24: Pogi
Lilipat siya? Ibig sabihin malayo na naman siya sa akin? Ito na nga eh, malapit na ako sa crush ko tapos ngayon baco to zero lahat? Bakit siya aalis? Pagkatapos ng gabing iyon, iiwan niya ako? I know I don't have the right to say this because I also left her after she asked me to be her girlfriend.
"Bakit?" tanong ko at nabitawan ko pa ang mga bitbit ko.
"Ewan, naiingayan siguro sa 'tin eh," sagot ni Max. Nakatuon lang ang pansin niya sa pag-aayos ng mga gamit.
"Excuse me ma'am." Napalingon ako sa likuran ko at agad akong nagbigay ng daan sa mga ewan, driver niya siguro o katulong niya? Dahil sa uniform nila.
Natataranta na ako. Kung malayo siya paano ako? Kung hindi ko na siya makikita araw-araw. Babalik na naman ako sa mga araw na hinihintay ko siya palagi sa University para makita lang. Nang makaalis ang mga lalaki ay bigla nalang tumulo ang mga luha ko. Hindi pa nga siya nakakalabas dahil may inaayos pa siya.
"Basta, chat me when you need me," sabi ni Max. "Wag kang makakalimot. Kasi ako mamimiss kita, payakap nga."
"Shut up Max, it's not like I'm going to leave this planet," sagot ni Casey.
Pinunasan ko agad ang luha ko dahil ayokong makita nila akong dalawang umiiyak. Kinuha ko nalang ang mga pinamili ko at dumiretcho sa study table ko. Why is she leaving? Why?! Hinintay ko ang araw na 'to na makasama ko siya tapos aalis siya?
She asked me and I— wasted it so...kasalanan ko rin!
"Oy, magsalita ka naman diyan Princess, ikaw ah wag mo akong iwan. Bumalik pa ako dito tapos iiwan niyo lang." Rinig kong sabi ni Max at hindi ko lang siya pinansin.
"'I'll go now." I froze when I heard Casey's voice.
"Sige ingat ka, Princess?"
"Yeah, mag-ingat rin kayo."
Pumikit ako ng mariin. Hindi ako makahinga dahil sa pinipilit kong pigilan ang iyak ko. Hindi pa nga kami nagkakausap at aalis siya. Paano kung hindi ko na siya makausap ulit?
"Oy Princess ayos ka lang?"
Humarap na ako nang may humawak sa braso ko at si Max 'yon. Akala ko nakaalis na si Casey pero nakatingin lang rin siya sa akin ngayon. Hindi ko na napigilang umiyak at hindi ko na rin napigilan ang mga hikbi ko.
"Oy...wala akong ginawa.." Humakbang paatras si Max. Nagulat ko pa siya.
"Ba't ka aalis?" tanong ko kay Casey at kahit nahihiya akong tumingin sa kanya pabalik ay ginawa ko.
"Why are you crying?" She did not answer the question. Ang feeling ko naman ulit kung iisipin kong aalis lang siya dahil sa akin.
I remained silent. I don't want her to go like this.
"I'm going to live in my own place now, that's why."
"Bakit?"
"Why are you crying first?"
"Tumakbo ako non kasi nahihiya ako. Hindi kita sinagot agad dahil nabigla ako. Pero gustong gusto ko talagang maging girlfriend mo, crush na crush kita noon pa."
I might sound corny but I don't care.
"What are you talking about?"
I froze. Hindi niya alam? Oh thank you! Hindi ko napigilan ang sarili ko na mas lalo pang umiyak. Bahala na mapahiya ako sa kanilang dalawa.
"I'm just kidding." She reached for my hand and pulled me closer for a hug.
"Hush now..."
"Girlfriend? Sabi ko na eh! Bading kayong dalawa!" sigaw ni Max pero hindi ko siya mabigyan ng atensyon ngayon lalo na't niyayakap ako ni Casey.
"If you're just shy..." I heard her chuckle. "Why do you have to run away?"
Hindi ko sinagot ang tanong niya basta ang alam ko lang nahihiya ako nong gabing 'yon. Ibig sabihin alam niya lahat ng mga pinaggagawa namin.
"You made me the delulu guy." Pabulong niyang sabi. Sakto lang na maririnig ko. Umiwas ako sa yakap at tumingin muna ako kay Max. Itinaas naman niya bigla ang magkabilang kamay.
"Ah sige, kayo na muna. Basta chika niyo ako mamaya," sabi niya at lumabas ng kwarto. Nakahinga naman ako ng maluwag. Inangat ko ang tingin ko kay Casey pero agad rin akong yumuko at yinakap siya. Nahiya ako bigla sa mukha ko.
"I thought I was just delusioning things." She said in a soft voice. "Na baka hindi pala ako tama. Hindi mo pala ako gusto."
I stepped backward and tucked my hair behind my ear.
"Nahihiya lang ako dahil napapansin mo pala ako non. Ang adik ko kayang tignan." Halos pabulong ko ng sabi at narinig ko lang siyang tumawag ng mahina.
"Oh my cute stalker," sabi niya at bigla niyang ginulo ang buhok ko.
"Hindi ako stalker 'no!" sigaw ko sa kanya na parang bata.
Siguro nga hindi, slight lang.
"Fine. Kaya pala kahit ilang years na ang post ko na-like mo pa rin kaka-scroll," sabi niya na ikinatigil ko sandali.
"Ha? Hindi kaya kita ini-stalk," sabi ko. Siguro? Oo na, halata na ako!
"Pero bakit ka umiiyak?"
"Kasi nga..." Hindi ko pa pala nasagot ang tanong niya? Kulang pa ba 'yon?!
"Ikaw nga pinahiya mo ako," sabi niya kaya agad akong napatitig sa mga mata niya na nakatitig sa akin kanina pa. "You just ran and you didn't even say a word. I thought I was creepy, and I did scare you."
"Nagulat kasi ako tsaka, babae ako... hindi ka naman pumapatol sa babae diba?"
"How about you?"
"Kung ikaw."
Okay ilalaban ko na 'to at baka mabawi pa sa akin.
"Kung ako? Tss."
Kumunot ang noo ko nong tumaas ang sulok ng labi niya at umiling.
"You can't seem to keep your eyes on me alone. I've noticed you constantly staring at my best friend."
"Best friend?"
She walked closer to me and bent down.
"Kirsten."
"Ha? Hindi ah." I answered.
I was stunned to speak when she asked a question again.
"Sino mas pogi? Ako o siya?"
–
fb: @lisnaej