09

286 10 1
                                    

09: Stare

Napahikab ako dahil inaantok na ako. Hindi pa kasi siya bumabalik. Anong oras na. Saan ba nagpunta ‘yon? Hindi ko kayang maubos lahat ng ‘to.

“Oh? gising ka pa?” Hanggang sa bumalik na si Max at wala la siya. Bakit ba wala pa siya?

“Ah hehe patulog na,” sagot ko.

“Oy pahingi!” sigaw niya. Amoy alak siya pagkalapit sa akin. Pero hindi halata sa kanya na lasing siya. Baka hindi rin siya lasing.

“Saan si Cas?”

“Lumabas eh,” sagot ko. Isang oras na ang nakalipas nong lumabas siya.

“Okay. Kain muna ako tapos matutulog na rin. Kapagod.”

Tumango lang ako bilang sagot.

Parang gusto kong lumabas tuloy at hanapin siya. Kasi baka napano siya sa labas. Pero hindi naman siya lalabas ng dormitory diba? She was just taking a call.

Ano naman karapatan ko para hintayin pa siya at lumabas tapos kamustahin kung ano, bakit siya lumabas?

Huminga ako ng malalim at nilaro ang mga daliri ko.

“Max labas lang ako ah,” sabi ko.

“Geh!”

Lumabas ako at nagulat ako sandali nang makita si Casey. Naibagsak ko tuloy ang pinto. Saktong kakalabas ko lang kasi ay nakita ko na siyang pabalik.

“Hey. lalabas ka pa? anong oras na.”

I was…going to look for you.

“Where are you going?”

Hindi ko masabi na hinihintay ko siya kanina pa. I got worried. Ang tagal niyang bumalik. Sabi kasi niya babalik siya agad.

“Oh I forgot. I’m sorry, naubos mo na ba ang chicken?” Natatawa niyang sabi at tanong. Umiling ako bilang sagot.

“Nandiyan na si Max,” sagot ko. “Kumuha rin pala siya.”

“Ah yeah. sure. let's go back inside?”

Natulala ako sandali sa sinabi niya.

“Whatever you want to do this hour, just do it tomorrow. It's already late.”

Sino ba kausap niya na natagalan siya ng balik?

“Oo tama ka,” sagot ko kahit wala naman talaga akong gagawin dito sa labas.

Okay na ako na nandito na siya. Siya na ang bumukas ng pinto at nauna ng pumasok sa loob. Sumunod naman ako agad sa likuran niya.

Nakita ko na rin na nakahiga na si Max. Nakatulog agad?

“She must be drunk again.” Pabulong na sabi ni Casey.

Hindi ako makapaniwala na may ganitong side si Casey. I mostly see her as a cold person. Palagi kasing seryoso ang mukha niya.

“Matulog na rin tayo?” I halted when she asked.

“Ta–tayo?”

“Yeah. eh ikaw haha if you don't want to sleep yet then it's up to you.” Even her laugh is handsome.

“Ah hehe matutulog na rin ako. Banyo muna ako.”

Agad akong pumasok ng banyo at nagsipilyo lang ako tapos naghilamos. Pagkalabas ko ay pumasok rin siya sa banyo. Agad ko namang kinuha ang towel ko at nagsuklay ng buhok.

“Good night.” Napatingin ako sa kanya nang makabalik na siya.

Hindi ako makahinga.

“Ah… Casey.”

Kumunot ang noo niya nang tawagin ko ang pangalan niya. Oo nga bakit ko tinawag ang pangalan niya?

“Yes? Do you want to sleep beside me?”

Naramdaman ko agad ang pag-init ng magkabilang pisngi ko. Alam kong namumula na ako. Mabuti nalang at lamps lang namin ngayon ang nagsisilbing liwanag dito sa loob.

“Just kidding.”

“Ah I just want to say good night too,” sabi ko nang makahanap na ako ng lakas para makapagsalita ulit.

Kung hindi sana siya nagbibiro. Pwede naman! Pwede namang tumabi ako sa kanya.

“Oh. good night.”

Nauna siyang umakyat at humiga sa higaan niya tapos sumunod na rin akong umakyat at humiga na rin sa higaan ko. Katapat ko lang naman ang higaan niya.

I might get used to staring at her.

Captured by the beat (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon