10

317 7 0
                                    

10: Fever

I stretched my arms as I woke up by hearing Max’s voice. Agad akong napasilip sa ibaba.

“You sure you’re okay? pwede kitang bantayan.”

Agad akong napalingon kay Casey na nakahiga pa. Nakahawak rin siya sa noo niya. “Do you want me to call somebody?”

“No thanks. I’ll be alright,” sagot ni Casey kay Max. Anong nangyayari?

Napaupo tuloy ako at agad na inayos ang buhok ko. Nakita naman ako ni Max tapos uniling-iling siya sa akin. Hindi ko naman siya naintindihan.

“Nilalagnat si Cas,” sabi niya.

Natulala ako sandali. Nilalagnat siya?! Maayos naman siya kagabi ah. Hindi ko naman napansin na nanghihina siya. O baka hindi ko lang agad nakita?

She stayed longer outside. Who knows baka lumabas pa siya. Panay ulan pa naman ngayon at malamig ang panahon. Kung hindi umuulan, mainit naman masiyado.

“May class ka ba ngayon?” tanong ni Max sa akin.

“Wala,” sagot ko kahit meron.

I don't wanna leave her alone here.

“Sigurado? may quiz kasi kami tapos may group project pa kami na kaipangang planuhin.”

“You guys don't mind me. I’ll be fine.” Napalingon ako kay Camryn na ngayon ay nakaupo na.

“You're not okay dude. Princess ha?”

Tumango ako bilang sagot kay Max.

“May malapit na Health center dito. Hindi ko siya madadala don. Ikaw na muna bahala.”

“I said don't worry about me.”

Bumaba na rin siya mula sa higaan niya. Bumaba na rin ako para sana alalayan siya kaso nahiya ako agad.

“Anong fine? Princess ha tapos text mo nalang ako. Malalayo ang mga pamilya natin, tayo tayo lang ang meron ngayon para sa isa't isa.”

Huling sinabi ni Max bago siya lumabas ng tuluyan. Halata nga sa kanya na nagmamadali na siya.

“Tara?” tanong ko kay Cas pero bigla niyang pinitik ang noo ko.

“Liar. I know you have class. Thursday pa lang ngayon.”

I gulped at what she said.

“Wala akong class,” sagot ko.

“Gusto mo lang ako samahan.”

Is she teasing me again? gusto niya ba akong maging kamatis?

“Tara na,” sabi ko. Kinuha ko lang ang jacket ko.

“Can you get my jacket as well? nasa cabinet lang. The brown one.”

“Ah oo nga pala.”

Kinuha ko naman agad ang sinasabi niyang jacket. Hindi ako makapaniwala na makakalapit ako sa mga damitan niya.

Tuluyan na ako nakaramdam ng init sa magkabilang pisngi ko nang alalayan ko siyang maisuot ang jacket niya.

Kaya pa naman niyang maglakad. Wala rin naman kasi akong alam kung paano siya alagaan. Matagal na rin kasi nong last na nilagnat ako.

Sumakay lang kami ng taxi kahit ilang kilometro ang lang ang layo. Hindi ko pwedeng paglakarin siya. Nilalagnat na nga.

“I’ll pay you once we get back,” sabi niya.

“Wag na may utang pa ako sayo kagabi,” sagot ko.

Pagkarating namin ay agad kaming pumasok sa loob. Naghanap agad kami ng nurse na pwedeng mag-assist sa kanya.

Captured by the beat (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon