20: Song
"Before we start with the music, I would like to give this friend of mine a chance to perform here tonight and let her feelings be heard!"
Parehas kaming napaiwas ng tingin at napalingon sa stage. Hindi ko alam kung ito ba ang host ngayon. Napalingon naman ako Casey na bigla nalang tumayo at lumakad palayo. Teka! Parang galit siya sa akin!
Sa totoo lang pinilit kung kalimutan ang nangyari nong gabing 'yon. Ayoko ng isipin dahil hindi naman niya ako girlfriend. Ako lang naman 'tong may gusto sa kanya at minamahal na nga siya. Hinalikan lang niya ako kagabi dahil alam kong lasing lang siya.
Galit ba siya? Ibig sabihin hindi na kami pwedeng maging kaibigan pagkatapos non? I ruined everything? Pakiramdam ko nga wala pa ako talagang ginagawa tapos ngayon hindi ko na siya pwedeng maging kaibigan?
Tumayo ako para sana sundan siya pero agad siyang nawala.
Maiiyak na ako baka iwan niya ako dito!
Tumigil lang ako sa paglalakad nang may narinig akong tugtog ng gitara sa stage. I inhaled deeply as I saw her on the stage playing with her guitar.
"The things she does to catch my eyes
The way her friends tease her every time
The way she looks away when I look back
She doesn't know, i've known for a long time"
Sinundan ko ang mga mata niya dahil parang may hinahanap siya. May inaalayan ba siya ng kanta? Tapos gusto niya ng comment ko?
"She's unaware of how observant I can be,
funny how I only want her to look at me
And then it hit me,
I might just have fallen for a girl
who's been admiring me from afar"
I stopped when our eyes met. Akala ko iiwas agad siya ng tingin sa akin pero nanatili lang siyang nakatingin sa akin. Hindi ko magawang umiwas ng tingin dahil para na akong naging yelo sa kinatatayuan ko.
She smiled at me! Panaginip ba 'to? Napalingon ako sa paligid at bakit parang nasa akin rin ang atensyon nila?
"Others call it a mere imagination,
But they don't see the way you look at me.
Whispering three words, thinking I can't hear,
I know it, every subtle signs i feel it."
Hindi naman sa nagiging feeling akong tao. Pero bakit ramdam ko bawat salita ng kanta niya?
"You're someone who has a heart for me and might feel the same as you do."
I breathed a sigh of relief when she stopped singing. Umiwas ako ng tingin sa kanya nang bumaba siya ng stage.
Saan siya pupunta ngayon? at ano ba hanggang dito nalang ba ako? Wala ba akong balak bumalik sa table ko?
Napaigtad ako dahil sa gulat nang mapagtanto kong nasa harapan ko na siya.
"Hi Sarah."
Ibig sabihin ba nito? Matagal na niya akong napapansin?
"Casey." Inabot niya ang kamay sa akin.
Natulala ako dahil naalala ko dati nagbibiruan kami ng mga kaibigan ko kunwari nagpapakilala na ako sa kanya. Posible bang nakuha talaga namin atensyon niya? Naririnig niya ako dati pa? OMG! Hindi ko kaya 'to.
" I'd like to explore the possibility of being in a relationship with you."
Hindi ko kaya 'to. Lahat ng mga ginawa ko? Pagpapansin? May iba pa ba akong hindi nalalaman? So, matagal na akong napapahiya sa kanya?
"I've really enjoyed the conversations we've had and the time we've spent together so far. Sa dormitory sa Kelly's burger. In my car."
She's a dream come true for me but I'm really embarrassed.
Nakakahiya mga ginawa ko.
"I never tried asking someone before..I'm scared but I'm willing to take the risk now, will you be my girlfriend?"
Kill me! O di kaya kaninin na ako mga lamesa at upuan ngayon.
"Hindi ko kaya," sabi ko at parehas kaming natigilan sandali. Napalingon ako sa mga tao at hindi ko rin alam kung ano ang nasa loob ng isipan nila.
"Ah it's...fine..I–" Hindi ko na siya pinatapos magsalita at tinakpan ko na ang mukha ko tapos tumakbo palayo.
"Sarah! Sarah, wait!"
Tuluyan akong bumaba at lumabas. Bahala na kung paano ako babalik. I'll just grab a taxi from here.
Ito na nga 'yon diba? Pero bakit ako nagkakaganito dahil lang sa nahihiya ako sa mga pinaggagawa ko. I need my friends. I really need them now.
"Oh napatawag ka? Patulog na ako?" I breathed a sigh of relief when Scarlett quickly answered my call.
"I need you guys!" sigaw ko.
"Ha? Bakit? Anong nangyayari sayo!" I can hear the panic from her voice.
"It's about Casey," sabi ko.
"Hay naku, crush mo na naman? Pwede bang bukas na? Bakit? Niyaya ka na bang maging girlfriend? Eh hindi ka nga kilala!"
"No, may dapat kayong malaman. Pupunta ako sainyo, call Elodia."
"Geez girl, chill. Sige. Bilisan mo dahil inaantok na ako!"
Pinatay ko na ang tawag at agad na nagpabook ng taxi.
"Sarah!"
Nataranta ako nang marinig ang boses ni Casey.
"Sarah!"
Lalakad na sana ako palayo nang mahabol niya ako at hawakan sa braso.
"I'm sorry...maybe this is creepy or what. I'm sorry. Please don't walk away like this."
Hindi ko talaga alam ang sasabihin ko. Nagugulat lang ba ako?
"Sarah please...talk."
Nang dumating na ang taxi ay hinablot ko na ang braso ko at sumakay agad. Hindi na rin niya ako kinulit. Napasapo ako sa aking noo. Ano ba ang nangyayari ngayon?
–
CASEY'S SONG: https://youtu.be/wTH2LVubvMw?si=Kgupakzeh4kTmB3A (Youtube: @lisnaej9114/Lisnaej)
Lyrics by: Lisnaej / IEL
Music by: IEL
Singer: IEL