30

310 8 0
                                    

30: Hand

Pagkarating namin sa condo niya ay agad akong nakigamit ng banyo. Nakakahiya nga dahil pinaghanda pa niya ako ng maisusuot ko ngayong gabi.

Her condo exudes charm. Kakapasok ko palang napatulala na ako sa exquisite design na meron ang unit niya. The living area is filled with elegant decorations.

As an architecture student I could say that the interior is well crafted. I’ll approve of the large windows at her living area because it provides a view of the surrounding cityscape.

The amenities here are top-notch!

Nang matapos akong maligo ay isinuot ko ay nagsuot lang muna ako ng bathrobe. Pagkalabas ko ay nakahanda na sa higaan ang pwede kong maisuot. It’s a nightgown. Eh nahihiya naman akong suotin ‘to sa harapan niya.

“Sorry ‘yan lang nahanap ko.” Nagulat ako nang marinig ko ang boses niya nandito lang pala siya. Pero hindi siya nakatingin sa akin, nakatuon lang ang pansin niya sa computer niya. Huminga ako ng malalim at niyakap ang sarili ko.

“I never wear that, or if you want you can wear one of my shirts.”

“Okay na po ‘to,” sagot ko. Pero pwede ding t-shirt niya. Napatingin ako sa wall clock niya at napatulala sandali dahil 1:30 am na pala. Grabe tapos hindi pa ako inaantok. Siya kaya? Pero mukhang may ginagawa pa kasi siya.

She’s just wearing an oversized shirt and a baggy short pero ang cool niyang tignan. Nagbihis na ako sa banyo at agad na bumalik sa tabi niya.

“Matulog na tayo?” tanong ko.

“Sure,” sagot niya. “I was just waiting for you.”

Inangat niya ang tingin sa akin at kinabahan naman ako nang bigla siyang natulala.

“Ba–bakit?” tanong ko.

“It’s too big for you,” sabi niya sabay tayo at harap sa akin.

“Ah oo, pero okay lang naman,” sagot ko.

It’s a sleeveless night dress. Medyo mahaba nga siya para sa akin dahil siguro matangkad siya at sakto lang rin ang katawan niya eh ang payat ko kaya. Sobrang payat. Pero malakas ako kumain hindi ko lang talaga alam saan napupunta ang taba. Ilang beses ko na rin yata inaangat ng paulit-ulit ang strap ko.

“I have shirts baka hindi ka komportable sa suot mo,” sabi niya. Para namang may kuryente na dumaloy sa katawan ko nang ayusin niya ang strap ko. Tapos ang lapit pa niya sa akin ngayon.

Napapayuko tuloy ako dahil sa hiya.

“Come on I’ll show you my t-shirts,” sabi niya at inabot ang aking kamay. Malapit lang naman ang walk in closet niya pero magkahawak kamay pa kaming pumunta don.

“I actually have a lot of nightgowns here,” sabi niya nang makapasok kami. Nakaayos lahat ng mga damit niya dito. Halos lahat yata ng klase ng mga damit niya ay may kanya-kanyang lagayan and it’s wall are not boring.

“Ito oh,” sabi niya at ipinakita sa akin ang isa sa mga closet organizer niya. Puno ng t-shirt. Pumunta siya sa likuran ko at tinignan ko ang mga shirts niya. Para naman akong nasa clothes store nito.

Napaigtad ako nang maramdaman kong dumampi ang labi niya sa balikat ko.

She chuckled and wrapped her arms around my waist and whispered to my ear. “Sorry.” Nakikiliti ako. Kaya hindi pa ako nakakapili ay kinuha ko nalang ang huling nahawakan kong t-shirt.

“Ito na,” sabi ko at tinanggal ang kamay niya sakin. Akala ko nga makakatakas na ako pero pagkaharap ko ay hindi siya umalis sa kinatatayuan niya. She placed her left hand on my waist and her right hand on my nape. 

“Bakit?” tanong ko nang titigan niya ako. Napapahawak tuloy ako ng mahigpit sa hawak kong t-shirt niya.

Her hand placement makes my heart beat crazily. How her eyes could melt mine.

She didn’t answer me but she claimed my lips. Her t-shirt slowly slipped from my hand. Wala na akong maintindihan sa nararamdaman ko, but I really want to kiss back. Tumingkayad ako at ibinalot ang kamay ko sa batok niya.

Then I pulled her closer to deepen our kiss.

I was listening Be your man by G Flip on youtube music while writing this chapter 🥹🩷

Captured by the beat (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon