35

299 6 0
                                    

35: Cute

"Here you go," sabi niya nang makuha na namin ang order namin. Binigay niya sa akin ang order kong fries. Nakasimangot ako ngayon dahil ayaw niya akong pagbayarin. Ilang beses na kaya niya akong nilibre.

I know she wants to spoil me, pero nakakahiya.

"Let's go to fairy park?

Tumango ako na parang bata na nabigyan na ng ice cream. Dumiretcho kami doon pero nanatili kami sa loob ng sasakyan. Binuksan lang niya ang mga bintana.

"Ang cute ng mga bata 'no?" sabi ko. "Kapag ako, magkaroon ng anak na babae naku, feel ko palaging match ang outfits namin."

Tumingin ako sa kanya at nakatingin lang rin siya sa labas pero napansin kong nakatulala siya.

"Babe?"

"Paano 'yan? I can't give you kids," sagot niya pero hindi siya tumitingin sa akin. Hindi siya lumingon.

"Anong generation ka ba? Marami na kayang ways ngayon," sagot ko. Alam ko naman kasi ang sinasabi niya. Marami na kaya akong kilala na same sex relationship tapos may anak and they are happy family.

"What if someday, you'll realize, hindi pala ako enough," sabi niya na ikinatulala ko sandali. Kanina sarap na sarap ako sa spaghetti ko tapos ngayon hindi ko na alam, iba kasi ang binibigay ng presensya niya ngayon.

"May problema ka ba Casey? Bakit mo ba sinasabi 'yan?"

"Can I ask you a question?" Ako naman ang natulala nang bigla siyang lumingon sa akin.

"When you said yes, were you also considering if I am the one you want to spend the rest of your life with?"

Mabuti nalang marunong na akong kumalma. Palagi niya talaga akong ginugulat, sa mga sasabihin at gagawin niya.

"Ikaw?" tanong ko. "Nong niligawan mo ako...inisip mo rin ba na ako na ang gusto mong makasama?"

"I asked first," sagot niya. Ang daya naman hindi ko naman kokopyahin ang sasabihin niya. Eh, nahihiya ako! Umiwas ako ng tingin sa kanya.

"Oo, gusto ko nga hindi na matapos 'to," sagot ko. "Gusto ko palagi tayong magkasama. Hindi pa naman tayo nagtatgal pero ayoko ng maghiwalay tayo."

Korni man pero sa mga gabi na hindi ko siya katabi, umiiyak ako dahil namimiss ko siya. I always feel safe when I'm with her. Lahat ng stress ko sa acads nawawala tuwing nakikita at nakakasama ko siya.

"I courted you because I want you to be mine forever. I even want to lock you inside my pockets," sabi niya. Naramdaman mo naman pag-init ng magkabila kong pisngi. "I love you."

"I love you too, paano ba kita naakit?" tanong ko at natawa na ako sa sarili ko. Sigurado akong maraming mapapatanong kapag malaman nila ang relasyon namin, sa sobrang ganda ni Casey tapos napunta lang rin siya sa akin?

"Hindi ko nga alam eh," sagot niya.

"Eh ang daya, kapag sayo ang dami kong rason, there so many things to like about you. Eh ako? Yon lang napansin mo lang ako?"

Ginulo niya ang buhok ko.

"Kumain ka na," sabi niya. "Dami mong alam."

"Ha? Ako eh ikaw nga 'tong biglang seryoso diyan," sagot ko. Pinagbuksan niya pa ako ng inumin.

Kahit ganito lang date namin araw-araw okay lang!

"Gawin natin 'to palagi ah?" sabi ko.

"Sure but next time let's also eat healthy." She said and gave ma a smug smile, natawa tuloy ako kasi ang cute niya.

Habang pinagmamasdan ko siya bigla akong napaisip, oo ayos na sa akin na kami lang ang nakakaalam sa aming dalawa, natatakot rin naman ako baka ano pang sabihin ng iba. Pero minsan gusto ko ring ipakilala siya sa lahat na akin siya.

Gusto ko ring malaman ng iba na taken na siya.

Kaso parehas naman kaming hindi ready.

"Wag na tayong maghiwalay ah," sabi ko.

"There's nothing that can come between us, babe." She said and gave me a reassuring smile.

"I love you," sabi ko.

"I love you most."

Natulala ako sandali.

"Pinakamamahal mo ako?"

"Opo," sagot niya at hinalikan ako sandali sa labi.

"Kissing monster," sabi ko.

"Hey, don't say that. I just love kissing you."

Sa aming dalawa, akala ko ako ang pinakamalambing, pero siya pala.

"Ako lang ah," sagot ko.

"Haha babe, funny, sino pa ba?"

"Abah malay ko, tinatago mo diyan," sagot ko. Alam ko namang wala at ako lang. Nararamdaman ko sa pagmamahal niya, gusto ko lang talaga siyang kulitin.

"Wag ako, Sarah. I know the importance of loyalty in a relationship."

"Wow, Casey!" Pinalakpalakan ko siya at nakita ko lang siyang umirap pero ngumiti rin naman siya.

"Hoy, wow ka ng wow diyan, baka ikaw ah." Tapos bigla niyang pinitik ang noo ko.

"Aray! Mas loyal ako kesa sa aso niyo," sagot ko at siya naman ngayon ang napatawa ko.

"Ako ba first girlfriend mo?" tanong ko

"Ahmm... ikaw ba?" tanong niya pabalik sa akin at tinaasan pa ako ng kilay.

"Umayos ka diyan!" sigaw ko.

"Oo, ikaw," sagot niya. Alam kong pati tenga ko ay namumula ngayon.

"So we're each other's first! And last!" sigaw ko at napatili pa ako dahil sa kilig.

"Wag kang magkalat sa kotse ko," sabi niya nong tumilapon ang fries dahil sa kilig ko. Napanguso naman ako. "Babe I'm just kidding."

"Hindi! Mas mahal mo 'tong kotse mo, sige!"

"Hey, I'm just kidding, kaya lang naman pulutin eh," sabi niya.

"Bleh!"

"Cute," sabi niya at pinisil niya pisngi ko.

Captured by the beat (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon