Chapter 1: Friday

354 7 1
                                    

YVES

Pagkasara ng pinto ng aking sasakyan ay agad akong sumandal sa malambot na upuan ng backseat at napahilot sa aking sentido gamit ang aking mga daliri.

Napapikit ako at dinama ang bawat paghilot ko sa aking sumasakit na sentido. "Anything else on my schedule?" pagod at nababagot kong tanong sa aking secretary na kauupo lang sa passenger's seat.

"Just one more thing na lang po."

Napadilat naman ako sa kanyang sinabi.

One more thing pa?! I hope naman na hindi na ito something na mahirap gawin. I'm really having a bad day right now at masyado na akong pagod to deal with any other things.

The only thing na nga lang na gusto kong gawin ngayon ay ang magpahinga. Sana lang talaga ay hindi matagal itong huling gagawin ko para sa araw na ito.

"Ano pa ba ang gagawin ko?" naiinip kong tanong nang mapansin kong hindi sumasagot ang aking secretary.

Nakita ko ang pagyuko niya kasabay ng pagpipindot sa hawak niyang tablet. "It's Friday, ma'am."

I raised my eyebrow. and then it hit me.

Kinuha ko ang cellphone ko mula sa aking bag at binuksan ito.

November 24, Friday.

How could I forget about it? Friday na naman nga pala.

"'Yon na lang ba ang dapat kong gawin today?"

Nakita ko ang marahang pagtango ng aking secretary. "Yes, ma'am."

Muli kong isinandal ang aking ulo sa headrest ng upuan at ipinako ang aking tingin sa labas ng bintana. "Okay, pumunta na tayo."

At matapos no'n ay naramdaman ko na ang pagtakbo ng sinasakyan kong kotse.

≫ ──── ≪•◦ ❈ ◦•≫ ──── ≪

"Good evening, Mrs. Fulgencio," bati sa akin ng housemaids sa bahay ni Ezail.

Bahagya pa nilang iniyuko ang kanilang mga ulo ngunit tanging ngiti na lamang ang naisukli ko sa kanila dulot ng matindi kong pagod.

Another thing, ayoko talagang tinatawag akong Mrs. Fulgencio dahil naiirita ako. I don't really like that title, and I'd rather be called by my second name than that stupid title or whatever. Pero ano pa nga ba ang magagawa ko? This is reality at wala akong choice.

"Naghihintay na po siya," magalang na wika ng head maid at sinamahan ako patungo sa dining room.

Pagkapasok ko sa dining room ay iniwan niya na akong mag-isa at doon ko rin nakita si Ezail na tahimik na nakaupo at naghihintay sa tapat ng hapag.

Saglit siyang tumingin sa kanyang suot na relo bago niya ibinalik ang kanyang tingin sa akin. "You're ten minutes late."

Hindi ko na lamang pinansin ang kanyang sinabi at naglakad na ako sa nag-iisang upuan sa kanyang tapat.

"Let's eat," tipid at malamig kong sabi pagkaupo ko.

Napansin ko naman ang marahan niyang pagtango kasabay ng paghawak niya sa kanyang mga kubyertos.

Hindi na kami nag-imikan at nagsimula na kaming kumain.

It's been almost three years since I married Ezail, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sanay sa bagong apelyidong ikinakabit sa pangalan ko na halos lagi kong napapagbaliktad ang pag-spelling, at mas lalong hindi pa rin ako sanay sa ganitong routine namin.

I did not marry him because of love or money. I married him because we were forced to do so, and even this simple dinner was also forced.

I never wanted to spend my precious Friday evenings with him, kaya lang ay wala akong choice.

Every FridayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon