28: Home
"Uwi na ako," sabi ko kayna Elodia pero ayaw pa talaga nila akong pauwiin. Hindi lang silang tatlo pati mga kaklase namin tapos seniors namin. Ganito talaga nangyayari tuwing after party eh. Kunwari juice iniinom namin pero hindi pala juice.
"Masakit na ulo ko eh," sabi ko. "Uwi na tayo," sabi ko kay Scarlett na kanina pa tawa ng tawa, ganito kasi siya tuwing nalalasing. Mahahalata mo ng lasing na kung tawa na siya ng tawa sa mga bagay na hindi naman nakakatawa.
Okay pa naman ako, kaya ko pa naman pero nahihilo na ako at ayoko ng pilitin ang sarili ko.
"Eh gusto mo lang puntahan ang girlfrie-" Agad kong tinakpan ang bibig ni Elodia.
"Oh inom lang kayo ah, kasi bukas wala na 'to!" Napatingin ako kay Kuya Edgar one of our seniors. Napailing-iling ako, parang wala na yatang katapusan ang party na 'to. Hindi ko alam kung bakit nakakalusot ang mga ganitong after party dito sa University namin.
Sa bagay ang iba kinakaibigan lang ang mga guards tapos okay na. Pera pera rin ba naman.
"Oh, magpapatay na ang mga ilaw, kaya lipat tayo ah!" sigaw ni Ate Celine na senior rin namin. Ito rin ang ginagawa namin, syempre magpapatay ang ilaw ang school dahil uwian na dapat kaya lumilipat kami sa bar o sa kahit anong inuman.
"Ako, ayoko na," sabi ko.
"Ha? Hindi pwede!" sabi ni Scarlett.
"Marami ka na ngang nainom Scarlett eh," sagot ko sa kanya.
"Eh kasi naman, minsan lang 'to!" Hindi na nga siya makapagsalita ng maayos tapos sumisigaw pa.
"Inom pa," sabi ni Elodia at inabutan pa ako ng baso.
Napabuntong hininga ako at pinagbigyan sila. Kaya ko pa naman pero last ng shot 'to. Nagsigawan ang lahat ng mamatay na ang ilaw, handa na rin naman ang mga flashlights nila. Ako naman ginawa kong pangilaw ang phone ko.
"Let's go guys!"
Nag-umpisa na silang lumabas ng room at nahuli kami nila Scarlett.
"Let's go!" sigaw ni Scarlett.
"Guys play it cool," sabi ni Andrea, one of our classmates.
Ewan ko nalang sa mga kalat namin sa loob at baka mapagalitan na naman kami ng mga prof namin. Palagi naman eh. Mabuti na nga lang ang iba umuwi na pero madadamay sila dahil sa amin.
Pero minsan lang naman ang kulit namin eh kaya okay lang. Siguro.
"Oy, Scarlett, Elodia, uwi na tayo," sabi ko. Hindi pa naman ako yung tipo na uuwi agad kaso ayokong maghintay ng maghintay si Casey. Kanina kasi maagang natapos ang party nila kaya sabi ko maghintay muna siya at naghintay lang muna siya sa coffee shop. Nang matapos naman ang party namin nagsimula agad ang after party kaya sabi ko kung makakahintay pa siya sabi niya maghihintay lang muna siya sa Book store.
Hanggang sa ngayon ay nasa labas siya ng University may pupuntahan na muna raw siya tapos balikan niya ako dito sa University. Ayokong lumabas dahil baka kung saan saan niya ako hanapin.
"Tatawagan ko pa si Casey," sabi ko.
"Girl mauna ka na sa amin. Tatapusin pa namin 'to," sabi ni Elodia.
Napabuntong hininga ako. Hindi ko naman sila kayang iwan lalo na't gabi na.
"Umuwi na tayo," sabi ko.
"Girl, walang magagalit sa amin. Kaya okay lang mauna ka na," sabi ni Scarlett.
Hindi ko talaga silang kayang iwan lalo na't maraming lalaki. Hindi naman sa judgemental ako o wala akong tiwala sa seniors namin pero nag-aalala lang rin ako.