17

280 9 0
                                    

17: Lips

I shut my eyes and slowly followed her lips while I slowly wrapped my arms around her nape. Where is this leading us? She's pulling me closer to her and I struggled to breath! I gently pushed her.

"Hindi ako makahinga," sabi ko.

"Yeah." 'Yon lang ang narinig ako sa kanya nang angkinin niya ulit ang labi ko.

Struggling to follow her lips. Teka dapat ko bang sundan ang kilos ng labi niya? Or just kiss her?

"Wag! Ano ba!"

Natigilan lang kami parehas nang biglang sumigaw si Max. Kinabahan pa ako dahil baka nakita niya kami! Mabuti nalang at nanaginip lang rin siya! Hinawi naman bigla ni Casey ang buhok ko na nasa leeg at balikat ko papunta sa likuran.

"Casey..." I called her name when she suddenly started kissing my neck.

"Hmm?" at hmm lang ang lumabas sa bibig niya.

Nakikiliti ako pero ayoko rin siyang tumigil. Parang ayoko na ring gumising sa panaginip na 'to!

"Casey..masakit." I said when I suddenly felt a sting. She's biting and sucking my skin! What is she doing!

Wait, no!

"Casey ayokong pumasok na may–"

Bigla niyang tinakpan ang labi ko. Tinanggal ko agad ang kamay niya. Magsasalita palang ako ulit nang angkinin niya na ulit ang labi ko.

"Sorry," sabi niya nang itulak ko ulit siya at napatakip ako ng bibig ko.

"I'm sorry.. Sarah." Mukhang nagising na rin naman siya. Tumingin pa ako sa study table ko at baka natutulog lang ako pero...hindi 'to panaginip. It's really happening. I did kiss her back pero alam kong hindi naman talaga ako humahalik dahil hindi ko naman alam paano.

Pero sana hindi niya isipin na humalik ako pabalik dahil lasing siya!

"I'm sorry...I..just. I'm sorry."

She kept saying sorry and my heart started to ache.

"Ah... gets ko naman na lasing ka lang. Okay lang," sagot ko at inayos ang buhok ko.

"Okay lang?" I looked at her because she sounded pissed. "What if it's a stranger who kissed you? Okay lang? O kahit si Max?"

"Ha?ew, no," sagot ko agad.

"Eh bakit okay lang?"

Teka pinapagalitan ba niya ako ngayon? Syempre kung iba ang humalik sa akin masasampal ko talaga! Ipapakulong ko pa nga eh!

"You're different." I answered. Don't make me say it again na crush kita! Please lang! Lasing ka lang naman eh!

"We should sleep now," sabi niya at agad namana akong tumango bilang sagot. Bukas makakalimutan na namin 'tong dalawa.

Kailangan ko lang matulog para umaga na agad.

"Good night," sabi niya.

"Ah good night," sagot ko.

Bago pa ako tumalikod ay hinawakan niya ako sa braso.

"Bakit?"

Please no more kissing. I shut my eyes when she bent down. I thought she's going to kiss me on the lips again, but she kissed me on my forehead.

I slowly opened my eyes and looked at her.

My heart is starting to race again. She was about to walk away when I stopped her. Ano bang tumatakbo sa isipan ko na hinila ko siya at hinalikan.

Now I'm thirsty...for her kiss.

Naramdaman kong natigilan siya sa ginawa ko pero agad kong naramdaman ang kamay niya sa likod ng leeg ko. Parang ginagabayan niya akong humalik gamit ang labi niya. 

Captured by the beat (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon