27: Babe
I went to Scarlett's place para sabay na kaming maghanda para sa acquaintance party. Siya kasi magaling sa amin with make up kesa gumastos pa kami ng make up artist. Pero alam ko namang afford nila at ako lang kasi ang nagtitipid sa kanila.
"Sabi ko sainyo diba, ang bilis lang ng panahon ngayon iniisip natin ay acquaintance party sa mga susunod na araw ay awit sayaw na, intramurals tapos midterm exams na." Nakangiting sabi ni Scarlett habang naglalagay siya ng eyeshadow sa akin.
We bought the same vintage dresses, sakto lang naman sa black and white ball theme. It's a monochrome party. Matagal na namin 'tong plano nabusy lang talaga ako kay Casey.
Pati make up ay parehas rin kaming tatlo. Magugulat nalang talaga siguro ang lahat at tatlong ako ang makita nila. Natatawa lang kami sa mga sarili namin. Si Scarlett kasi palaging gustong extra sa party.
For the make up, we opted for a nude monochrome look.
"Ang ganda niyo!" sigaw ni Elodia.
"Mas maganda kayo," sabi ko.
"Hindi kayo ang maganda," sabi naman ni Scarlett at natawa kaming tatlo sa kalokohan namin.
"We could pass as triplets guys!" sabi ni Scarlett.
"Baka malito si Casey sa atin ah," sabi ni Elodia at agad ko siyang inirapan.
"Ang feeling niyo naman," sabi ko.
"Chill, sayo lang siya. Sayong sayo," sabi niya.
"Guys, may after party ah, wag kayong mawawala," sabi ni Scarlett.
Palagi namang may after party ang Architect students, madalas inuman pa 'yon. Mabuti may nakakalusot sa University, ewan nalang rin kung mahuli kami. Nang matapos kami ay nagpahatid kami sa daddy ni Scarlett papuntang University.
Same date lang ang acquaintance party naming lahat pero iba-iba lang kami ng ganap at venue. Sa architecture department ay sa building lang namin. May sarili kaming multipurpose room at doon lang lahat naka set up para sa party.
Nang maihatid kami ng daddy niya sa tapat mismo ng building namin, pumasok pa siya ng University. Agad kong binuksan ang sociant ko to message Casey.
Sarah: Nandito na po ako.
Pinatay ko naman agad ang phone ko dahil baka matanga ako dahil nakasuot ako ng heels. Pumasok na kami sa loob at sumakay lang ng elevator papunta sa mismong venue.
"Hi guys!" Binati agad kami ng mga kaklase namin pagkarating namin. Pati malalakas na tugtog sumalubong rin sa amin. Hinanap muna namin ang table namin. Gusto ko nga agad tumakas pagkatapos ng main program.
Para marinig siyang kumanta.
I opened my sociant and read her reply.
Casey: Nandito na rin po ako.
I changed our name on sociant from Sarah and Casey to Babe.
Casey: 😂
Sarah: Oh bakit?
Casey: Babe?
Sarah: oo bakit ang panget ba?
Casey: It's fine.
Sarah: :P eh di wag nalang.
Casey: I'm just kidding babe 😘
Gusto ko na siyang makita. Namimiss ko na siya eh. Bakit ba kasi kung kailan naging kami na ay doon naman siya lumipat. Hindi ko tuloy siya makita sa gabi, pero tinatawagan naman niya ako palagi.
Sarah sent a picture.
Nag-selfie ako at agad akong nagsend sa kanya.
Casey reacted wow to your photo.
Sarah: panget 'no?
Casey: maganda po 😣
Sarah: eh bat ganyan mukha ng emoji mo.
Casey: I miss you.
Muntik kong mahagis kay Elodia ang cellphone ko. Natawa kami parehas sa gulat. Mabuti nalang talaga mahigpit ang pagkahawak ko sa phone ko.
"Kinilig ka diyan? Grabe ka, hindi porket may jowa ka na hahagisan mo ako ng cellphone ah, maghintay ka lang kapag ako magkaroon ng jowa ngayon ihahagis ko sayo laptop ko!" sabi niya at inirapan niya ako ng pabiro.
"Sorry na," sabi ko.
"Anong nangyari sainyo?" tanong ni Scarlett. "Nagsisimula na ang program oh."
Umiling lang ako bilang sagot tapos binuksan ulit ang phone ko.
Sarah: ikaw ba yan?
Casey: huh?
Sarah: baka hindi ikaw si Casey ah, pakibalik na po sa kanya ang phone!
Casey: what? 😂you're being weird again, babe.
Pakiramdam ko ay namumula na ako dahil sa kilig. Hindi ako makahinga na parang ewan.
Casey: Anyway, can you stay at my place tonight?
Hala, ano gagawin namin charot.
Sarah: Eh nakakahiya.
Casey: huh? Eh ako lang naman ang nandon babe 😂you're being funny.
Sarah: Nakakahiya sayo.
Para na kaming ewan dito.
Casey: what? Bahala ka. I'll see you later.
Sarah: saan?
Casey: hmm outside your program's building? After the party?
Napatingin ako kayna Scarlett, hindi kasi kami lumiliban sa kahit anong after party eh. Magtatampo sila kapag hindi ako sumali ngayon.
Sarah: may after party pa kasi kami. Pwede bang pagkatapos nalang ng after party namin?
Casey: after party? Ano pa gagawin niyo?
Ba't ko pa sinabi sa kanya? Mamaya ay isumbong kami sa University President pero syempre hindi naman niya siguro sasabihin.
Sarah: Wala lang usap-usap ganon. Na wala na 'yong mga prof namin. Para alam mo na mas masaya. Dito lang naman kami sa building namin eh. Hindi naman ako magtatagal.
Ang dami kong sinabi.
Casey: ohh.. Okay.
Sarah: okay?
Casey: It seems like you don't want to be with me right away.
Sarah: ha? Hindi ganon. Ayoko kasing biguin mga friends ko.
Casey: I'm just kidding. 😂
Sarah: weh?
Casey: Yes babe, enjoy. I'll wait for you then. Just message me.
Napalingon ako kayna Scarlett na nakataas na pala ang mga kilay sa akin.
"Bakit?"
"Iba talaga kapag may girlfriend na," sabi ni Elodia at agad ko siyang tinitigan ng masama dahil baka may makarinig.
"Chill girl, busy na ang iba oh, tayo lang hindi nakikinig sa host," sabi niya.
Kasi naman kinakabahan tuloy ako kapag may makaalam. Sabi naman niya kung may magtanong don ko lang sabihin pero kung wala eh di wala. Pero sino ba ako? Para tanungan nila? Ibig sabihin ayaw niya muna na may makaalam.
Kaya kung sakaling may magtanong sa akin, hindi ko alam ang sasabhin ko.
–