04

352 9 0
                                    

04: Steps

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako kakagawa ng plates ko. Mabuti nalang hindi ko nagusutan o nalagyan ng ink o nalawayan.

Nagising lang rin ako dahil sa tugtog ng gitara. Hindi siya maingay in fact ang ganda ngang pakinggan.

“Sorry did I wake you up?” She asked.

Napaawang lang ang labi ko. Nakatitig na pala ako sa kanya. Tinanggal rin niya ang suot niyang headset.

She’s so…

“I’m sorry.”

“Ah hindi, nagising lang talaga ako,” sagot ko. Nakakahiya. Baka ang panget ko!

“Oh.”

“Tumugtog ka lang okay lang,” sabi ko nang ibinaba niya ang gitara niya. Nakita ko siyang ngumiti na ikakatunaw ko.

“It's alright,” sagot niya. “I'm done playing.”

Normal lang ba na pati kamay niya ay poganda rin? Especially when she runs her finger through her hair.

“What's wrong?”

Kapag si Casey matakot talaga sa akin hindi na ako magtataka kung bakit. Umiling ako at umiwas na ng tingin.

Napasapo rin ako sa dibdib ko dahil mabilis na tumitibok ang puso ko.

“Good morning,” sabi ko nang humarap ulit ako sa kanya.

Nakita kong kumunot ang noo niya.

“It's already night time though.” Natatawa niyang sabi. Even her laugh is handsome.

“Bagong gising kasi,” sagot ko. “Diba kapag ipikit mo mga mata mo madilim? so good night sasabihin mo kahit sa tanghali ka matulog. Kapag naman nagising ka kahit gabi na pero may ilaw, good morning.”

Wala talaga akong sense pero siguro ginagawa ko ‘to para mahuli ko siya? mapansin niya ako? I just hope she’ll find me cute.

“Ah haha.”

Hindi ko napigilan ang ngiti ko nang tumawa siya ng mahina. Normal pa ba ‘to kahit sa tawa niya kinikilig ako.

“Alright, good morning.” Nakangiti niyang sabi. Ang ngiti ko naman ang naglaho. Dahil natulala lang ako sa kanya.

“Oh? ano na naman?” Nagising lang ako nang magtanong siya ulit. Umuling lang ako.

“Then stop staring at me like that.”

“Ah sorry,” sagot ko at agad na umiwas ng tingin sa kanya.

“I told you earlier that I always prioritize my preferences. Just want to let you know I hate liars.”

Natigilan ako sandali sa sinabi niya. Kaya napalingon ulit ako sa kanya. Liar? Ako ba sinasabihan niya? O sinasabi lang niya?

“I know you go to Primston.”

I gulped at what she said. Para ring may bumara sa lalamunan ko. Alam niya? at pamilyar ba ako sa kanya? O nakita siguro niya akong nakasuot ng uniform? Bakit pa ba kasi ako nagsinungaling napapahiya tuloy ako ngayon dahil hindi ko rin madepensahan ang sarili ko.

“So…I won't pass as your friend?”

Sabi pa nga ni Scarlett masasaktan lang ako. Inuumpisahan ko pa ngalang magpapansin ng wala sila. Inuumpisahan ko pa nga lang ang sabi ni Elodia na gumawa ng move pero ito ang nangyari ngayon.

“I’m still deciding. Just don't let anybody know that we're in the same dormitory.”

Sa sobrang tahimik dito sa loob ay hindi ko alam kung tatawa rin ba ako dahil tumawa siya bigla ng mahina.

“I’m sorry it's not like you know me that well right?”

Kilalang kilala alaga kita. I know she's one of the grandchildren of Primston's president.

Kilalang kilala ko siya dahil crush ko siya.

“Well, good night Sarah.”

“Hindi ka ba nagugutom?”

“Ah…I’m not hungry. Just sleepy.”

Tumango ako bilang sagot. Gusto ko sana makisabay sa dinner. Pero sino lang ba ako? para yayain siya?

Huminga ako ng malalim at umayos ng upo.

How can I get her attention? Kung dito palang ramdam ko na talagang masasaktan ako. Kahit pala malapit na siya sa akin. Ang layo pa rin niyang abutin.

I’m completely out of her league.

Besides sabi nila she doesn't entertain suitors. Ako pa kaya? babae? baka bukas lumipat nalang siya dahil natakot sa akin.

Ang hirap palang umamin lalo na kung alam mong wala ka talagang pag-asa.

Tumayo ako at inayos na ang mga gamit ko. Hindi ko natapos ang plate ko. Marami pa akong gagawing iba. Pero anong oras na. Walang tulugan na naman ‘to.

Nang humarap ako para sana lumabas ay nakita ko si Casey na bumaba mula sa higaan niya.

Ngumiti lang siya sa akin sandali at dumiretcho sa banyo. Ngiti lang naman ‘yon pero parang nilamon niya buong sistema ko.

Habang pababa ako ay nag-search ako.

How to build a connection with your crush.

Ito na nga sinusunod ko na ang sinasabi ni Elodia.

Eye contact

Ha? sisimulan ko sa pakikipagtitigan sa crush ko? hindi ko alam paano! Kapag nga napapatingin siya sa akin pakiramdam ko.

Friendly smile

Hindi ko nga alam paano talaga ngumiti na hindi nakakatakot.

Pero subukan ko. Eye contact kung magkakaroon ako ng opportunity. 1 and 2? game! Madali lang naman siguro?

Mas malapit na siya ngayon sa akin diba?


Captured by the beat (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon