di ba?

Kainis naman kasi! Ang sabi niya sa akin ay magkita raw kami next Friday, which is ngayon. Tapos ngayon ni wala man lang siyang message o kung ano man kung saan kami magkikita?

Bakit pa ba kasi ako naghihintay sa kanya?

"This is for the better." Napabuntong-hininga na lamang ako at pinasadahan ng tingin ang aking sarili sa harap ng salamin.

Black fitted t-shirt na naka-tuck in sa suot kong denim jeans. White rubber shoes and a simple watch to match my outfit.

Okay na 'to, ito na ang pinakasimpleng damit na mayroon ako.

Kinuha ko na ang aking itim na saddle bag na nakapatong sa aking kama at lumabas na ako ng bahay.

Kaysa sayangin ko ang oras ko kahihintay sa kanya ay pupunta na lang ako sa orphanage para tumulong. Mas mainam pa 'yon dahil hindi masasayang ang oras ko sa walang kuwentang bagay.

Bakit ko pa nga ba kasi siya hinihintay? Bakit pa ako umaasa na magkikita talaga kami ngayong Friday gayong wala naman akong natanggap na mensahe mula sa kanya nitong nakararaang araw? Ni pag-uwi na pag-uwi ko nga sa Pilipinas ay wala man lang din akong natanggap na kahit na anong mensahe mula sa kanya. At higit sa lahat, bakit nga ba parang gusto ko siyang makita?

"Ah, isosoli ko nga pala ang relo niya," bulong ko sa aking sarili pagkaupo ko sa backseat ng aking kotse.

Isosoli ang relo niya? Psh, sino ba naman ang niloloko ko? Sarili ko?

Nababaliw na yata ako, lalo na't alam ko sa sarili ko na hindi ko siya gustong makita para lang ibalik sa kanya ang relo niya.

≫ ──── ≪•◦ ❈ ◦•≫ ──── ≪

Nagpaalam na ako sa mga bata pati na rin kay Sister Ann. Hindi kasi ako puwedeng magtagal ngayon dahil may mga bagay pa akong kailangang asikasuhin.

Habang naglalakad palabras ng orphanage ay nakatanggap ako ng tawag mula sa isang landline number.

Number yata namin 'to sa bahay.

"Hello?" bungad ko sa tawag.

"Ma'am? May bisita po kayong naghihintay rito sa bahay," sagot naman ng isang babae mula sa kabilang linya.

Napakamot naman ako sa aking ulo dahil hindi ko na alam kung papaaano ko pa ba isisingit sa oras ko ang pagbalik ulit sa bahay para puntahan ang kung sino mang bisita na 'to.

"Sino raw ho siya?" tanong ko. Binilisan ko na ang aking paglalakad palabas ng orphanage.

Kapag talaga si Hansen lang 'to na gusto na namang tumambay o makitulog sa bahay namin hinding-hindi ko talaga siya pupuntahan. Pero imposible namang si Hansen ang bisita sa bahay namin, hindi na nga 'yon bisita kapag pumupunta sa amin dahil lagi na siyang feel at home, saka isa pa, hindi naman mag-aabalang tumawag sa akin si Manang kung si Hansen lang naman ang pumunta sa bahay.

So, sino kaya?

"Spencer daw po ang pangalan."

Agad akong napahinto sa paglalakad nang marinig ko ang pangalan niya mula sa kabilang linya.

Saktong pagkakasabi at pagkakarinig ko sa pangalan niya ay nakalabas na ako sa orphanage at ang unang natagpuan ng aking mga mata ay ang puno kung saan kami nag-usap noong nakaraan.

Every FridayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon