21: Regret
"Gaga ka! Bakit nag-inarte ka pa?!" Napapikit ako ng mariin nang sumigaw sa akin si Scarlett. Nakarating ako sa bahay nila at sinalubong pa akong mommy niya sa gate nila. Pinapasok naman agad ako ng daddy niya at hinintay namin si Elodia dito sa kwarto.
Nakakahiya nga eh dahil naghanda pa sila tita ng mahihigaan namin dito sa loob ng kwarto ni Scarlett. Their house is big and her room is like a house already. Chill lang rin ang mommy at daddy niya.
"Eh nahihiya nga ako! Hindi ko alam ang gagawin ko!" sigaw ko sa kanya pabalik.
As soon as Elodia arrived I told them everything. As in from the start until tonight.
"Yon lang? Nahihiya ka lang? My gosh! Ginawan ka pa ng kanta!" sigaw ni Elodia sa akin.
"Pero nagpahalik ka na, tapos umarte ka pa?" Napalingon ako kay Scarlett.
"Anong ginawa mo nga ulit nong nagtanong siya?" Lumingon ako kay Elodia. Huminga muna ako ng malalim bago sumagot.
"Wala, tumakbo ako tapos sumakay ng taxi. Hinabol niya ako pero walang salitang lumalabas sa bibig ko."
"Hay naku! Bakit?! Why naman?! Sayang the opportunity oh!" sigaw sa akin ulit ni Scarlett. Kulang nalang siguro sabunutan nila ako dahil raw sa pag-iinarte ko.
"Mabuti sana kung isipin niya na nahihiya ka lang or what, baka kasi isipin niya na she's just being delusional and you're now scared of her. Sa huli, hindi ka na niya papansinin at hindi ka rin niya kukulitin. Hello? Apo ng president ng Primston tapos ikaw hahabulin? Excuse me." Maarteng sabi ni Scarlett. Siya kasi talaga pinakagalit dito sa amin.
"Alam mo girl, pwede mo naman siyang sabihan," sabi ni Elodia.
"Nagulat nga ako," sagot ko. "Sabi rin kasi, straight siya."
"Yeah, that's what I heard, baka naman malakas na talaga tama mo at imagination mo lang 'yan," sabi ni Scarlett.
"Grabe ka talaga sa akin 'no?" Inis kong tanong sa kanya.
"Ano bang sabi sa kanta niya? Dapat nag-record ka," sabi ni Elodia.
"Matagal na pala niyang alam mga kahihiyan mong ginagawa sa likuran niya!" Natatawang sabi ni Scarlett.
"Guys! Please naman!" sigaw ko para matigil sila sa pagtawa.
Hindi ko na alam ang gagawin ko ngayon, paano ako babalik ng dormitory? Paano ko siya kakausapin?
"You know what, let's rest first. Una mong gagawin bukas ay bumalik ng dormitory ng maaga tapos subukan mong magpaliwanag," sabi ni Scarlett. "Unless ayaw mo siyang maging girlfriend."
"Gusto ko, nagulat lang talaga ako at nahihiya," sagot ko sa kanya.
"Hindi gusto mo lang talaga habulin ka!" sigaw ni Elodia.
"Tama na, hindi ako ganon," sagot ko.
"Asus! Wala na tayong magagawa, subukan mo nalang siyang kausapin bukas kapag magkita kayo." Scarlett said while shaking her head.
"Yeah, ang nakakatakot diyan. Binabawi na niya haha!" Elodia said while laughing ang fixing her pillow.
Baka nga nagalit ko siya. Sino bang tao na tatakbo pagkatapos ligawan?
"You know what, nag-inarte ka pa. She's taking na nga the responsibility of kissing you eh. At least hindi ka niya hinalikan dahil lasing siya at trip lang niya o alam mo na. Hinalikan ka niya dahil nagugustuhan ka na pala niya. Akalain mo 'yon kilala ka pala? Tapos nagpakilala siya sayo na parang wala lang. Ayan hindi ka kasi nagsasabi sa amin agad." Scarlett said.
Niyakap ko nalang ang sarili ko. Mabuti nalang pinahiram ako ni Scarlett nang pamalit. Pero hindi na 'to hiram pinapabili na niya sa akin. Pero hindi ko na iniisip itong pamalit eh. Si Casey iniisip ko at ano itong ginawa ko.
Habang tulog na sila ay don ko lang napagtanto kung anong ginawa at sinayang ko ngayong gabi! Paano na 'to? Kinakabahan na ako. Nagkakausap na nga kami tapos biglang mawawala. Paano kung nagalit siya?
Alam ko namang mali na tumakbo lang ako tapos iniwan siya don. May ibang tao kaya na nandoon.
"Oy matulog ka na." Napalingon ako kay Elodia, magkasama kasi kami sa iisang higaan na hinanda nila tita. Si Scarlett naman mahimbing na talaga ang tulog sa mismong higaan niya.
--