29: Coffee
Nang maihatid namin si Scarlett ay agad kaming umalis. Nagpaiwan naman si Elodia dahil doon nalang rin siya makikitulog.
"Saan ka na pala ngayon nakatira?" tanong ko habang nasa biyahe pa kami. Alam ko namang nakatuon ang pansin niya sa daan pero parang galit siya sa akin.
"I'm staying in a condo." She answered.
"Wow, ganda," sagot ko. Pero ang lamig pa rin ng presensya niya.
"Nahihilo ka pa?" tanong niya.
"Medyo," sagot ko. Akala ko ay ihahatid na niya ako sa amin dahil alam kong galit siya at baka ayaw niya akong makasama ngayong gabi. Okay lang naman dahil may kasalanan namana ako. Napasobra lang talaga ako kanina at ayoko talagang iwan sila Elodia.
Pero huminto kami sa isang coffee shop.
Magtatanong sana ako kung bakit kami huminto pero lumabas na siya at iniwan lang buksan ang mga bintana. Binuksan ko naman ang pinto at susunod sa kanya nang isara niya ito ulit at sumilip siya sa bintana.
"Stay in the car," sabi niya.
Tumango naman ako agad bilang sagot dahil siguro dala na rin sa nahihiya ako sa kanya. Pinaghintay ko rin kasi siya tapos siya pa naghatid sa mga kaibigan ko. Ngayon naman ako ang iniintindi niya.
Pumasok siya sa loob ng coffee shop at naghintay nalang talaga ako sa loob. Inilibot ko ang aking tingin sa sasakyan niya. Ang ganda talaga, kasing ganda ng may-ari. Nagpatugtog rin ako ng music dahil nabored ako sandali.
Hindi naman siya nagtagal at nakabalik rin siya agad.
Napanguso naman ako na parang bata nang patayin niya ang tugtog, pero inabutan naman niya ako ng kape.
She ordered a coffee for me?
"I don't know what coffee flavor you like, I just asked for their best selling coffee."
Tinanggap ko naman agad, nakalagay siya sa plastic cup. Malamig. I prefer cold coffee kaya malaking check.
"It will not help you sober up, but it may make you feel awake, temporarily hanggang sa makarating tayo sa condo," sabi niya at pinaandar na niya ang sasakyan.
"Thank you," sabi ko.
"I also ordered bread," sabi niya. "Baka nagutom ka."
"Salamat, magkano ba lahat?"
Tumingin siya sa akin sandali at hindi ko alam kung sinamaan ba niya ako ng tingin.
"Nabitin ka ba?"
"Ha?"
"Baka ayaw mo pa talagang umuwi sa akin," sabi niya at agad akong umiling.
"Hindi, gusto na nga kitang kasama, ayoko lang iwan mga kaibigan ko don."
"Okay."
"Casey." Pagtawag ko sa pangalan niya.
"It's fine. I just got worried. Anong oras na kasi." She's really soft spoken. "I didn't expect this from you."
Nahihiya tuloy ako sa kanya.
"Ayaw mo na ba sakin?"
"What?"
Baka kasi ayaw niya ng ganitong babae.
"Pero hindi naman ako ganito araw-araw. Ngayon lang promise. Wag mo akong iwan."
"Babe, nalasing ka ba? I didn't say anything."
"Medyo masakit ang ulo ko." I answered and sipped a drink. "Makakauwi pa ba ako?"
I heard her chuckle.
"Saan?" She asked. Bakit ba siya tumatawa?
"Sayo o ihahatid mo na ako sa dormitory?"
"With your state right now? you'll be going home with me."
Natigilan ako sandali at pakiramdam ko pwede na akong tumalon palabas ng sasakyan niya dahil sa kilig.
"Malayo ba sainyo?" tanong ko.
"Sa West lang," sagot niya.
"Eh di medyo malayo," sagot ko.
"Depende."
"Sang lugar ba?"
"It's in Cambaro," sagot niya. Parang nakapunta na ako don mga dalawang oras siguro mula sa East. "Tomorrow is Sunday right?"
"Opo," sagot ko.
"Can I take you on a date?"
Natigilan ako sandali sa tanong niya.
"Hoy!" sagot ko at bigla ko siyang napalo sa braso niya. Kahit ako nagulat ako sa reaksyon ko. Geez I really need to calm down.
Siguro kung wala kami sa sasakyan pakiramdam ko ay tatakbo na naman ako.
"Bakit?" tanong niya at huminto siya dahil naabutan na kami ng stop light. Akala ko huminto siya dahil napalo ko siya.
"Wala lang, ide-date mo ako?" tanong ko.
"Why? Are you rejecting me?"
"Hindi! Gusto ko. Natulala lang ako sandali," sagot ko at umayos ng upo.
"Saan mo ako dadalhin bukas?" tanong ko.
Excited ako bigla.
"It's a secret," sabi niya.
"Ay bakit? Para alam ko susuotin ko," sagot ko. Nagsimula na ulit siyang magpatakbo ng sasakyan nang makita namin ang green light ulit. Sabay pa kaming sumilip sa itaas.
"Casey." Pagtawag ko sa kanya.
"Hmm?"
"I love you," sabi ko pero sa kape ako nakatitig. Nahihiya kasi ako.
"You changed our name on sociant earlier, eh di dapat babe na rin tawag mo sa akin?"
Napalunok ako at parang may bumara sa lalamunan ko.
"Haha ikaw talaga!" sigaw ko at napalo ko na naman ulit siya sa braso niya. "Sorry–sorry."
"Why? ayaw mo pala ng babe then why change our names?"
"Hindi ano kasi, nagulat ako," sagot ko. Pero ang totoo kinikilig ako at nahihiya. Ano ba 'to bakit ako nagkakaganito. Sa kanya lang naman.
"Babe," sabi ko at tinawanan niya ako. "Bakit?"
"You're making it sound awkward."
"Nahihiya nga ako eh," sagot ko sa sinabi niya.
Bigla siyang huminto sa gilid.
"Bakit?"
Natigilan ako nang halikan niya ako ng mabilis sa labi ko.
"Ca–Casey."
My heart races when she suddenly remove her seat belt and drew herself closer to me. I ended up leaning against the door.
Nagnakaw lang siya ulit ng halik sa akin..
"Sorry you're just too cute for me to handle," sabi niya at bumalik na siya agad sa upuan niya.
Parang nabuhayan ako. Pakiramdam ko nagising talaga ako ng tuluyan sa ginawa niya. Nawala ang pagkahilo ko.
"Ang cute kasi," sabi niya. Sumandal siya sa upuan niya at tumingin sa akin.
Natulala ako sandali dahil ang pogi niya.
"I love you too." She said and I feel the heat rising to my cheeks. I just looked away. Baka maging kamatis ako dito sa loob ng sasakyan niya.
Kanina pa kaya ako nagsabi ng I love you at ngayon lang niya ako sinagot!
"Kahit kape ang sinabihan mo," sabi niya at kinagat ko lang ang pisngi ko sa loob.
"Matagal pa ba tayo?" tanong ko.
"Ah yeah...uuwi pa pala tayo," sabi niya habang tumatawa.
–