07: Smile
Smile. Friendly smile. Paano ko ba ibibigay sa kanya ang ngiti ko? Kung failed naman ako nong eye contact. Ayoko na pero naumpisahan ko na.
Bakit kasi sa dami ng lalaki sa mundo ay nahulog ako sa babae? bakit sa kanya pa? Sa kanya pa na alam ko namang imposible kong makuha.
“Oy Princess Sarah!”
Pagkapasok ko ng dormitory namin ay nakita ko agad si Max.
“Oh Max? kakauwi mo lang?” tanong ko.
“Hindi, paalis palang ako. sama ka?”
“Gabi na, saan?” tanong ko.
“Sa party fun? tara?” Nakangiti niyang tanong. Natawa ako ng mahina.
“Gusto ko sana kaso may tatapusin pa akong plates eh,” sagot ko.
“Ay mamaya na ‘yan, haha.”
“Don't be a bad influence Max.”
Natigilan kami parehas nang may biglang nagsalita sa likuran niya. Si Casey! Napasapo agad ako sa dibdib ko dahil sa sobrang bilis na pagtibok ng puso ko.
“I’m just inviting her,” sagot ni Max. “Well, bye! Tapos Casey? wag ka maging boring masiyado.”
“Boring? tss…your ass.”
Did I just see her smirk? shems! ang pogi!
“Bye Princess,” sabi ni Max at tuluyan ng lumabas. Napalingon ako kay Casey at bigla eing tumaas ang sulok ng labi niya sa akin.
“Princess?”
Iba na talaga ang tama niya sa akin. Dahil kay Max wala lang namang epekto ang pagtawag niya sa akin ng prinsesa. Pero coming from Casey? kaya ko pa ba ‘to.
“Kakain ako,” sabi niya at lumakad na rin siya palayo. Doon lang ako nakahinga ng maluwag.
Agad akong umakyat at dumiretcho sa kwarto namin.
Naligo nalang agad ako at nag-ayos. Tapos diretcho na sa mga gagawin ko. Busog pa naman ako.
Tumigil lang ako nang may bumukas ng pinto at nakita ko si Casey. Hindi ko alam ang sasabihin ko pero ngiti Sarah. You have to give her your best friendly smile.
Not too gummy!
“Have you eaten?” She suddenly asked.
I’m not used to this.
“Ah busog pa ako,” sagot ko.
Tapos tumango lang siya sa akin. Dumiretcho siya sa study table niya at binuksan ang laptop niya.
This is so magical.
Ang lapit ko na sana.
Pero malayo pa rin.
Smiling is one of the ways to show interest but instead of making her interested in me I might scare her.
“Ay!” sigaw ko nang masagi ko ang mga markers ko.
Isa-isa ko silang pinulot agad. Natigilan ako sandali nang biglang napunta ang isang marker sa ilalim ng upuan niya.
Napatingin naman ako sa kanya ay nakasuot na siya ng headset.
Tumayo ako at binalik na ang ibang markers sa lagayan.
“Ah…Excuse me.”
Kung lumapit kaya ako? Napabuntong hininga ako.
“Excuse me…” Lumakad ako palapit pero tumigil rin ako. Bakit kailangan ko pa siyang istorbohin kung kaya ko namang kunin nalang.
Dahan-dahan akong lumakad palapit at agad na lumuhod.
Aabutin ko na sana ang marker ko sa ilalim nang bigla siyang tumayo.
“What are you doing?” Napaangat ang tingin ko sa kanya. She also took her headset off.
“Ah ano…nahulog kasi markers ko tapos napunta sa ilalim ng upuan mo yong isa,” sabi ko at ngumiti.
Start with a small smile.
Smile pa? eh nakakahiya ka na nga Sarah.
“Ah..oh.”
Binuhat naman niya ang upuan at agad kong kinuha ang marker ko tapos tumayo.
“Sinabihan mo sana ako,” sabi niya.
“Ah sorry,” sabi ko.
“You're acting weird.”
Natigilan ako sandali sa sinabi niya pero tumawa rin siya agad.
Weird ba ako?
“I mean in a cute way.”
Does she find me cute?
“Wait, are you okay?”
Hindi ko na alam kung paano pa ako kikilos ngayon. Tuluyan na akong naging yelo nang ilagay niya ang kamay niya sa noo ko.
“You’re red.”
Agad kong hinawi ang kamay niya at tumalikod. Huminga ako ng malalim bago magsalita ulit.
“Or…are you blushing?”
Pwede na akong lamunin ng sahig namin ngayon!
–