38

307 5 0
                                    

38: Run

“Gir–girlfriend? Anak?” Napatitig lang ako kay mama at pakiramdam ko ay babagsak ako sa kinatatayuan ko. Hindi namin ‘to napagusapan.

“Ah–ma–pa–” Hindi ko alam ang sasabihin ko. Napahawak ako sa kamay ni Casey pero binitawan niya ito at pumunta sa harapan ko. Hinarap niya sila mama at papa. Baka saktan siya ni papa! Ano bang ginagawa niya!

“Sir, ma’am alam ko pong kailangan ko po munang hingin ang mga kamay niyo bago ang kamay ng anak niyo…pero totoo po itong nararamdaman ko, she’s not just my girlfriend, she’s also my life.”

Natulala ako sandali sa sinabi niya. Life? I’m her life? Nanaginip ba ako? Baka kailangan ko ng sampal? Kailangan ko ng magising?

“Pinapangako ko pong aalagaan ko siya. Hindi ko po siya papabayaan.”

What?! Ano bang ginagawa niya. Kinakabahan na ako at baka masampal siya ni mama.

“Alam ko pong baka hindi po ako ang taong gusto niyong makasama niya habang buhay. Pero kung kailangan man araw-araw papatunayan ko po sayo na I also deserve your daughter.”

“Habang buhay? Bakit papakasalan mo na ba anak namin?” tanong ni papa at tuluyan na akong kinabahan ng bongga.

Pakiramdam ko ay mahihimatay na ako.

“Hindi po ngayon, siguro po after graduation?”

Naubo ako sa sinabi ni Casey. Ano?

“Haha.” Natulala ako sandali nang tumawa sila mama at papa. “Eh kukunin mo na pala sa amin ang anak namin.”

Parang hihimatayin na ako dito, wala kami pinag-usapang ganito.

“Totoo ba ito anak?” tanong ni mama sa akin.

Tumingin ako kay Casey at nagtama lang ang aming mga mata. Mamaya ka talaga sa akin.

“O–opo ma,” sagot ko. “Sorry po.”

“What are you sorry for?” tanong ni papa. “Sa kanya ka magsorry, sabi mo kaibigan, hindi mo ba nasaktan ang damdamin nitong girlfriend mo?”

“Naku, kailangan ko talagang maghanda ng pagkain!” sabi ni mama.

“Okay lang po sainyo?” tanong ko at natigilan silang dalawa.

“Bakit naman hindi anak? Eh buhay mo iyan. Ang gusto lang naman namin eh ay magtapos ka. Lumaki kang mabait at matulungin. Pero sana rin anak lumaki ka ring hindi kami kinakalimutan.” Nakangiting sabi ni mama at yinakap niya ako.

Natulala ako sandali dahil hindi naman kami ganito. Kaya nga hindi rin ako umuuwi madalas.

“Maghahanda lang ako ng pagkain, magpahinga muna kayo,” sabi ni mama at tumango ako bilang sagot. Niyakap ko rin si papa.

“Mag-usap tayo mamaya ah,” sabi ni papa at hinawakan niya ang balikat ni Casey.

Ito pala ang sinasabi niyang kinakabahan siya, hindi niya ako sinabihan. I was caught off guard! Hinila ko agad siya at dumiretcho kami sa kwarto ko. Mabuti nalang dahil nililinis talaga ‘to ni mama palagi. Maliit lang siya pero maganda.

“Casey naman!” sigaw ko agad pagkasara ko ng pinto.

“What?”

“Hindi mo sinabi sa akin na magpapakilala ka–”

“As your girlfriend?”

Tumango ako bilang sagot.

“Syempre…I don’t want to be around them, walking guilty,” sabi niya. “Tapos magpapaalam tayo na aalis.”

Captured by the beat (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon