19: Just
Hindi pa ako umuwi hanggang sumapit ang 7 pm. Pumunta agad ako ng parking area para hintayin siya. Nag-ayos pa ako ng konti. Did a little makeup and fixed my hair na hindi ko maitali dahil alam kong kapag makita 'to ng mga kaibigan ko kanina hindi nila ako titigilan at baka nga hindi nila ako pauwiin. Saan ba kami pupunta? Nagpalit rin kasi ang suot. I'm just wearing a simple white crop top and baggy pants.
"Hey... sorry kanina ka pa ba?" Napaangat agad ang tingin ko nang marinig ko ang boses ni Camryn. Hindi ko alam kung bakit bigla akong naging excited nang makita siya. Siguro nga dahil crush ko siya.
"Hindi kararating lang," sagot ko. Para sayo kararating ko lang para hindi ka na mag-alala. Chos ang OA.
"Tara."
Naglakad pa kami papunta sa mismong sasakyan niya. Pinagbuksan niya ako ng pinto at sa tabi pa rin niya ako pinaupo.
"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko nang maayos ko na ang seat belt ko.
"You know Almiro's bar?"
"Niyaya mo ba akong mag-bar?"
"Ah oo but I also want you to see me play," sabi niya at napatulala ako sandali dahil don. See her play? "I want you to hear the song that I wrote." Hindi ko napigilan ang ngiti ko at umayos lang ako ng upo. Ibinalin ko ang aking atensyon sa daan.
"Sige ba." Nakangiti kong sabi.
Narinig ko na naman siya kumanta dati kaya nga mas lalo ko siyang naging crush, pero iba pa rin kapag niyaya ka talagang makinig sa kanya. Plus she can write! I'm so excited to hear it. Ano kaya title? O ano kaya ang laman ng kanta?
Nang makarating kami ay nakaramdam ulit ako ng kaba. Kinakabahan dahil kasama ko siya. Halo-halong emosyon na hindi ko na maipaliwanag.
Pumasok naman rin kami agad sa mismong location. It's a penthouse resto bar. Mula dito sa taas ay marami akong nakikitang magaganda sa mata sa ibaba.It has also majestic view of the mountains. I could enjoy the panoramic view up from here.
"Amm okay lang ba kung iwan muna kita I need to prepare my guitar." She said and I nodded as an answer. Sinigurado pa niya muna na maayos ang upo ko. Nasa mismong harapan ako ng bar at sa mini stage nila.
Ang daming tao kaya medyo naiilang ako. I'll just wait for her. Tumingin lang muna ako sa mga menu nila. Hindi ko alam kung bigla akong napaangat ng tingin. I was amazed when I realized I could also get to enjoy the moon and stars. Ang ganda.
"Hey, okay ka lang?" Napalingon ako kay Casey na humila ng upuan at umupo sa tabi ko.
"Okay ka na ba?" tanong ko.
"I asked you first." She said while smiling. Bakit ba ang cute niya?
"Ah..oo, okay lang naman ako dito."
"Just order what you want to eat and drink, it's my treat."
"Ah wag na, kaya ko rin naman magbayad," sabi ko. Kahit ayoko talagang gastusin ang savings ko at allowance na binibigay ni auntie. Pero ngayon lang naman 'to hindi namane everyday siguro.
"No, you won't be paying anything. I'm the one who asked you out."
"Ah kasi nilibre mo na ako ng lunch eh," sagot ko.
"So? Ilibre mo rin ako sa susunod." Nakangiti niyang sabi at ginulo ang buhok ko na parang bata. "Besides, I always get a free meal here." She said while giggling.
"Do you always sing here?" I asked and she shook her head.
"Ngayon lang."
"Ah...kasi minsan late ka na ng gabi umuuwi tapos palagi kay may dalang gitara. Akala ko lang."
"But I'm always here, one of my friends owns this bar." Natulala ako sandali sa sinabi niya. Ah oo nga expected nga naman na may ganito siyang kaibigan. Ano ba Primston 'to hello!
"Tsaka late na akong umuuwi dahil we have practice for the awit sayaw and I also love going to parties."
Party girl pala 'to. Mabuti nakakaya niya? As an engineering student? Ako nga napapagod na.
"Ahhh gets," sabi ko.
Pero teka ngayon lang siya kakanta? Tapos sinulat pa niya? Ang swerte ko naman! Magkaibigan na ba kami? Ganito na ba kami ka-close?
"Are we friends now?" tanong ko at nakita ko siyang natulala sandali at kumunot ang noo.
"What?"
"Friends." I firmly said.
"Friends?"
Bakit parang iritado ang tono ng boses niya? Nagtatanong lang naman ako kasi ililibre na naman niya ako tapos hindi pa rin kami magkaibigan? Palagi naman akong natulala sa kanya dahil sa damdamin kong gustong gusto ng sumabog pero natulala na naman ako ng tuluyan sa sunod niyang sinabi.
"We've already kissed. Do you believe we can remain just friends after that?"
–