32: Anywhere
Hinatid niya muna ako sa dormitory at agad na akong nagbihis. Hindi ko na nga napansin masiyado ang bago naming roommate dahil nagmamadali ako. Sabay na rin kaming pumunta ng University. Naghiwalay na kami sa loob na ng campus.
"Pakiayos ang file na 'to Miss," sabi ni ma'am Ching, kakalagay ko palang ng bag ko sa drawer ko.
"Opo, miss," sagot ko. Mga file ng mga estudyante. Napansin ko lang rin na marami ang students na for counseling ngayon, ewan parang gusto yata nila lumipat ng University. Para sa akin kasi ito na ang pinakamali at pinakasikat na Unviersity dito sa Alvarez, tapos marami pang umaabot sa top tuwing results ng licensure exams.
Tapos kapag galing ka dito maraming tumatanggap sayong company. Pero 'yon nga sabi nga nila mama at papa diskarte lang rin. Kung hindi lang talaga nagkasakit si papa siya pa rin namang magpapaaral sa akin ngayon, tumigil na kasi siya sa architect firm na pinapasukan niya. Si mama rin kasi hindi na masiyadong lumalago ang meat business niya.
Ewan ba muli ko silang naalala.
Mabuti nalang at may tita ako. Kaya kailangan ko talagang pilitng pumasok kahit gusto ko talagang makasama si Casey ng matagal.
Habang nasa duty ay hindi ko mapigilang buksan ang sociant ko. To check if she has a message.
Casey: I'm with my friends, take care, love you.
Tama naman ako, may message siya sa akin.
Sarah: kapag makita nila to, sasabihin kong galing sayo to.
Casey: :(
Sarah: joke lang.
Casey: 🙂
Sarah: eh Casey, joke nga lang eh.
Nagalit ba siya? Eh nagbibiro lang naman ako. Wala rin naman akong balak ikalat 'to 'no sa iba. Amin lang 'to eh. Pero bakit parang galit siya agad? Galit ba 'to? O binibiro ako nito.
Sarah: oy...
Casey: We're going to the library, chat with you later.
Sarah: teka lang! Galit ka ba?
Seen.
Nagalit ba talaga 'yon? Alam ko naman, nasa isipan ko pa ang sinabi niya na kung walang magtatanong wala akong sasabihin. Klaro sa akin na ayaw niyang ipaalam sa iba. Pero nagbibiro lang naman ako, it's not something that I would love to share with everyone, I love her, oo, pero wala naman akong balak ikalat 'to.
Teka, masiyado na akong nag-iisip, paano kung may ginagawa lang siya? But what's with the emojis? Parang slightly smiling lang naman siya.
Nang matapos ako sa duty ko ay nakipagkita na ako sa mga kaibigan ko sa student lounge.
"Oy, buhay pa kayo?" tanong ko at natatawa ako kay Scarlett na haplos ng haplos sa noo niya. Halatang masakit ang ulo.
"Sana all my girlfriend na kasama kagabi," sabi ni Elodia at inayos ko talaga ang buhok ko na matakpan talaga ang leeg ko.
"Mag jowa na rin kayo," sagot ko.
"No thanks," sagot ni Scarlett. "Gosh, my head hurts. Ayoko na."
"Yan rin sinabi mo last time," sagot ko.
Pinagusapan na rin namin ang research topic namin tapos nakipagkita na rin kami sa mentor namin sa library. Nang matapos ay pumunta na kami ng canteen to have our lunch.
Casey: I'm not mad. I love you.
Sarah: eh akala ko haha i love you too. Kakain na kami ng lunch, kayo?
BINABASA MO ANG
Captured by the beat (GXG)
Storie d'amore"She's straight" Straight bender series IV